"Hinahanap namin si Mark Brian Aguilar. Kilala niya ako," sabi ni Nino.

Wala. Walang ganoon dito."

"Alam ko na dito siya nagtatrabaho!" giit ni Nino. Inalam niya kasi talaga iyon.

"Umalis na kayo rito. Bawak rito ang mga Yamato!" sabi naman ng guard.

Napakuyom ng kamao si Chen Yin. Sisipain na sana niya ang guard nang may biglang dumating na lalaki.

"Nino?"

Ang dumating ay ang hinahanap nila, si Mark Brian. Kabababa lamang nito sa kotse.

"Brian..." sambit ni Nino. Lalapitan niya na ang lalaki nang biglang may babae na bumaba mula sa kotseng binabaan nito.

"Sino sila, honey?" tanong ng babae.

Biglang natigilan si Nino sabay tingin nang masama kay Brian. "Siya ba ang ipinalit mo sa ate ko?"

Tumingin si Brian sa babaeng kasama bago nito muling hinarap si Nino. "Oo, siya nga!"

"Bakit? Paano mo ito nagawa sa ate ko!" galit na tanong ni Nino.

"Pasensiya na," mahinang tugon ni Brian.

"Pasensiya? " ulit ni Nino.

"Oo, dahil ang totoo namatay na ang pag-ibig ko para sa ate mo!" amin ni Brian.

"Namatay?"

Biglang nagpaulit-ulit sa isip ni Nino ang salitang iyon.

Namatay.

Namatay.

Namatay.

Biglang natulala si Nino. Ilang saglit pa ay naging malilisik ang mga mata nito.

Dahan dahan itong lumapit kay Mark Brian.
Tiningnan niya ito ng diretso. "Ikaw ang dapat mamatay!" sabi ni Nino sabay suntok nang malakas sa mukha ni Brian.

Tumilapon si Brian.

"Aaah! " Napasigaw ang kasamang babae ni Brian.

Napatakip naman ng bibig si Chen Yin dahil sa pagkagulat. Hindi naman kasi palaaway si Nino. Para ngang hindi ito makabasag ng pinggan, pero bakit iba ngayon? Kailan pa ito natutong manuntok?

Isa pa ulit suntok ang ibinigay ni Nino sa nakabulagta nang si Brian.

"Hoy, itigil mo iyan!" Umawat na ang mga guard, pero pati sila ay nakatikim kay Nino.

Dito na umawat si Chen Yin. "Ano bang ginagawa mo? Hindi tayo nagpunta rito para manggulo!" Hinihila niya si Nino, pero itinulak siya nito.

"Huwag kang makialam!" sigaw nito.

Natigilan si Chen Yin. "N-Nino?" Takang taka siya sa inaasal ng lalaki. Ang totoo ay parang naging ibang tao na ito. Iyong kilala niyang Nino ay maamo, hindi tulad ngayon.

Hindi ikaw si Nino. Sino ka? Nasaan na ang Nino na kilala ko?

"Tama na 'yan!" sigaw ng bagong girlfriend ni Brian.
Ang sigaw nito lamang ang nagpatigil kay Nino sa pananakit kay Brian at sa mga gwardiya na naawat.
Nilapitan agad ng babae ang nakabulagtang kasitahan sabay tulak palayo kay Nino.

"Hindi mo naiintindihan! Kaya iniwan ni Brian ang ate mo ay dahil sa sobrang pagmamahal niya rito!"

"'H-Huwag! Huwag mong sabihin!" ani Brian. Bagama't nagulpi na ay nagagawa pa rin naman nitong kumilos.

"Hindi Brian, kailangan niyang malaman!" Nagpatuloy ang babae. Sinabi nito kay Nino ang totoong dahilan ni Brian sa pakikipaghiwalay.

"Galit ang mga magulang ni Brian kay Mia dahil bahagi siya ng Yamato! Iyon ang rason kung bakit pinili ni Brian na iwan na siya dahil kung magtatagal pa ang relasyon nila, siguradong masasaktan lang ang ate mo!"

