Hit 14~ The Party

Start from the beginning
                                    

"Baka nasa itaas. Tulog na kaya siya?" hula ni Nino.

"Hay... Ano bang klaseng celebration ang magagawa natin dito?" usal ni Yano bago ito umupo nang pabagsak sa sofa na naroon.

"Uupo na rin kami ha," paalam ni Monique.

Umupo na nga ang lahat maliban kina Nino at Chen Yin.

Sinilip ni Nino ang ate niya sa kuwarto nito, pero wala. Kinatok niya rin ang CR. Wala rin ito.

"Saan kaya nagpunta si ate Mia?" tanong niya bago siya dumako sa kusina. Ito naman ang binuksan niya.

"Aaaah!" biglang napasigaw si Nino.

"Bakit?" Nag-alala sa kanya ang mga kasama.

Maliban kay Yano. "Bakit ka ba sumisigaw!" galit na tanong nito. Narindi kasi ito sa biglang pagsigaw ng kanyang alipin.

"N-Nagulat lang po ako," sabi ni Nino bago nito nilapitan ang nagpagulat sa kanya. Isang batang lalaki na kumakain ng chocolate. "Anong ginagawa mo rito?"

"Wow, may bata! Kapatid n'yo ba siya?" tanong ni Monique.

"Ah, hindi po. Anak lang po siya ng kapitbahay."

Nilapitan ni Rina ang bata. "Hello! Ang cute mo naman."

Hindi ito nagsalita. Tumingin lang sa kanila.

"Clive, ano palang ginagawa mo rito? Nasaan si ate Mia?" tanong ni Nino.

"Mia? Iyon po ba iyong babae na maiksi ang binti? Iyong hindi seksi at maliit ang dibdib?"

"Ang sama mo namang bata ka! Sobra mong laitin si Mia," naiinis na sabi ni Chen Yin.

Bigla namang napatawa si Yano. "Okey 'yang batang 'yan, ah! Marunong magsabi ng totoo!"

"Yano naman!" Sinaway siya ni Rina.

"Sige na Clive, sagutin mo na ang tanong ko. Nasaan na si ate Mia?" tanong ulit ni Nino.

"Si Mia? Iyong babaeng---"

"Oo na! Iyong babaeng maiksi ang binti , hindi seksi at maliit ang dibdib!" Nainis na si Nino kaya sinabi niya iyon.

"Anong sabi mo?" Bigla nang dumating si Mia.

Napatingin sa kanya ang lahat. Nakita nila ito na pumasok sa pinto bitbit ang isang paper bag na puro pagkain.

"A-Ate, nandiyan ka na pala. Wala naman akong sinabi," deny ni Nino.

"Anong wala? Narinig kaya kita. At saka bakit ang daming bisita?" Nagtaka si Mia dahil sina Cashmre at Chen Yin lang talaga ang inasahan niyang darating.

"Bakit, bawal ba kami rito?" tanong ni Yano gamit ang mataas na tono.

Actually ikaw lang ang ayoko rito, naisip ni Mia pero siyempre hindi na niya iyon sinabi.

"Nanalo kami sa competition kaya naisip naming mag-celebrate dito," sabi ni Nino.

"May binili kami." Ipinakita ni Ivan ang mga pagkain na binili nila sa daan.

"Siguro mag-videoke na lang tayo!" suhensyon ni Nino.

"Hoy! Akin na 'yung ipinabibili ko!" sabi ni Clive.

Tungkol sa batang ito. Pinuntahan talaga nito si Mia para pabilhin ng cookies sa convenience store. Gusto raw kasi niya noon pero wala ang nanay niya para bilhan siya.

"Eto na po." Iniabot ni Mia ang box ng cookies.

"Salamat!" Umalis na si Clive pagkatanggap noon.

Pagkaalis na pagka-alis ng bata ay inayos na agad ni Nino ang videoke.

Kizuna: The Bond Between usWhere stories live. Discover now