UG 8 - QUITS NA TAYO

4.2K 195 100
                                    


"Halika na Selene." pag-kayag ng kanyang kasama.

Nanatiling nakatayo si Selene, kahit na hinahatak na siya ng mga kasama niya paalis.  Hindi niya mai-iwas ang kanyang tingin sa dalawa.

The way Yohan kisses that transfer student, somehow brought a little pain in Selene's heart.

"Selene." Bulong ng isa pang kasama, at tila ba nahimasmasan siya bigla sa nangyari. Selene turns her back then walks away.

At the corner of her eye, Zea saw Selene left. Kaya naman, mabilis niyang tinulak palayo ang binata, at bahagyang ikinagulat ito ni Yohan.

Zea looked at Yohan's flushed face and she can't help but chuckle, at his cute reaction.

"First time mo?" Zea asked.

Lalo pang namula ang mukha ni Yohan at hindi maka-tingin ng diretso sa dalaga. Hindi tuloy malaman ni Yohan ang sasabihin. Dahil, oo --- First time niya.

"Hindi ah." Kunot-noong wika nito.

Isang ngiting tuso ang gumuhit sa mukha ni Zea, habang tinititigan si Yohan. "Ahh..." Marahan niyang wika.

"Anong, ah?!" Inis na tanong ni Yohan.

"Sa kanya mo ibibigay ano? Kaya ka ba nakipag-away sa akin dun sa Bazaar, nang dahil sa headband?"

Yohan's throat got dry, and his mood changes in an instant.

"Hindi para sa kanya yun..." Matigas na pahayag nito.

Her eyes widen in disbelief. "Weh? Sa tingin ko, hindi mo lang matanggap na ginagamit ka lang ng babaeng nagustuhan mo---"

"Dami mong alam!" Putol ni Yohan. "That headband--- It wasn't for her..." Yohan gave her a sharp glare.

Matapos ang ilang minuto ay umiwas din ito nang tingin. And an awkward silence crossed between them. He picks up the mop and started cleaning the area. Hindi na siya kinibo ni Yohan buong araw.



Kinabukasan, habang naglalakad papasok ng school, nakikita na niya ang mga estudyanteng nagbubulungan. Ang malala ay, tila ba siya ang laman ng usapan. She tries her best to ignore them and just walked straight into their classroom. Ngunit pagka-pasok niya sa classroom ay nakatinginna sa kanya halos lahat ng kanyang mga classmate, na para bang may ginawa siyang malaking kasalanan. Hanggang sa mahagip ng paningin niya ang isang babae na nakasubsob sa table at umiiyak. May ilang babaeng nakapaligid sa kanya, para aluhin ang dalaga.

"Kasalana ng haliparot na 'to eh!" Sigaw ng isa sa mga babaeng kasama nito.

Lalo pang lumakas ang iyak ni Selene.

Bahagyang nagulat si Zea, pero kaagad din niyang naisip ang planong gawin ng mga ito.

Takte, babaliktarin pa ako ng mga 'to? Bulong ni Zea sa sarili.

Lumapit ang isa sa mga babae, at akmang itutulak siya, ngunit mabilis na nahawakan ni Zea ang braso nito. Pilit binabawi ng babae ang kanyang kamay, ngunit sadyang mahigpit ang hawak sa kanya ni Zea.

"At lumalaban ka pa talaga ha." Galit na wika ng isa pang babae, mula sa grupo ni Selene.

"Bitiwan mo nga siya!" Unti-unting naglapitan ang grupo ni Selene para pagtulungan siya, pero bago pa sila makalapit, ay pabalibag niyang binitawan ang kamay nito at tinulak papunta sa kanila. Sa lakas ng pagkakatulak ni Zea, ay napaupo silang lahat sa sahig.

Undercover GirlWhere stories live. Discover now