Tumingin si Nino kay Brian. Isa iyong malalim na tingin. "Tama. Tama na iniwan mo na nga siya dahil ang tulad mong duwag ay hindi nababagay sa kanya! Wala kang kwenta!" oagkasabi noon ay umalis na si Nino.

Sinundan naman siya ni Chen Yin.

"Ang bilis mo naman maglakad!" humahangos na sabi ni Chen Yin. "Ano bang nangyari sayo? Bakit parang nag-iba ka?" tanong niya.

Nilingon siya ni Nino. Tiningnan. "Sino ka ba?"

"Ha?" Napanganga si Chen Yin. "Ano bang sinasabi mo? Ako ito! Si Chen Yin Shi!"

"Chen Yin Shi? Ikaw si Chen Yin?"

Bahagyang na-conscious si Chen Yin dahil sa kakaibang tingin na ibinigay sa kanya ni Nino.

"Nino?" curious na talaga siya dahil sa kakaibang inaasal nito.

"Ang ganda mo na!" sabi ni Nino sabay halik sa kanya.

"Ah..." Namilog ang mga mata ni Chen Yin.

Isa. Dalawa. Tatlo...
Tumagal ng tatlong segundo ang kiss na iyon.

"Aaaah! Bastos!" sigaw ni Chen Yin sabay suntok kay Nino.

Tumilapon si Nino.

"A-Anong nangyari?" tanong ni Nino na para bang walang ideya sa mga naganap. "T-Teka... nasaan tayo?"

"Niloloko mo ba ko?" Nag-aapoy sa galit si Chen Yin.

"Sandali, Chen Yin! Bakit ka nagagalit?"
Naguguluhan si Nino. Nag-isip siya, pero wala siyang maalala na kahit ano. "T-Teka... Oh hindi! Nag-switch na naman ba ko? Pasensiya na!" Agad siyang humingi ng tawad, pero hindi niyon napahupa ang galit ni Chen Yin.

"Anong switch switch ang pinagsasabi mo, ha?" Hindi ito naniniwala sa sinasabi niya, pero hindi siya nagsisinungaling.
Mayroon talaga siyang sakit.

Thirteen years old si Nino nang matuklasan ng kanyang pamilya ang sakit niya na kilala sa tawag na Multiple Personality Disorder.

Ayon sa doktor, ang Multiple Personality Disorder o MPD ay isang uri ng emosyonal na sakit. Ang taong may ganitong disorder ay nagkakaron ng dalawa o higit pang katauhan na tinatawag na alters. Ang alter ay may sariling pananaw, o kung minsan ay may sariling pangalan.

Ang proseso ng pagpapalit ng personalidad ng may sakit nito ay tinatawag na Switching.

Segundo lamang kung tumagal ang pagpapalit, pero may pagkakataon na tumatagal din ito ng ilang mga oras o mga araw.

Dalawa lamang ang pagkatao ni Nino.
Iyong una ay ang Nino na mabait. May pagkaiyakin at medyo lampa.
Iyong pangalawang Nino, si Nino Alter ay kabaliktaran niya. Matapang, malakas at mainitin ang ulo na parang may galit sa mundo tulad nang nasaksihan kanina ni Chen Yin

Ang sakit ni Nino na MPD ay hindi basta gumagaling nang walang proper treatment. Ang common treatment nito ay isang long term psychotheraphy na ginagawa dalawang beses sa isang linggo.
Pero dahil nga kapos sa pera ang pamilya Vergara idinadaaan na lang nila sa dasal ang lahat---na sana maging madalang ang pag s-switch ni Nino. Hindi naman sila nabigo dahil nitong nakaraang mga taon ay nasa lima hanganggang sampung beses lang nas-switch si Nino.
Ang problema, madalas matauhan si Nino na may nagawa na siyang hindi kanais-nais.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon