Nagulat ako sa aking sarili. Para bang pati ang tawagin ng pasigaw ang kanyang pangalan ay nakaka-miss.

Natahimik siya. The smile was finally gone. Iyon ang nais ko. Ayaw kong nakikita ang ngiti niya lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Sa mga nangyari ay hindi sapat ang ngiting iyon upang maging maayos ang lahat. He's acting like nothing happened to us. It's like five long years didn't passed at all. He's looking at me as if I wasn't gone for a long time. Ang mga kilos niya ay kahawig noong mga panahong magkasama pa kami. Para bang walang nagbago.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" bulalas ko.

Umigting ang kanyang panga. Ipinatong niya ang palad sa kamay kong may hawak sa kanyang braso. Marahang inalis niya iyon. Ibinaba niya ang mga kamay naming hindi nagbibitaw.

"I just want to be with you right now, Zandra. Kung may gusto kang pag-usapan, we'll talk about it later. But at this moment, if you're asking what's happening to me, then I'll asnwer you honestly. I missed you. I am missing you even when you're already right beside me. Kaya gusto ko..." Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko.

Wala akong ibang ginagawa kundi tumayo at makinig sa kanya ngunit hingal na hingal ako. There are so many emotions in my heart.

"Gusto ko lang ay makasama ka ngayon," mararahang bulong niya. Tumingin siya sa paligid. "The place seems familiar, isn't it? Naalala mo noon? Nung nasa park tayo? I want us to go back there, Zandra."

Umikot din ang aking paningin sa kapaligiran. The place reminded me of other things. Pero nang sabihin 'yon ni Andrew ay nawala ang lahat ng naaalala kong ibang bagay. I was taken back to a beautiful memory.

"Hindi kita maintindihan," usal ko. Ang tinutukoy ay ang kanyang ipinapakitang kabutihan sa akin matapos ng lahat. No one can blame me. I expected him to be angry once he see me again.

"Huwag mo muna akong intindihin. 'Cause I can't understand myself either. I'm sorry but I couldn't explain to you why I'm like this. Ang kaya ko lang ibigay na sagot sa'yo ay dahil sobrang nangulila ako sa'yo, Zandra. So I want us to be together and forget about everything first."

Pinaikot ikot niya ang mga daliri sa palad ko. Ang init na dulot niyon ay nagpapagaan ng pakiramdam ko. It has always been like that. Kahit hanggang ngayon. Kahit ilang taon na ang lumipas. Panatag pa rin ang aking pakiramdam kapag kasama ko si Andrew.

Simula pa lang ay ganito na. Mula noong unang beses niya akong hinawakan sa club ng aking kapatid. Nagulat ako sa init na dala ng kanyang kamay noon. Isang klase ng init na walang gagawing masama sa akin. He was a stranger. But I know for a fact that he is a good man even by then. Sa mga mata pa lamang niya ay kitang kita ko na ang kabutihan, ang pag-aalala ng isang kaibigan.

I owe him this. This is the only thing he wants after the years that we have not been together. After everything that he has ever done for me. Matapos niya akong tulungan noon, protektahan, gabayan, intindihin, ang isinukli ko ay ang pag-iwan sa kanya. Ang makasama ako sa araw na ito ay magsisilbing kabayaran ko sa mga nagawa ko sa kanya. I badly wanted to explain my side. Pero hindi niya iyon hiningi. Hindi siya nagtanong. All he wants is to just be with me right now.

Iyon ang ibinigay ko.

Tumango ako at doon ko lang narinig ang buntong hininga niya. Tila may mabigat na hangin sa kanyang dibdib na sa wakas ay nailabas na niya.

Inayos niya ang puwesto ng aming mga kamay. Pinaghugpo niya ang mga iyon ng mabuti.

"Can I hold your hand while we are walking?" banayad niyang tanong.

It made me want to cry again. "Oo naman," ngiti ko. I sounded like five years ago.

Ngumiti siya pabalik.

TaintedWhere stories live. Discover now