Napangiti si Mia. Sa loob loob niya hindi niya alam kung makakaalis pa nga ba siya? Saan siya pupunta? Iniwan na siya ni Brian. Pero ayos lang iyon. Tutuparin niya pa rin ang napagkasunduan na pagka-graduate niya ng high school ay aalis na siya sa clan. **

"Ate Mia." Biglang dumating si Nino. Napakunot ng noo si Mia. "Nino, ang aga pa ah. Bakit naka-uniform ka na agad?"

"May meeting kasi kami sa student council," sagot ni Nino bago ito lumapit sa kapatid. "Oh." Inabutan niya ito ng tatlong pirasong apple candy.

"Thank You!" masayang sagot ni Mia pagkakuha sa mga candy.

"Sige, pasok na ko! Bye ate! bye tay!" Tumakbo na paalis si Nino.

"Mukhang siniseryoso talaga ni Nino ang student council," komento ng tatay nila.

Sang-ayon naman doon si Mia. Alam niya kung gaano kamahal ng kapatid ang student council kaya hindi siya papayag na makuha ito ni Yano.

"Mia!" Ang nanay naman niya ang dumating. May bitbit ito na basket na may ribbon.

"Mahal, ano iyang dala mo?" tanong ng tatay ni Mia.

"Mga prutas ito at homemade cookies .Gusto ko sanang bigyan ang president ng student council. Ipadadala ko sana ito kay Nino."

"Pero nakaaalis na po si Nino," sabi ni Mia.

"Oo nga kaya kung puwede ikaw na lang ang magdala nito, Mia."

"Sige po."

Pagpasok ni Mia, sa office ng student council na siya dumiretso.

"Hi RJ!" bati niya.

"Oh, Mia... anong ginagawa mo rito?"tanong ni RJ habang may ginagawa sa laptop.

"Wala ba kayong meeting?" tanong ni Mia dahil si RJ lang ang nakita niya sa office.

Sandaling inihinto ni RJ ang ginagawa. "Wala kaming meeting ngayon."

"Talaga?" Nagtaka si Mia. Ang sabi kasi ni Nino ay may meeting sila.

"May kailangan ka ba?" Tumingin na sa kanya si RJ.

"May ipinabibigay sayo si nanay." Ipinatong ni Mia sa lamesa ni RJ ang basket.

Agad iyong sinilip ni RJ. "Wow... mukhang masarap ang mga to, ah. Hindi na dapat nag-abala si tita."

"Tanda iyan ng pasasalamat ni nanay sayo. Ang bait mo kasi kay Nino," sabi ni Mia.

Ngumiti si RJ.

Napangiti rin si Mia. Nakita niya kasi na nawala ang mga mata ni RJ. Ganoon kasi ito kapag ngumingiti . Naniningkit ang mg mga mata.

"Saluhan mo ko," aya nito.

Hindi na naman tumanggi si Mia. Umupo siya sa silya na nasa tapat ni RJ at sinimulan ang pagkain ng cookies.

"Nabalitaan ko nga pala iyong nagyari kahapon..." Napatigil si Mia sa pagkain nang buksan ni RJ ang topic na iyon. "Mia---"

"Okey lang! Okey na ko."

"Hindi. Gagawa ako ng paraan para maparusahan si Yano."

Hindi na umimik si Mia. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain.

Halos tatlong minuto rin nabalot ng katahimikan ang silid bago muling nagsalita si RJ. "Hindi pa rin ba nagbabago ang pasya mo? Aalis ka pa rin ba sa clan?"

Tumingin si Mia sa lalaki. "Sa tingin mo ba talaga magugustuhan ko ang clan na ito?"

"Ang clan, hindi ako sigurado, pero ang mga taong narito. Posible naman, hindi ba? Aalis ka pa ba sa lugar kung saan naroon ang mga taong mahal mo?"

Kizuna: The Bond Between usWhere stories live. Discover now