UG 5 - KING

4K 209 175
                                    


Mabilis na nahawi ang mga tao sa daan. Lahat kusang umiiwas habang naglalakad si Yohan palabas ng bazaar kasama ang buong grupo.

"Oh? Sinong uupakan? Dami natin ah!" mayabang na tanong ng isang chubby na lalaki habang nag-iistretching.

"Oh? Sinong uupakan? Dami natin ah!" mayabang na tanong ng isang chubby na lalaki habang nag-iistretching

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ikaw!" badtrip na sagot ni Yohan. "Tumabi ka nga diyan." Tinulak niya ang matabang lalaki sabay bukas ng pintuan ng kotse.

"Ako na magdra-drive dre," awat ni Gino sa pagpasok sa kotse ni Yohan. Gano'n din ang matabang lalaki at naupo sa tabi ni Gino.

Inis niyang ginulo ang buhok. Hindi na mapinta ang mukha niya kanina pa.

"Ano bang nagyari dre?" tanong ulit ng chubby na lalaki pero hindi siya sumasagot.

"May nakasagutan kasi yang si Yohan sa loob Bem-Bem." paliwanag ni Gino habang nagmamaneho.

"Oh? Ano? Buhay pa?"

Nangiti bigla si Gino at pinigil ang tawa. "Kaya nga hindi mapinta mukha niyan kasi buhay pa."

"Tang-ina kasi..."Napapikit si Yohan sa inis. Naalala na naman niya ang nangyari kanina.  

Naguguluhang nagpabalik-balik ang tingin ni Bem-Bem sa dalawa.

"Bakit ba kasi pinatulan mo pa dre? Babae 'yun," mahinahon na tanong ni Gino.

Nanlaki bigla ang mata ni Bem-Bem. "Babae? Babae ang naka-away mo?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Aba! Matapang yun ah! Umalma sayo?"

"Hindi kasi niya ako kilala ---hindi taga-rito," sagot ni Yohan habang kunot-noong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Hindi lang yun Bem. Pinunit pa ang pera ni Yohan. Sa harap niya mismo." gatong pa ni Gino.

"Anak ng--- tumigil na nga kayo! Lalo lang akong naiinis eh!" badtrip na tugon ni Yohan.

Marahang lumapit si Bem-Bem kay Gino para bumulong. "Ano ba pinagtalunan?" mahinang-mahinang tanong nito.

"Headband." mas mahinang sagot ni Gino.

Halos malamukot ang mukha ni Bem-Bem. "Headband?"

Tinalasan kaagad ng tingin ni Yohan ang dalawa. "Putres kayo, kung mag-usap kayo parang wala ako dito ah."

"Eh kasi dre, headband ---headband talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Bem-Bem.

Mariing nagtagis ang panga ni Yohan saka huminga ng malalim. "Oo. Headband. Masaya ka na?"

"Eh, bakit pinunit 'yung pera mo?"

"Kasi nga Bem nag-aagawan sila sa headband." paliwanag ni Gino.

"Eh binibili ko na nga sa kanya!" sabat ni Yohan.

"Ang kaso Bem, hindi rin maganda pagkakasabi nitong si Yohan dun sa babae. Ayun, pumalag, punit lahat ng pera..." paliwanag ni Gino.

"Aguy ---ibig sabihin inalat ka?" natatawang kantyaw ni Bem-Bem kay Yohan.

Undercover GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon