Kinuha niya yung bag niya saka tumayo.

Naglakad.

Paalis.

Napakamot na lang ako sa ulo ko na hindi ko maintindihan.

Di ko alam. Pero kanina parang gusto ko namang magsalita. Sa katunayan humahaba nga yung mga statement ko kanina, hindi na 'Okay lang', 'Sige', 'Oo nga', 'Hindi' at kung ano-ano pang composed of 3-5 words lang.

Di ko na lang pinansin. Di naman na siguro kami magkikita pa dito. Iba naman course nun.

Dumaan ang mga araw. Napapalingon na lang ako lagi sa paligid. Di ko alam kung bakit.

Di ko naman siya hinahanap.

Nagdala din ako ng Oreo. Para kung sakaling magkita kami may maiiaalok naman ako para di nakakahiya.

Pero isang linggo ko siyang di nakita sa school.

Kahit dun sa pinagpwestuhan ko nung nakaraan kung saan niya ako nakita, di siya napadaan man lang.

Bumalik na ako sa room at tamad na tamad ako sa mga tinuturo ng Prof na 'to.

Pneumatophores, Biological Diversity, Portuguese Man of War etc.

Di ako nagaral ng Business Course para mag major sa Ecology. Wala akong pakialam sa paglago ng kung ano anong halaman, bulaklak at puno sa paligid ang may pakialam ako ay yung lumalagong di ko maintindihan dito sa loob ng dibdib ko.

"Marquez"

Tinawag ako ni Sir.

Di ko alam kung paano ako magrereact since di naman ako nakinig baka tanungin ako kung ano yung Pneumatophores.

"May naghahanap sa'yo"

Ha?

Napatingin ako sa pinto.

Wala namang tao.

"Joke lang. Napansin ko kasing kanina ka pa lingon ng lingon na parang may inaantay"

Ako lumilingon? May inaantay. Parang imposible naman.

Di ako yun.

"Sino bang inaantay mo?"

Nagtatawanan yung klase.

Ano bang meron? Bakit niyo ko hinahot seat?

Medyo naiinis na ako kaya nagturo na ulit si Sir.

Pagkatapos ng klase. Bumalik ako dun sa pinagpwestuhan ko dati kung san niya ko nilapitan.

6:24 na nun.

Madilim na. Pero hindi ko pa rin siya nakitang dumaan man lang.

Kahit Hi-Hello lang para mabawasan lang tong di ko maintindihang nararamdaman ko.

7:51pm.

Bakit ba kasi ako nagaantay dito.

Nakakabanas.

Sandali nga 10 mins lang Lord.

Nagantay ulit ako.

8:14pm.

Magsasarado na yung school.

Tumayo na ako at umalis.

Paglakad ko. Sa may pangalawang bench sa dulo may nakaupo.

Crisyle?

Medyo binilisan ko yung lakad ko kasi paalis na siya

"Crisyle?"

Lumingon siya.

"Uy Zoren. Ngayon lang kita nakita ulit ahh"

Nahihiya ako.

"Oo nga eh. Ikaw din ngayon lang kita nakita di ka nagpapakita" Tumawa ako.

"Ako? Eh nandito lang naman ako lagi."

Tinuro niya yung bench.

"Akala ko makikita kita ulit dito. Dito kasi tayo nagkita before"

Ha?

Ano yung pinagtatambayan ko ng isang linggo? Mali ba ako ng tagpuang pinupuntahan?

"Ngayon lang din ako napatagal ng ganitong oras. Usually 8 umuuwi na ako eh. Ikaw ba't andito ka pa?"

"Ahmm. Ano kasi may inaantay ako"

"Ahh." medyo lumihis siya ng tingin. "Girlfriend mo?"

"Ahh hindi hindi"

Nakaupo na kami pareho dun sa bench. Pero sa magkabilang dulo.

Ang laki ng bag na dala niya. Baka hindi na lang cream-o, sky flakes at krim stix ang laman.

Baka may zesto, watta tops, mamon, fita, clover pa diyan.

Ang tahimik kahit may mga estudyante pa namang dumadaan.

"Nagalit ka ba sa akin? I mean naooffend ba kita?"

Basag ko sa katahimikan.

"Ha? Hindi naman bakit?"

"Wala lang ang sungit sungit ko kasi sa iba pati sayo nasungitan yata kita"

"Okay lang"

Hindi ko maintindihan pero nagugustuhan ko na yata siya.

Ilang araw na akong di nakakatulog ng maaga kakaisip kung totoo ba tong nararamdaman ko. Baka iniisip ko lang 'to. Baka naguguluhan lang ako. Baka dahil inalok niya ako ng cream-o. Di ko alam.

Umambon na.

Nagbukas siya ng payong. Ako din. Nasa magkabilang dulo pa din kami ng bench na inuupuan namin.

"Ba't andito ka pa? Di ka pa ba uuwi? Umaambon na ahh. H-hatid na kita"

Tumingin siya sa akin.

"Di pa ko pwedeng umuwi eh"

Napaisip ako.

"Bakit?"

"May inaantay pa ako eh"

Medyo kinabahan ako.

"Sino?"

Tumingin siya sa akin. Bigla niyang kinuha yung bag niya.

Saka tumayo.

"Andito na pala. Sige una na ako"

Di ko alam kung sino yung dumating. Natatakpan kasi ng payong yung mukha.

Pero isa lang ang sigurado ako. Lalaki yung dumating.

Kinuha yung payong niya at nagshare sila.

Naaninag ko yung mukha nung lalaki.

Kaibigan ko pa.

-----

One Shot of VodkaWhere stories live. Discover now