"Kung na sa'n man yung kuya mo, alam kong masaya siya kasi nandito na kami. Kaibigan mo rin naman si King and soon to be brother-in-law. Hinahanap na rin ni King yung isang kaibigan nila."

Yumakap ako kay Gabby. Pinapagaan niya talaga ang loob ko. Hindi ko lubos maisip na maiinlove kami sa isa't isa.

Mula sa pagiging magkaklase. Pagiging magkakompetensiya sa school. Hanggang sa pagiging magkaribal sa babae. But in the end naging mag best friend kami dahil matalik na magkaibigan pala ang mga magulang namin. Lagi kaming nagkikita sa mga party dahil lagi kaming sinasama ng mga parents namin. Hanggang sa naging malapit na nga kami sa isa't isa. Nagsama kami sa isang dorm. Magkapareho kami ng kursong kinuha. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay. But One day we woke up na pareho kaming nagseselos kapag iba yung kasama namin. Na hindi kompleto yung araw kung hindi kami nagkikita, nagkukulitan at nag-aasaran. Siya yung unang umamin nang nararamdaman. Siya ang unang naglakas ng loob na sabihin na hindi na lang basta kaibigan yung nararamdaman niya sa akin.

"Sana ganito na lang tayo palagi."

"I love you and you love me. That's all we'll ever need."

Ang sabi niya sabay halik sa akin. Isang halik na puno nang pagmamahal. Isang halik na nagsasabing mahal na mahal niya ako. Pero ang halik na yun pala ang magiging huling halik niya sa akin.

*****

"Miss na miss na miss na kita. Sobrang miss na kita.

Galit pa rin ako hanggang ngayon kay King. Paano ko mapapatawad ang taong naging dahilan ng kamatayan mo?"

Hinaplos ko ang larawang hawak ko. Kasalukuyan akong nasa tagpuan namin noon.

"Di ba magkikita pa tayo dito? Sa punong 'to?" Limang taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Masakit at mahirap pa rin para sa akin tanggapin ang katotohanang wala na siya. Wala na ang taong mahal ko at mahal na mahal ako.

Nang dahil kay King kaya nangyari ang araw na yun. Nang dahil kay King kaya namatay siya.

"Naghintay ako. Isang oras. Dalawa. Tatlo. Apat. Hanggang sa gumabi.

Kung hindi tumawag sa akin si Niexy na naaksidente kayo, siguro nandito pa rin ako naghihintay sa 'yo. Kasi alam ko na darating ka. Kasi nangako ka."

"Kasalanan mo 'to! Nang dahil sa 'yo kaya naaksidente ang anak ko. Nang dahil sa 'yo kaya siya namatay!"

Ang paulit-ulit na panunumbat sa akin ng mommy ni Gabby. At paulit-ulit din na parang may sumaksak na milyon- milyong karayom sa puso ko.

"Nang dahil sa 'yo kaya siya namatay!"

Kaya siya namatay!

Kaya siya namatay!

Kaya siya namatay!

Pakiramdam ko tinakasan ako ng lakas. Nanghina ang buo kong katawan. Nanginig ang aking mga tuhod at ano mang oras posibleng mawalan ako ng malay.

"Ni hindi man lang kita nakita, mahal ko. Kahit anong pakiusap ko sa pamilya mo. Kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko para lang makita kita kahit sa huling sandali. Ginawa ko ang lahat. Pero para sa kanila ako ang naging dahilan kung bakit ka namatay."

"Hindi sila maaaksidente ni King kung hindi nagbalak si Gabby na puntahan ka! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Bakla ka! Kadiri ka! Mamamatay tao ka!"

"Kahit alam nilang si King ang dahilan kung bakit kayo naaksidente. Kung bakit ka namatay. Kung hindi kayo nagtalo nun. Kung tinanggap na lang sana nila ang katotohanang mahal mo ako. Kung tinanggap na lang sana nila ang totoong ikaw.

Hindi ako ang pumatay sa 'yo. Si King. Ang pamilya mo ang pumatay sa 'yo!"

Naniniwala ako na si King ang dahilan kung bakit sila naaksidente. Sila lang naman dalawa ang nasa sasakyan nun, eh. At bago ako balak puntahan ni Gabby, na sabi na niya sa akin na nagtatalo sila ni King at pati na rin ng mga magulang niya. Walang ibang dapat sisihin sa pagkamatay ng taong mahal ko kundi sila mismo–ang pamilya mismo nito.

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak. Matagal na rin akong hindi umiiyak. Matagal ko na ring itinatago ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit na araw-araw akong pinapatay. The bravest thing I ever did was continuing my life when I wanted to die.

"Alam mo bang nagkasundo ulit ang mga pamilya natin. Pero yung sakit na ginawa nila sa akin. Yung pagkamatay mo. Yung ginawa ni King sa 'yo. Yung sakit na hanggang ngayon ay nararamdaman ko. Yung araw-araw na umiiyak ako. Lahat! Lahat ng ginawa nila ay hinding-hindi ko makakalimutan. Hinding-hindi!"

Tumingala ako sa langit. Makulimlim. Hindi ko maiwasang mapangiti pati yata ang langit nakikidalamhati sa akin.

"I'm sorry mahal. Hindi ko maisasauli kay King ang bracelet dahil magagamit ko yun para mapaniwala si Rhett na ako si bunsoy. Gusto ko ring aminin sa 'yo na nagkakagusto na ako kay Rhett. But I will always love you, mahal. Always... Always 'till the day I die. Maaaring tumibok ulit ang puso ko. Magmahal ulit. Pero lagi mong tandaan na kahit ilang tao pa ang mahalin ko. Kahit paulit-ulit pa ako magmahal. Walang kahit na sino ang makakapalit ng lugar mo dito sa puso ko. Maaaring wala ka na nga sa tabi ko pero nandirito ka sa puso ko. At kahit kailan hinding-hindi ka mawawala dito." Itinuro ko pa ang dibdib ko. Nagbuntong hininga ako at tumingala sa langit.

"I'm sorry din Kuya. Salamat sa pagkukwento sa akin noon. Lahat ng yun magagamit ko para mapalapit sa akin si Rhett.

Mali man 'tong paggamit ko kay Rhett Lester. Mali mang gamitin ang isang napakainosenteng bata. Pero ito lang ang paraan...

Im sorry Rhett..."

--------

Twisted RevengeWhere stories live. Discover now