Chapter 28 : Silence

Magsimula sa umpisa
                                    



Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pagtatangkaan nina Keith at Kane ang buhay ni Sean. Maliban sa matagal na silang magkakakilala ay sigurado naman akong walang masamang motibo ang dalawang iyon para gawin ang bagay na iyon kay Sean. Kahit na ba naging rebelde si Sean sa pamilya nila noon, isa pa rin siyang miyembro ng pamilya at isang mahalagang kakampi. Hindi naman na pinalaki ni Spade ang pag-iimbestiga at binigyan pa rin ng sustento ang pamilya ng dalawa bilang pakikiramay at pasasalamat sa matagal nilang panunungkulan sa ilalim ng Mafia Vantress noong nabubuhay pa si Alex. Maginhawa na ang lahat at wala ring nagtatangka na magbanggit ng pangalan nila upang hindi na ito magdala pa ng kahit anong lungkot lalo na at nananatili pa ring misteryo kung nasaan na ang katawan ng kaibigan namin. 



Noong mga panahong nagpapagaling ako, natatandaan ko na umalis sina Janice kasama ang asawa ko at ang ilan pang mga tauhan para puntahan ang mga huling lugar kung saan natagpuan ang mga miyembro ng Clan of Light. Naikwento na nila sa akin ang tungkol sa grupo na iyon at ang nahanap na antidote para sa Onyx Blood Disease na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Mafia Dela Vega para sa ilan pang pagsusuri. On the other hand, pagkabalik nina Marc, wala silang ibang balita. Na wala raw silang kahit anong natagpuan kundi ang mga guho ng ibang ibang imprastraktura. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin tumitigil ang mga tauhan namin sa paghahanap at pag-iimbestiga. Kaso habang napapatagal ito ay mas tumataas at lumalala na ang kuryosidad ni Valor tungkol sa mga bagay bagay na inaasikaso namin. Tulad ng kung bakit may mga tauhan na puno ng sandata sa katawan, kung bakit namatay ang mga ninong niya, kung bakit parang lagi kaming abala, at kung ano nga ba talaga ang pamilya niya. 



Sa isip isip ko, Valor is really like Alexandria. They have too much similarities. That curiosity. That bravery to ask what is wrong on your surroundings. To not stop even if everyone has already told you to just sit and ignore everything to be safe. That's really an Alexandria-type. Kaso masyadong bata pa si Valor. Hindi pa namin nais na malaman niya ang totoong itsura ng mundo. Gusto muna namin na maranasan niya ang normal at tahimik na buhay na nararapat lamang sa isang batang tulad niya. Na mabuhay muna siya tulad ng ibang batang kaedad niya. 



"Ladies and gentlemen! Welcome to our school's special event! We are glad to see a large number of attendees this year! Today, you can expect huge surprises and awesome performances from our outstanding students! So, please enjoy yourselves and have a good day, everyone!" ani ng host at ito na ang siyang naging hudyat ng pagsisimula ng programa. 



Huge surprises, huh? Let's see about that. 



Mula sa unang pagtatanghal hanggang sa pagtatapos ng pangalawang pagtatanghal ay lumilipad ang isip ko. Pakiramdam ko, marami akong na-miss na mga impormasyon. Pakiramdam ko may mali pa rin kahit na ba medyo tahimik na ngayon. Pakiramdam ko, may kulang pa rin sa mga sinabi sa akin. Napansin ko na nga lang na sina Alexei na ang susunod nang yugyugin ako ni Marc na nakaupo sa tabi ko. Agad agad ko namang kinuha ang phone ko mula sa shoulder bag ko at in-open ang camera nito. 



Tch. Tulala na naman kasi ako. Argh. Dali dali kong inayos ang pagkakahawak ko sa cellphone ko at tiningnan ko kung paanong kuha ang magiging maganda para makuhanan ang talent ng batang iyon. Habang ginagawa ko naman iyon ay nagsisipwesto na rin ang banda nila sa entablado at inihahanda na ang mga instruments nila. Alexei is the lead guitarist. Ang mga reapers nga at sina Fiacre, todo sabay sa hiyaw ng marami pang estudyante sa may likuran namin. Mukhang sadyang kakaiba talaga ang genes ng mga Cromello at Vantress. Laging nag-iistand out ang kahit na sino basta galing sa pamilya niya. Kanina nga muntik nang mapalibutan ng mga babaeng estudyante sina Finn at Valor eh. Kesyo ang cute daw at ang gwapo. At kung sa tingin niyo ay sila lang, pwes mali kayo. Kahit na ba may mga edad na kaming lahat, agaw pansin pa rin kami sa lahat ng tao. Parang katulad lang noong nasa Mhorfell Academy pa kami, lagi kaming pinagtitinginan at pinagbubulungan. 

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon