My eyes stayed onto the upper part of his body, including his face. Ayokong magbaba ng tingin upang alamin kung ano ang binagay niyang pang-ibabang damit. At isa pa, pakiramdam ko ay babagsak ang ulo ko sa sahig oras na yumuko ako.

Nakuntento ako nang pagmasdan ko ang bawal anggulo ng kanyang mukha. Ang perpektong pagkakakorte sa bawat linya nito ang hinding hindi ko malilimutan. But it wasn't just the lines in his face that made it perfect. It was how the lines of his features combined all together and resulted to be the most handsome man I've ever seen.

Ngumiti siya sa akin. At first I thought it was fake. Sinong tao ang makakangiti sa harap ng taong iniwan siya ng walang paalam ilang taon na ang nakalilipas? But as seconds pass, I realized that it was a genuine smile. Hindi ang tipo ni Andrew ang magpapanggap sa harap ko. He's always true to himself and especially to me. Ang ipinapakita niya ngayon ay ang tunay niyang damdamin. He is smiling. Does it mean that he's happy to see me?

Nataranta ako nang yumuko siya at may pinulot sa sahig. Ang mga kubyertos kong nalaglag ay ibinigay niya sa dumaang waiter. Kitang kita ko kung paano siya nito nirespeto at nahalata ko rin ang kilanlan sa mukha nito. Proving a point to me.

And then he returned his eyes on me.

"Hi..." he said so slowly it seems like he's teasing me with his simple acknowledgment that I am here too.

Samu't saring emosyon ang sumabog sa aking kaibuturan. Gustong gusto kong sapuhin ang sa tingin ko'y kakawala kong puso. I breathe in and out so slowly, I think he noticed it, and forced every fiber of me to calm down.

Isang ngisi ang ipinamalas niya. I couldn't react at all. Sa tingin ko ay naging isang maputlang mannequin ako sa kanyang harap.

Humugot ako ng malalim na hininga. Ibinuka ko ang aking bibig. Kuya's staring at me the whole time. He's not speaking. I don't think he's breathing at all.

Nang maipon ang lahat ng lakas sa katawan ay nagtaas ako ng noo.

"E-excuse me," utas ko at hindi napigilan ang pagtaas ng isang kilay. I lift my chin up and fix my shoulder bag. Pinadaanan ko ng palad ang suot kong night blue dress bago yumukod at dumaan sa gitna ng dalawang lalaki.

When I knew we had enough distance between us, I released all the frustrations and anxiety I had since I laid my eyes on him. Bumuntong hininga ako at itinulak ang mabigat na glass door ng kanyang restaurant.

Nagmamadali kong hinanap ang aking susi. Sumunod lang ako kay kuya rito nang yayain niya akong mag-dinner dahil dala ko ang aking kotse. Ayaw ko namang iwanan ito sa labas ng aking boutique. Dad bought me this car last week. Ako ang pumili at kumportable ako sa sasakyang ito. I just can't wait to get inside.

Nawala ang mapagpanggap kong sarili nang dumulas sa aking kamay ang susi. Natataranta pa rin ako. I cursed and picked it up. Madali ko iyong napindot para sa alarm ng sasakyan at nang bubuksan ko na sana ang kotse ay saka pa naging huli ang lahat.

"Zandra!"

I swear to all gods and saints that I will never ever connive with fate anymore! It's killing me!

Tumayo ako ng tuwid. I know that this one is a wrong move. Ang dapat ay yumuyuko ako at magalang siyang hinaharap. Dapat pa nga yatang lumuhod ako sa harap niya. Hindi ko dapat sila iniwan sa loob. I should have said 'hello' when he greeted me. I should have smiled back. I should have stayed there and see what's gonna happen next after our sudden reunion. Hindi iyong kunyaring nagtatapang tapangan ako. But this is my defense mechanism working. Hindi ko kayang humarap sa kanya at ito ang paraan para makayanan ko. Ang magpanggap.

Nilingon ko ang tumawag. I missed his voice so much. It still has the same baritone, accent, and sweetness. Hindi iyon nawala kailanman sa boses ni Andrew.

TaintedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon