Chapter 1

28.1K 361 26
                                    

Joseph's POV

Hay naku! May pasok na bukas at kailangan ko ng pumunta sa Iloilo mamaya upang maiwasan ko ang pagka-late sa unang araw ng eskwela. I will miss my beautiful Lola Matilde Santos.

Lola Matilde, siya ang nagpalaki sa akin simula nung bata pa ako. Naikwento niya sa akin ang lahat-lahat at naunawan ko naman. Minahal niya ako hindi bilang apo kundi anak niya mismo. Binigay niya lahat ng pangangailan ko kaya ginantihan ko naman, ito sa pamamagitan ng magagandang grado sa eskwela. Nagtapos ako sa high school bilang salutatorian kaya naisipan namin ni Lola na doon mag-aral sa Ateneo de Iloilo.

"Joseph, nag-impake ka na ba ng mga gamit mo?" tanong ni Lola.

"Opo, Lola. Naiayos ko na po lahat at aalis na ako maya-maya."

"Uwi ka kapag sabado at linggo, apo. Alam mo namang mami-miss kita." mangiyak-ngiyak na sabi ni Lola.

Pagkatapos maglunch ay umalis agad ako papuntang Iloilo. Mahirap para sa akin ang mag-adjust sa lugar kung saan wala akong kakilala, di ko kabisado ang lugar at gagawin ko pa itong mag-isa which is first time ko talaga. Okay lang, natitiyak kong marami naman akong makikilala na kaya akong tanggapin ng buong-buo, kayang sabayan ang ugali ko at kung anumang bagay na tungkol sa akin.

...

Hay naku! Mag-aala singko na, kailangan ko ng iprepare mga gamit ko for the first day of class. Buti na lang at dito ako pina-stay sa bahay ni Tito Julian at Tita Vicky, isa lang kasi ang anak nila at kaedad ko rin. Si Victor, nakita ko na siya dati noong maliliit pa kami. Siya ay maputi, chinito at magaling kumanta. Namana niya lahat ng katangian kay Tito Julian at masasabi kong nasa dugo talaga namin ang maging talented at hindi sa pagmamayabang ay ang pagiging pogi.

...

"Seph! Gising ka na, anak! Umaga yata ang schedule mo eh." mala-alarm clock na paggising sa akin ni Tita.

"Opo, Tita. Babangon na po."

AM ang kinuha kong schedule dahil inaantok na ako kung hapon.

"Alis na po ako Tita, Tito."

Sabay mano sa kanilang dalawa. Ang ipinagtataka ko ay kung saan si Victor na sabi naman nina Tito ay kagabi pa umuwi mula sa Baguio, doon kasi nagbakasyon. Marahil ay pagod lang.

...

Wow! Alam kong nakapasok na ako dito pero bakit ang ganda pa rin para sa paningin ko? Ang linis ng eskwelahan, maraming puno na pwedeng tambayan kapag may vacant time at may mga benches din na pwedeng gawing lugar upang sumulat ng tula. I forgot to tell you, writing poems whether in English or in Filipino is my favorite hobby.

Dumiretso na ako papunta sa building ng COEd. Opo, Education student, ito kasi ang gustong kurso ni Lola Matilde pard sa akin. Gusto ko naman ito kaya wala akong pinagsisisihan.

...

Pagdating ko sa building ay may nakita akong pamilyar na mukha, ewan ko lang kung siya nga. Binalewala ko na lang dumiretso na sa room ko.

Takte! Late pa yata ako. Hay naku! Late nga! Mahirap kapag late. Ikaw center of attraction. Okay lang, cute naman ako eh. At dahil nga late ako, pinapunta agad ako sa unahan upang magpakilala.

Hi! My name is Joseph Santos, 17 from Roxas City. I like writing, singing and dancing.

Walang anu-ano'y may sumigaw ng ...

Sample! Sample! Sample!

Nagsigawan na silang lahat! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tsktsk! Mapapasubo talaga ako neto.

"Ehem! Okay, guys. I'll sing for you."

(Ang kinanta ko ay CRUSH ni David A.)

Habang kumakanta ako ay napatingin ako sa labas ng silid aralan at nakita ko na naman ang pamilyar na mukha at nakakasiguro akong si...



















Si Victor yun!
Nag-iba na ang mukha niya, hindi na siya ang cute na Victor noon dahil ang gwapo niya na ngayon.

Sandali? Anong ginagawa niya sa labas ng room namin? Kanina pa ba siya doon?

Tinapos ko ang aking kinakanta at tiyaka umupo na. Pagtingin ko sa labas ay wala na siya.

...

Ang araw na ito ay talagang nakakapagod. Unang araw pa lang ng klase ay ang dami na ng pinapagawa. Assignment dito, assignment doon! Hay naku! Buhay estudyante nga naman oh!

After ng last period ko ay agad akong umuwi para doon na rin mag-lunch dahil 7:30am to 11:30am lang naman ang class ko tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. 7:30am to 10:00am naman kapag Martes at Huwebes.

Pag-uwi ko ay agad akong nagtanong kay Tita Vicky kung anong taon na si Victor sa kolehiyo at kung ano ang kurso nito.

"First year din si Victor, hijo. Di ba't magkaedad lang kayo?", ani Tita.

"Talaga po? Ibig sabihin ay nasa parehong antas lang pala kami sa kolehiyo."

"Oo, hijo. Education din kinukuha niya katulad mo, MAPEH nga lang ang major niya." sagot ni Tita.

Pinutol ko na ang usapan namin ni Tita at dumiretso na ako sa kwarto upang magpahinga.

...

Lumipas ang ilang oras at di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sa aking paggising ay mayroon akong naramdaman. Parang may katabi ako.

"Aaahhh!" laking gulat ko ay napasigaw ako.

Si Victor! Nasa tabi ko! Nasa kama ko!

"Sorry ha. Nagulat ba kita?" sabi ni Victor.

"Anong ginagawa mo sa kama ko?"

"Kama mo?" sarkastiko niyang tanong.

"Oo, kama ko."

"Sabi ni Mama ay dito ako matutulog at magkatabi daw tayo. Ipapaayos niya pa daw ang kwarto ko eh. Don't worry, dalawang linggo lang ako dito. Weekends lang kasi pwedeng ipaayos yun eh kasi walang bantay ang tindahan at ang mga aayos diyan sa kwarto ko." paliwanag niya.

"Ah eh! Basta, behave ka ha. Ayoko ng makulit kapag natutulog lalo kapag magalaw pa yung tipong trumpo kung matulog."

Nagkasundo na kami na matulog sa iisang kama, syempre wala naman akong magagawa at pagkatapos ay sabay kaming tumungo sa kusina upang kumain ng hapunan.

...

Pagkatapos ng hapunan ay tumungo na ulit sa kwarto, nag-aral muna ako at natulog na rin. As usual, magkatabi nga kami ni Victor.

Ang Boyfriend kong MalibogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon