"Is it okay if I leave you here?" tanong ni kuya.

Halos pandilatan ko na siya dahil sa narinig ko. He's really asking me that? Eh sa tinagal tagal kong pumupunta rito ay hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong sinamahan niya ako na tatagal sa kalahating oras.

"Seriously, kuya?" tumawa ako. Sumenyas ako sa bartender habang kinakausap si kuya. "Go to them. Na-miss ka nila. Lalo na ang mga kababaihan," nanunuya kong utas.

He chuckled and moved his head sideways. "Are you going to be fine here?"

Sumeryoso na ako ng mukha. "I'm fine. I won't do anything bad, I promise," panigurado ko sa kanya dahil maaaring naaalala niya ang mga panahon noon kung saan parati akong nagwawala sa club niya nang dahil lang sa may nakasanggi sa aking kung sino.

Sumaludo siya nang sa wakas ay makumbinsing ayos lang ako. He would always trust me when I say I'm okay. Sabi nga niya, nagtitiwala siya ngunit hindi pa rin mawawala ang pag-aalala niya.

Hindi pa man lumulipas ang kalahating minuto ay mahigit sampung lalaki na ang lumapit sa akin. Well, I am overreacting. Hindi lahat ay lumapit para kausapin ako o ayaing sumayaw. Pero halatang lumapit ang iba para tingnan kung sino ako sa malapitan. I think those who just came to look at my face have a problem with me. Siguro ay nasaksihan nila ang ugali ko ages ago.

I'm down to my second glass of whiskey when I heard a familiar voice. Napatuwid ako ng upo.

"You're here!" Sumakit ang tainga ko sa lakas ng boses kaya naman mabilis akong napangiwi. "Oh, I apologize. Ang lakas ba ng boses ko?" Owen was chuckling when I turned to him.

Hinimas ko ang aking tainga, natatawa na. "No. It's okay. Nagulat lang!" mas malakas kong sambit na tinawanan din niya.

He sat on the highchair beside me and we talked about random things. He told me how hard his current job is, how tired he is every time he enters his office and sees a lot of paper works on his table. Nakarating kami sa kanyang college life kung saan nahirapan siya sa pag-maintain ng kanyang grades at paglahok sa athletic activities at iba pang programs para lang mapanatili ang scholarship. Sinabi niya kung gaano kahirap ang ipagkasya ang monthly allowance niya na ikinumpara pa niya na kasing laki lang ng baon ko sa araw araw. I have no idea how he knew about my daily allowance, siguro ay nanghula lang siya para lang may maikumpara.

"So, you were just not some rich kid who parties here and there?" nanunukso kong tanong. If he was not rich before, then I'm sure he is now.

"No!" Halos bumilog ng malaki ang bibig niya nang itanggi ang aking bintang.

I laughed at his face. Hinampas ko pa ang counter sa aming harap. Inubos ko ang pangatlong baso ng whiskey at nang bibigyan pa sana ako ng bartender ay humindi na ako. It's my last glass.

Tiningnan ko siya at namumula na ang kanyang mukha. "I was a party kid, yes. Tuwing may party sa bahay ang mga kaibigan ko noong high school ay sumasama ako. I was still going to clubs when I was in college. But only occassionally at the time. Hindi na kaya ng schedule ko kung isisingit ko pa ang mga ganito," paliwanag niya.

And I believe him. Inaasar ko lang naman siya kanina. But it didn't occur to me na hirap pala sa buhay si Owen. I cannot see it in his face. Mukha siyang anak mayaman. Or maybe, it's because I am now looking at a successful man. Hindi ko naman siya nakilala noon o napagmasdang maigi para masabing ang katulad niya ay hindi pera ang ginamit para makapasok sa kolehiyo.

"Isa lang sa aming magkakaibigan ang hindi mahilig sa mga ganitong party," aniya.

Hindi ko pa agad iyon nakuha dahil abala ako sa pagtitig sa kanyang nakatagilid na mukha. Namumula pa rin siya at hindi ko alam kung dahil ba sa lasing na siya o dahil sa kahihiyan sa kumento ko kanina.

TaintedWhere stories live. Discover now