I don't really know the reason kung bakit pa ako bumabalik dito sa library. Is it because I really want to study or is it because of something else?

"Better." tinignan ko ng matalim si Kei sa kanyang mata matapos kong mailagay ang pangatlong libro sa bisig ko. Bumalik na ako sa table namin. Napalingon sa akin si Max nang maupo ako sa tabi nya.

"Wow! You're taking it seriously, Chlo. This is only a quiz bee. Hindi ito entrance exam for Harvard." hindi ko na pinansin ang tinuran nya. Pinagmasdan ko nalang kung paano kunin ni Kei ang bag nya sa harap ko at walang sabi na lumipat ng upuan sa ibang table. "Saan ang punta nun? Huwag mong sabihing pinagtabuyan mo na naman si Kei?!"

Napalakas ang boses ni Max kaya ang ibang estudyante sa loob ay napatingin sa amin. Pati na rin ang librarian ay pinukulan kami ng matalim na tingin. "Low down your voice, Maxine." saway ko sa kanya. Itinago nya ang mukha sa librong hawak. "Why would you worry about Kei? Worry about your studies. Mag-aral ka nga."

"Ayoko nga! Pwede naman akong mangopya sa katabi ko." tumahimik na kaming dalawa. Pinagpatuloy ko ang pagre-review ngunit wala ni isa ang pumapasok sa utak ko. Hindi ko mapigilan ang mapasulyap kay Kei. Minsan ay nagtatama ang mga tingin namin pero nagpa-patay malisya lang ako at biglang yumuyuko.

"I think it's better if Kei would join the soccer team." out of the blue'ng suhestyon nitong katabi ko. Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. Nakatuon ito sa pwesto ni Kei kaya dumako ang tingin ko roon. Nakita ko ang tatlong miyembro ng soccer team ng school namin na kinakausap si Kei.

"Let him be. Kung talagang passion nya ang pagso-soccer ay sasali sya sa team."

Nakikita ko minsan si Kei sa field na naglalaro ng soccer. I watched him play before. Magaling sya. Ang alam ko ay inoffer'an sya na maging captain ng team pero tinanggihan nya ito.

"Uy, tumingin sila rito. Ngumiti ka, Chlo!" hinigit ni Maxine ang uniform ko. Ngumiti ang dalawang lalake sa gawi namin at narinig ako ang mahinang magikhik ng kaibigan ko. Impit na kaway ang ginawad ni Maxine pabalik sa kanila samantalang si Kei ay seryoso lang ang tingin sa amin.

"Babalik na akong Athena." tumayo na ako at nagmadaling magligpit ng gamit. Iniwan ko na ang mga libro sa table. Mabilis akong sinundan ni Max. Lakad takbo ang ginawa namin. Sa malayo ay napansin ko rin ang mabilis na galaw ni Kei pasunod sa amin.

"Ha?! Bakit?! Nareview mo na ba yung tatlong librong kinuha mo in a matter of 10 minutes? Ibang klase ka, Chlo!" inis na hinigit ko si Maxine palabas sa library. Nagpadala lang ito sa akin ngunit pinaulanan naman ako nito ng mga maintriga nyang tanong. Para akong ina-armalite ng bunganga ni Max sa sobrang daldal nito.

"Huwag ka ngang maingay d'yan! And can you walk a little bit faster, Max?!"

"Bakit nga kasi? Why are you such in a hurry?" bago ko pa man masagot ang tanong ni Max ay mabilis na akong nahawakan ni Kei sa aking braso. Agad akong nakaramdam ng kakaibang kuryente sa aking katawan. Mabilis kong pinalis ang kamay nya na para akong napaso mula roon.

"What?!" halos pasigaw ko na saad. Mabilis ang tibok ng puso mula sa pagmamadali.

"Bakit ka biglang umalis?" maang na tanong sa akin ni Kei. I blinked twice.

Bakit nga ba? Hindi ko rin alam ang sagot.

"A-ano bang pake mo? I want to study in my room. We're going back to Athena."pahina ng pahina kong sagot. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay ni Maxine. Mabilis kong nilubayan ang mga tingin ni Kei. Hindi lang kamay nya ang nakakapaso. Pati ang mga mata'ng iyon. Ang mata'ng laging nakamasid sa akin ng palihim ay hindi ko na ngayon matignan ng maayos.

"Ihahatid ko na kayong dalawa ni Maxine." humakbang palapit sa akin si Kei kaya napaatras ako ng dalawang hakbang palayo sa kanya. I can't stay near him. For some reason, I just can't.

"Kaya na naming umuwi ni Maxine mag-isa." muli ko nang hinigit ang kamay ni Max. Lumingon pa ito sa likod namin habang hila ko sya.

"Poor Kei can't tame Chloris' heart. How sad." mahinang turan ni Maxine habang papabalik kami sa Athena. Dumiretso kaming dalawa sa kwarto ko at doon ko padapang ibinagsak ang sarili sa malaki kong kama. Ibinaon ko ang sariling mukha sa puting unan at doon sumigaw. "Epekto ba 'yan ng Math, Chlo?" asar sa akin ni Max at umupo sa tabi ko.

"Bakit hindi ko kaya?!" parahas ko syang tinignan. Nangunot ang noo nito na parang isa akong baliw sa harap nya na hindi nya maunawaan.

"Kaya ang alin? Math ba? Mas lalong hindi ko kaya! Sa akin ka pa talaga nagtanong!" nagtaas ang isang kilay sa akin ni Max. Naging maalam ang mga mata ko at muling dumuko sa unan ko bago muling nagsalita.

"That's not it." halos paos kong wika. "Why can't I look at him straight in the eyes? Bakit hindi ko kayang tignan sya katulad ng mga tinging ibinibigay nya sa akin?" gulong gulo na ang utak ko.

Pangalawang araw ko na ngayong balisa. His last words caught me off guard. Kada susubukan kong mag-aral ay bigla nalang sumusulpot ang huling mga salitang sinabi nya sa akin noong isang araw at pagkatapos ay mananatili na naman akong tulala sa susunod na mga oras.

"Uhhh, ano nga ba? I don't know." pabalang nyang sabi. Tumingin ako kay Max at bumuntong hininga ng malalim.

"Eh kasi, ito lang naman 'yan eh. Hindi mo kayang tignan ng diretso ang mata ng isang tao if you're hidding something, secretly admiring him or madly inlove with him BUT... You're just too scared to admit it. Well, that explains in terms of love. In other words, if we're talking about Kei then there's high possibility na hindi ka makatingin sa kanya kasi..." pabitin nyang putol.

"Kasi?" I asked then bit my lower lip.

Nagtaas ang dalawa nitong kilay. "You didn't deny it! So are we really talking about Kei?" abot langit nitong ngiti habang tinatabihan ako ng higa sa aking kama.

"No! Ugh! Nevermind! Wala lang ito. Dala lang siguro ito ng pagod." ipinilig ko ang ulo ko sa kabilang side. Ayokong makita ang pang-inis na ngiti sa akin ni Max. "Paki-lock nalang yung pinto kapag babalik ka na sa kwarto mo." mahina kong bigkas bago ko ipinikit ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang paglikot ni Maxine sa tabi ko. "Lalabas na ko. Magpapalit na akong damit. Be back later! Sabay tayong mag-hapunan ha?" humagikgik ito at hinampas ng malakas ang pang-upo ko bago mabilis na tumakbo papunta sa pinto.

"You silly! Mamaya ka lang!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Yah yah! Ganti ka nalang later, Misis Chloris Hendricks!" nag-init ang mukha ko sa sinabi nya na lalong nagpalakas ng tawa sa kanya. Hindi ito ang unang beses na idinugtong ni Maxine sa pangalan ko ang apelyido ni Kei but this is the very first time that it sounded good to my ears.

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now