"Ano ba 'yon?"

Napahinga naman siya ng malalim at napa-iling-iling, "Mag-mall lang naman tayo, akong bahala sa araw nating dalawa. Wala ka namang lakad ngayon di ba?"

"Pupunta ako kila Daddy ngayon." Sabi ko pa.

"Mamaya mo na sila puntahan, maaga pa naman eh." Sabi niya at pagkatapos ay tumayo na mula sa kinauupuan niya, "Ano? Payag ka na? Lilibre naman kita, eh. H'wag kang mag-alala." Sabi pa niya.

Wala na rin akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Wala na rin naman akong gagawin ngayong araw dahil walang pasok, mamayang hapon pa naman ako pupunta sa bahay nila Daddy.

Bandang alas onse nang umaga ay nakarating na rin kami sa Mall at itong si Qivan na ngingiti-ngiti habang naka-akbay sa akin ay todo porma pa. Hindi ko nga alam kung saan ba talaga ang punta niya? Sa itsura nga niya ngayon ay para na akong nanliliit sa sarili ko lalo na kapag pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa mall.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Aivan sa akin habang naglalakad kami sa loob ng department store.

"Naiisip ko lang, wala ka ba talaga girlfriend ngayon?" Tanong ko pa sa kanya. Kanina ko pa din kasi iyon naiisip.

Napakunot naman ang noo niya at saka naman niya hinawakan ang kamay ko, "Wala akong babae ngayon...... Sa ngayon.." Aniya pa niya sabay ngisi.

Hindi ko na iyon pinansin pa, pinilit ko na lang na ilayo ang kamay kong nakakapit sa kamay niya pero ayaw niya naman akong pakawalan. Haaay.. Bahala na nga.

Nang mapadapad kami sa men's section sa loob ng department store ay lumapit kami sa underwear section.

Kinuha ko ang isang boxer at saka ipinakita sa kanya, "Ito maganda, Aivan." Sabi ko sabay pakita sa kanya ng hawak ko pero sumimangot lang siya.

"Ang liit naman niyan!" Aniya at hindi na niya pinansin pa ang hawak ko, "Alam mo namang malaki itong akin tapos pasusuot mo sakin 'yan? Haaaayyyy buhay nga naman!"

Halos lamunin naman ako ng lupa sa hiya dahil sa lakas ng boses ni Aivan Pinagtinginan tuloy kami ng iba pang namimili at ng mga sales lady, Ito kasing si Aivan... Kung anu-ano ang sinasabi.

Kaya ang ending, dalawang boxer brief na bagay na bagay daw sa kanya ang binili niya. Wala eh, sabi niya kasi babagay 'yon sa kanya. Ewan ko ba sa kanya kung anong kalokohan na naman ang naiisip niya.

Kumain din kami sa restaurant, siya ang nanlibre dahil ayaw niya akong gumastos. Ang yabang nga niya, eh. Mapera daw siya kaya dapat ay siya ang gagastos. Hindi na ako pumalag pa sa kayabangan niya dahil wala rin naman akong magagawa sa mga kalokohan niya.

Masaya naman na kasama si Aivan, sobrang natutuwa nga ako na makasama siya. Para naman kasing ang sarap sa pakiramdam na kasama siya, mas lalo nga akong natutuwa dahil ang kwela niya, kahit na ang corny-corny ng mga jokes niya ay napapatawa pa rin niya ako, kanina nga pagkatapos naming kumain sa restaurant ay nakasalubong namin si Miggy na naging classmate ko noong grade 12 ako.

Ewan ko nga kay Aivan kung bakit nagalit siya bigla sa akin nang pansinin ko ang dati kong kaklase, hayon tuloy... Halos dalawang oras ko ding sinuyo si Aivan dahil hindi niya talaga ako pinapansin.

Mabiti nga ngayon, okay na kami.

"Samahan mo muna ako sa grocery.." Sabi ni Aivan pagkatapos naming maglaro sa tom's world.

Haaay.... Sa wakas at natapos na rin kami sa nakakalokong tom's world na iyon. Hindi kasi tinigilan ni Aivan 'yung isang stuff toy machine hangga't hindi niya nakukuha ang isang teddy bear. Napakarming tokens nga ang nabili ni Aivan para lang sa isang teddy bear na hawak ko ngayon. Sabi sa akin ni Aivan, ingatan ko daw itong bear na binigay niya dahil pinaghirapan niya daw ito.

"'Yung mga kailangan lang ang bilhin mo ah? Baka mamaya, marami kang bilhin tapos hindi mo pala magagamit." Sabi ko sa kanya.

Ngumisi naman siya sabay akmay na naman sa akin, "Owkaaaay po..."

Napatawa na lang ako sa inasal niya.

Marami rin kaming binili, puro de-latang pagkain ang pinili ko para sa kanya, tinatamad daw kasi siyang magluto kapag nasa bahay lang siya mag-isa.

"Uy ang cute nito ah!" Napatigil ako sa paglalakad nang huminto si Aivan at kunin ang isang talong, nasa vegetable section kasi kami ngayon, "Bilhin na rin natin to."

Napasimangot naman ako, "Aanhin mo 'yan? Eh hindi ka nga magluluto di ba?" Sabi ko sa kanya. "Mabubulok lang yan sa ref mo." Sabi ko pa sa kanya.

S'ya naman ang napasimangot, pero sa huli ay binitawan na rin naman niya ang talong na hawak niya, "Okay lang 'yan. May sarili rin naman kasi akong talong." Sabi pa niya pero hindi ko na iyon pinansin pa. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ba ang ibig niyang sabihin.

Tapos na kaming mamili sa grocery store, papalabas na sana kami ng mall ni Aivan nang may marinig akong tumawag sa akin.

"Avygail!"

Lumingon ako sa pwesto kung saan may taong tumawag sa akin, inaninag ko kung sino ang babaeng tumawag sa akin na di kalaunan ay nakilala ko din naman, "Cheska!" Tawag ko sa kanya.

Lumapit si Cheska sa akin at mahigpit niya akong niyakap, "It's been a long time, friend! How are you?" Tanong ni Cheska sa akin pagkatapos nang mahigpit na yakap.

Sasagot na sana ako nang mapansin ni Cheska ang lalaking katabi ko. "Aivan! Ikaw pala 'yan? Wow! You look so handsome!" Ani Cheska sabay yakap kay Aivan.

Kibit balikat ako habang pinanunuod ang reaksyon ni Aivan na ngayon ay nakatulala lang. Bahagya akong napangiti, Limang taon na ang nakalilipas, hindi pa rin pala nagbabago ang pagtingin ni Aivan kay Cheska.

Yes, Cheska—his first love.

Prince Of The Womanizers (Completed) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora