Nasa eskwelahan na ako at naglalakad sa hallway nang may makasalubong ako.

"Avygail!"

Ngumiti ako, "Cheska, are you a transferee?"

"Yup! My mom decided na dito na ako mag-study for college." Sagot niya sa akin, "Kamusta ka? At kay Aivan? Kamusta na siya?"

Kibit-balikat naman ako, "Ayos lang ako, at si Aivan naman.. Okay lang iyon, he studying engineering. Matalino sa math ang isang iyon kaya engineering ang napili niyang kurso."

"Woah! Parang kailan lang nangongopya pa siya sa akin sa Math ah? Tapos ngayon...."

Napangiti naman ako, "Sige mauna na ako, Cheska." Sabi ko ngunit hinawakan niya naman ang braso ko.

"Can we talk for a while? Maaga pa naman."

Napatingin ako sa aking relo, and sighed, "Okay, saglit lang."

Tumango naman siya.

"Your kind. Kilala na kita noon pa because of Aivan, Akala ko hindi ako mapapalapit at hindi kita magiging kaibigan pero nagkamali pala ako, Do you remember? Noong nasa grade 7 tayo, binubully ka ni Aivan. Hinulog ka niya sa pool ng school at ako ang tumulong sa'yo. Hindi ka kasi marunong lumangoy non." Sabi niya sa akin.

Para bang gusto kong umirap sa sinabi niya pero pinili ko na lamang na hindi, sa halip ay ngumiti ako, "What's your point?"

"Please do me a favor? Alam kong malapit ka na kay Aivan ngayon kumpara sa dati. Sabi pa nga ng iba ay parang ayaw nang humiwalay sa'yo ni Aivan dahil sa closeness niyong dalawa." Aniya.

"Anong favor ba iyan?"

"I want Aivan back to me and to my life. Matagal ko nang pinagsisihan ang pang-iiwan ko sa kanya, at ngayong naririto na ako sa Pilipinas. Gusto ko sanang bumalik na kaming dalawa sa dati."

Napahinga naman ako ng malalim.

"Ano? Payag ka na ba na matulungan ako? Alam mo naman na ako ang right girl for him, right?"

"Pag-iisipan ko."

"Sana pumayag ka." Sabi pa niya.

"Sige na, mauuna na muna ako sa klase ko." Sabi ko pa sa kanya.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita pa siya sa halip ay naglakad na ako patungo sa classroom ko at habang naglalakad ako ay natatanaw ko na mula sa kinaroroonan ko si Aivan na tila may inaantay sa labas ng classroom ko.

Nang papalapit ako sa kanya ay saka na ako nagsalita, mukha naman kasi na hindi niya ako mapansin dahil nakatitig lang siya sa mga taong naglalakad sa pasilyo.

"Aivan... Anong ginagawa mo dito?"

Agad siyang napatingin sa akin, para bang gusto kong matawa nang makita kong lumalim ang mata niya na dahil sa eyebags niya. Talagang hindi talaga siya nakatulog kagabi.

Inilahad niya ang isang plastik na hawak niya sa harapan ko, "Binilhan kita ng almusal mo. K—Kumain ka na muna, hintayin kita."

Tinanggap ko ang bigay niya sa akin, "Ikaw kumain ka na ba? Hati na lang tayo." Sabi ko pa sa kanya.

Umiling naman siya, "Ikaw na lang muna. Hintayin na lang kitang matapos."

Tumango ako.

Ewan ko ba kung bakit tila kakaiba ang ikinikilos ni Aivan ngayon, Hindi ko alam pero nasi-sweetan ako sa kanya.

Nagtungo ako sa loob ng classroom, wala pa naman ang aming Professor dahil maaga pa naman kaya kinain ko na muna ang bigay sa akin ni Aivan na pagkain. Take-out pa ito mula sa McDonalds.

"I smell something fishy." Ani Liz na nasa tabi ko na pala.

Inirapan ko naman siya, "Tumahimik ka nga diyan."

"Ang seryoso ng titig sa'yo ni Aivan." Sabi sa akin ni Liz at dahilan para mapatingin din ako sa kinaroroonan ni Aivan na nakatitig pala sa akin, "Sabihin mo nga sa akin, Avygail. Ano bang namamagitan sa inyo niyan ni Aivan?"

"W—Wala... Ano ba?!"

"Siguraduhin ko lang na nagsasabi ka ng totoo ah?" Natatawang sabi ni Liz, "Haaaayyy... Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa."

"Gusto mong masampolan ng sapak, Liz?"

"Joke lang, heto naman oh.."

Nang matapos akong kumain ay doon lang pumasok si Aivan sa classroom namin, Nagtataka pa ako kung bakit siya pumasok sa classroom, iyon pala ay aayusin lang niya ang mga pinagkainan ko.

Hindi na ako naka-imik pa sa ginawa niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong gawin dahil sa ipinapakita niya sa akin.

"Hintayin mo na lang ako dito pagkatapos ng klase mo." Sabi niya sa akin nang mapagsama-sama niya sa loob ng plastik ang pinagkainan ko, "Sorry dahil hindi kita pinansin at iniwanan pa kita kanina." Aniya pa at nahihimigan ko ang sincere sa kanyang boses.

Napangiti naman ako, "Walang problema... Ikaw kasi, matampuhin ka."

Nguniti rin siya at pansin ko ang paghinga rin n'ya ng malalamin, "Bati na tayo?"

Mabilis akong tumango. "Yup."

Napakunot ang noo ko nang takpan niya ng kamay niya ang mukha niya, "Syettt!! Kinikilig si ako! Hirap talaga pag gwapings! Woooo!"

Wala na akong nagawa kung hindi ang mapatawa na lang sa ikinilos ni Aivan at sa puntong iyon ay naisip ko rin ang gustong mangyari ni Cheska. Gusto niya kasi na tulungan ko siya para magbalikan sila ni Aivan.

Hell I care?

Paano ko gagawin iyon? Eh ngayong binabawi ko na ang sinabi ko kay Aivan na dapat ay magka-girlfriend na siya para lubayan na niya ako.

"Papasok na ako." Sabi ni Aivan na nagpabalik sa wisyo ko, "Don't talk to boys, okay?"

Tumango naman ako at saka nagsalita, "And no girls allowed, okay?"

"No girls allowed." Pag-uulit niya sa sinabi ko kasabay ng pagtaas ng isa pa niyang kamay na tila nagpa-promise sign pa.

Prince Of The Womanizers (Completed) Where stories live. Discover now