Mas lalo akong napahagalpak ng tawa, natigil lamang iyon nang tapikin ako ni Lizette sa balikat, "Punta muna ako sa CR, friend." Sabi ni Liz, hindi ko namalayan na nandito pa pala siya.

"Sige, kita na lang ulit tayo sa room." Sabi ko pa sa kanya.

Pag-alis ni Lizette ay naging malaya na ang pagkilos ni Aivan, Kaya heto at inakbayan na naman niya ako habang kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

Napatawa tuloy ulit ako, Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano? Lagi naman kasi siyang ganyan, kapag naaasar siya sa akin ay mas lalo pa siyang dumidikit sa akin tapos ipapakita niyang tila naaasar na siya.

Pikunin din kasi si Aivan, mahilig siyang mang-asar pero kapag siya ang inasar ay mapipikon naman kaagad siya.

"Hoy.. Nakasimangot ka na naman." Sabi ko sa kanya.

"Sabi mo supot ako?" Kunot-noo pa rin na sabi ni Aivan sa akin na mas ikinatawa ko pa, "Hindi naman ako supot ah? Nakita mo pa nga 'to habang tinutuli ako 'di ba? Kinilig ka pa nga non eh di ba? Di ba?"

"Anong kinilig?!"

"Sus."

Natatandaan ko naman ang mga panahong iyon. Noong araw kasi na iyon na pinatuli si Aivan ay saktong nasa Hospital din ako dahil sinama ako ni Tita Cassandra at Daddy Blake, kasama nga rin naman ang bunsong si Allen noong ipinatuli si Aivan.

Nasa labas ako ng kwarto no'n kung saan tinutuli si Aivan, ayoko kasing makita si Aivan na nakahubad, at saka kalaro ko kasi si Allen noon.

Pag-uwi namin sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit pero tinawag kaagad ako ni Daddy dahil kakain na raw kami ng hapunan, sabi ni Daddy sa akin ay tawagin ko na rin daw si Aivan para sabay-sabay na raw kaming kumain.

Dahil bukas ang kwarto ni Aivan ay dire-diretso na akong pumasok sa kwarto niya at napamulagat ako nang makita kong nakahubad pala siya at nagpapalit din ng damit. Nakita ako ni Aivan noon, at hindi ko naman inaasahan na makikita ko rin ang tinuli sa kanya.

Kaya hayon, inaway pa niya ako dahil kinabukasan daw ay nangamatis daw ang tinuli sa kanya. Ako ang sinisi niya kung bakit nangamatis daw iyon, sabi kasi ng iba kapag bagong tuli daw dapat walang makakakita na babae para daw hindi hindi mangamatis ang parte na iyon.

"Wala akong natatandaan na kinilig ako." Sabi ko pa sa kanya.

Ngumisi si Aivan, "Pero natuwa ka?" Sabi niya pa at pagkatapos ay saka naman niya ako kinindatan, "Aminin mo na kasi na natuwa ka noong makita mo ako na nakahubad. Imagine?! Aivan Gonzales na 'yon! Aivan! Gwapings! Macho! Mabango! Tapos nakahubad?! Ang heaven naman sa feelings non."

Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Ang Kapal!"

Tumunog ang bell kaya naman tumayo na kami at nauna niya akong ihatid sa classroom ko.

Nasa tapat na kami ng classroom ko nang habilinan na naman niya ako, lagi naman siyang ganyan. Feeling tatay ko lang talaga.

"Sabi sa akin ni Pareng Zach, nakita ka daw niyang kinakausap ka nung hambog na Enrique daw sa architecture department?"

Napakunot naman ang noo ko.

"Nanliligaw ba sa'yo 'yung gagong 'yon ha?" Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

"Ano ka ba!" Suway ko sa kanya at bahagya pa akong lumayo, "Iwasan mo na kasi ang pakikinig diyan sa kaibigan mong si Zach! Mali-mali ang sinasabi niya, Kasama ko si Enrique sa org namin. H'wag ka ngang OA diyan."

"Siguraduhin mo lang." Sabi pa niya habang tumatango-tango.

"Oo nga, ang kulit.."

Muli na naman siyang tumango, "Isang tanong, isang sagot." Sabi pa niya.

"Ano na naman 'yon?"

"Sino mas pogi? Ako o 'yung Enrique?"

Napa-irap naman ako sa tanong niya, "Ewan ko sa'yo."

"Seryoso ako, Avy." Sabi niya at nahihimigan ko naman ang kaseryosohan sa boses niya.

Napahinga naman ako ng malalim bago muling magsalita, "Oo na, ikaw na ang gwapo."

Napangiti naman siya at saka inilapit na naman ang mukha niya sa akin kaya napapalayo na naman ako, "Sabi ko na nga ba, poging-pogi ka sa akin. Wooo shet! Hirap talaga pag gwapings! Nak ng!"

"Ang hangin naman."

"Atleast pogi."

Napangiti naman ako, at kasabay n'on ay ang pagkurot ko sa pisngi niya, "Sige na, pumasok ka na sa klase mo."

Tumango naman siya, "Basta hintayin mo ako dito mamaya ah? Makikitulog ulit ako sa unit mo mamaya." Sabi pa niya.

"Huwag kang magka-cutting." Paalala ko sa kanya.

"Owkaaaaay po."

Muli akong napanguti, kahit kailan talaga itong si Aivan, walang ginawa kung hindi ang magpa-cute. Cute naman talaga siya, as in cute na pogi pa, hindi ko lang alam kung bakit gwapong-gwapo ako sa kanya. Hindi ko na lang sinasabi dahil baka mas lalong lumaki ang ulo niya.

Pagpasok ko sa classroom ko ay wala pa rin ang Professor namin.

Hindi pa man ako nakaka-upo sa pwesto ko nang magsalita na si Liz, "Bes, kilala ko na 'yung transferee. Ang ganda bes! Winner na winner! Cheska ang pangalan."

Napatigil ako at napatitig sa kanya, "Ano?"

"Kilala mo ba? Cheska ang pangalan niya."

I shook my head, Cheska? Hindi naman siguro iyon si Cheska na ex-girlfriend at first love ni Aivan.

Tumunog ang cellphone ko.

1 message from Aivan: Nasa klase na po ako. Hindi ako nag-cutting. :)

Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Aivan.

Hayyy... Paano ko nga ba mapipigilan ang sarili ko?

Inlove na nga yata ako.

Prince Of The Womanizers (Completed) Where stories live. Discover now