Sige na nga, for now ititigil ko muna kakaYuji ng utak ko. Kasama ko mga kaibigan ko dapat masaya ako at hindi puro samahang YUJI at LINA yung iniisip ko.




Nakisali na ko sa pinaguusapan nilang dalawa na ilang minuto naman ay nauwi din sa tawanan at kulitan habang kumakain kami. Pinagtitripan namin si Penny habang kami naman ni Jess tawa ng tawa. Madalas pa kong akbayan ni Jess na nakasanayan ko na naman na. Since elementary ganyan na yan sakin kakomportable, to the point wala na kaming pakialam kung pagisipan man kami ng iba na ganito ganyan na baka daw may relasyon kami. Tinatawanan lang namin pag ganun.






After lunch break, bumalik na ko sa office ni Sir. Yuji. Ngayon normal lang ako maglakad, hindi ako tumatakbo, hindi ako nagmamadali. As I said before, titigil muna ko kakaYuji sa utak ko at magiging normal na estudyante muna ko. Nakakasakit kasi masyado sa puso pag nakikita ko syang kasama palagi si Ms. Lina. Kung ano ano iniisip ko, nagkakasala ako ng di oras.




Kumatok ako sa pinto nya at pinasok naman nya ko agad.



"Sit here, Ms. Briones." Turo nya sa upuan na nasa harap ng lamesa. Umupo naman ako dun at ngumiti sakanya.

"Had a great lunch?" Tanong nya. Bakit nakita ba nya ko sa cafeteria kanina?

"Yes, Sir. I had lunch with my friends." Nakangiting sagot ko sakanya.

"Ah, I see." Sagot niya.




May iniabot sya saking libro at may mga check ang mga sasagutan ko doon. Kinuha ko yung favorite panda ballpen ko at nagsagot na para matapos ako agad. May usapan kasi kami ni Jess na susunduin nya ko para ihatid sa bahay. Ganun kami dati palagi nya kong hinahatid, natigil lang nung naging busy kami sa mga schoolworks.




"Ms. Briones, how's your story?"

Tanong nya sakin, kinuha ko naman agad yung notebook sa bag ko at iniabot sakanya yun.




Marami na akong nasulat na panibagong chapters doon kaya marami na syang mababasa. Kinuha nya yun at nagbasa sya agad habang nagsosolve naman ako.




"So, namatayan si Boy at may nakilala syang babae sa sementeryo na namatayan din ng boyfriend?" Tanong nya.



"Yep." Sagot ko ng hindi ako tumitingin sakanya dahil seryoso ako sa kakasolve ko.



"Many days had passed, naging close sila at sabay na nilang bisitahin ang mga puntod ng mahal nila sa buhay?" Tanong ulit nya.


"Yep." Maikling sagot ko uli sakanya. Ganyan ba sya magbasa tanong ng tanong?


"They knew they have mutual feelings for each other but they chose to wait. Why, Ms. Briones? Kung may gusto naman na pala sila sa isa't isa bakit hindi pa maging sila?" Tanong na naman nya.

"Sir, it's not that simple for the story and even in reality. Kung namatayan kaba, mapapalitan mo agad ang taong yun sa buhay mo? Diba hindi? Because you respect that person. Kung mamadaliin nila na maging sila agad, parang lumabas lang na naging panakip butas sila sa isa't isa. Pareho silang malungkot at natagpuan nila yung isa't isa. They chose to wait hanggang sa talagang malimutan na nila yung pagmamahal na nasa mga taong nawala sakanila. You can't love again that easy the way you love someone who passed away Sir. The boy and the girl in my story, they both need time to heal before they start to love again."




Nagsasagot lang ako habang sinasabi ko ang mga yun. Hindi sumasagot si Sir kaya tumingala ako para tingnan sya at nakita kong nakatitig lang sya sakin.



"Uhh...Sir?"

Nakatitig sya sa mga mata ko, anong meron? Kumakabog na naman yung dibdib ko. Hahalikan ba nya ko ulit pero this time sa lips naman?




"E-hem um..That's um...that's beautiful Ms. Briones. I'm really amazed about your story and how you see things."


Nauutal sya sa mga sinasabi nya, naflattered naman ako sa mga sinabi nya pero tapos na ko magsagot kaya iniabot ko na sakanya yung mga sinagutan ko.





"Um, Sir pwede na po ba ako umuwi? 8pm narin po pala, gabi na po eh. Tsaka tapos ko na naman po sagutan lahat."


"S-sure Ms. Briones. Wait, ihahatid na kita." Tumayo pa sya at kinuha yung coat nya pero pinigilan ko sya.


"Ay wag na po Sir, may kasabay naman po ako actually nandyan na po sya sa labas." Pagkasabi ko nun biglang may kumatok sa pinto.




Lumapit ako dun at binuksan yung pinto dahil alam kong si Jess yun.


"Good evening po Sir." Bati ni Jess kay Sir. Yuji.

"Sige po Sir, una na po kami. Ingat po kayo." Nagbow ako sakanya at nagpaalam habang nakangiti.



"S-sige ingat kayo Ms. Briones."




Paglabas ko inakbayan agad ako ni Jess, at parehas kaming nagbabye kay Sir bago ko isara yung pinto. Huling sulyap ko kay Sir parang nag-iba expression ng mukha nya ng makita nyang inakbayan ako ni Jess.

Problema nun?

---

My Professor, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon