UG 7 - DETENTION

3.9K 215 97
                                    

"Uy Dre!" tawag ni Bem-Bem kanila Yohan at Gino na nasa rooftop. "Langya... bakit di kayo pumasok?"

Marahang tumayo sa pagkakahiga sa bench si Yohan saka matamlay na tiningnan si Bem-Bem. "Wala naman masyadong nangyayari sa first day. Bakit pa ako papasok? Ano ba pinagpuputok ng buchi mo diyan?"

"Ang pinagpuputok ng buchi ko eh, hindi niyo ako sinabihan na tatambay kayo dito. Para tuloy akong tanga kanina sa classroom."   

"Para ka naman talagang tanga, may bago pa ba dun?" natatawang sabi ni Yohan.

"Buti na lang may bago tayong classmate na ubod ng ganda. Nangawit nga leeg ko kakalingon sa kanya," excited na kuwento ni Bem-Bem habang ngiting-ngiti ito.

Yohan looking totally uninterested. Humiga ulit ito sa bench at tinakpan ang mukha para matulog.

"Anong itsura Bem?" usisa ni Gino.

"Maganda dre, mahaba ang buhok, maputi, maganda ang mata, tapos ang nipis ng labi na mapula-pula pa... mukhang manika... tapos ang cute pa niya dun sa headband niyang silver na may bulaklak sa gilid."

Napabalikwas bigla si Yohan sa upuan. Halos mahulog na nga siya sa pagkakatayo. "Ano? naka-ano--- headband na silver? May bulaklak sa gilid?!" nagmamadaling pagtatanong ni Yohan.

Nangiti tuloy si Bem-Bem. "Inulit mo lang kaya, sinabi ko."

Mabilis na tumayo si Yohan at kinaladkad si Bem-Bem.

"Ituro mo nga sa akin yang babaeng yan." Hinawakan niya ito sa balikat, saka nagmamadali itong kinaladkad. Sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Yohan, hindi na magawang makapalag ni Bem-Bem.

"Dre, alam kong guwapo ka. Pero chic ko na yun, walang taluhan." Nag-mamakaawang tugon nito.

Kaagad naman siyang binatukan ni Gino. "Anong chic? Yun yung naka-away ni Yohan sa Bazaar kahapon."


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Dahan-dahang naupo si Zea, dala ang pagkain niya na nakalagay sa tray. Pumwesto siya sa bandang gitna ng long table at inilapag niya isa-isa ang pagkain sa lamesa. Napatingin siya sa mga kasabay niyang kumain na halos lahat ito ay nakangiti sa kanya.


Well at least... this time hindi ako hated sa school. Everybody seems to be friendly. 


Kakagat na sana siya sa sandwich, nang bigla na lang bumalagbag ang pintuan sa canteen. Her eyes narrowed as she saw a familiar silhouette of a guy walking towards her.

 Her eyes narrowed as she saw a familiar silhouette of a guy walking towards her

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Undercover GirlWhere stories live. Discover now