Chapter 28 : Silence

Start from the beginning
                                    



Smooth ang simula ng performance nila. Wala akong masabi sa itsura at talento ng buong banda nila. 'Yung coordination, harmony, lahat, sobrang husay. Natatawa na nga lang kami sa mga taong kay lakas ng mga sigaw at hiyawan kapag may solo part si Alexei eh. Pansin ko rin na hindi mapigilan ni Spade ang mapangiti habang pinapanood ang anak niya. Ganoon din naman kami. Then, may pumasok na tanong sa utak ko. 



"Hey Marc! Nasaan nga pala si Sean? Kanina nandito pa siya ah." halos pasigaw ko nang tanong dahil sa lakas ng mga boses ng mga tao rito sa gymnasium. 



"Ah! Umalis lang sandali. Bibili lang daw ng pagkain at inumin natin kasama sina Dash at Achilles." malakas na tinig din niyang sagot sa akin. 



Dahil nasagot naman na ang tanong sa utak ko ay maagap at mataman ko na lang na ipinako ang konsentrasyon ko sa pagkuha ng video ng performance nina Alexei. Sina Fiacre na ang bahala sa mga litrato. Nakakatuwang isipin na parang ganito lang din noong sumasayaw kami nina Alex sa entablado para mapanalo ang isang kompetisyon.  Noong mga panahong tahimik at walang gulo ... 



Sa nakapatutok kong tingin sa cellphone ko ay may napasin akong mali. Kumurap kurap pa ako dahil sa tingin ko ay namamalik mata lang ako pero hindi. Naroroon pa rin ito sa likod ... sa likod ng mga kurtina sa may bandang likuran ng drummer ... ang mga mata niya parang kumikislap na kulay asul. Kasing asul ng napakalawak na karagatan ... at ang mga matang iyon ay ... nakatingin kay Alexei ... 



Para akong nabato sa nakita ko. Kahit ang pares ng mata lamang niya ang nakita ko ay sapat nang magpayelo sa buong katawan ko. Abang nahulog naman mula sa mga kamay ko ang cellphone ko. Nananatili dilat at gulat ang mga mata ko habang pinagmamasdan na ngayon ang taong iyon sa likod ng mga kurtina. 



"Rennei? What's wrong?" narinig kong tanong ni Marc sa akin at napahawak na lang siya sa kanang kamay ko. Pero tila ba hindi natanggap ng maayos ng utak ko ang nais niyang itanong. Para bang natakpan ang mga tenga ko at ang bibig ko. Tila ba tumigil ang oras at walang anong ingay ang maririnig. Tanging ang mga mata ko lang ang nakadilat na siyang nagsisilbing koneksyon ko sa misteryosong taong iyon. A person who has those beautiful sapphire eyes of moral corruption, depravity, and violence. 



Tama. Ang maling hinahanap ko ay ito. Masyadong tahimik. Naging tahimik nitong mga araw. At mali ang bagay na iyon. Ang katahimikan na ito ang hindi namin napansing mali. "Huge surprises" huh? 











"Rennei, look out!" 



At sunod ko ng naramdaman ang pagdagan at pagcover sa akin ng isang tao. Maaaring masakit ang ibinigay sa akin ng pagkahulog namin sa sahig ngunit mas masakit na nakita kong siya ang nasaktan imbes na ako. 


Marc! 




****

A/N: Omg! Anyare kay Fafa Marc!? At sino ang misteryosong tao na iyon!? Masasagot ang lahat ng iyan sa susunod na chapter! Please stay tune! Sorry po kung natagalan! Ngayon lang po ako nahanap ng time :( Anyway, salamat po sa inyong lahat sa paghihintay at pagbabasa! God bless you all! 










Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now