Sinundan niya pala ako. Yung mukha niya nung nilingon ako napaka blangko na para bang talagang bagong gising.

Kung ang lahat ng lalaki eh ganito kagwapo pagkagising marami ng may asawa.

"You're forgiven"

"Miss nagkita na ba tayo?"

Magkasabay pa din kaming bumababa ng platform.

"Hindi pa ngayon pa lang"

"Sigurado ka?"

"Ako sigurado na ngayon pa lang kita nakita. Ikaw ba?"

"Para kasing kamukha mo yung babae nung isang gabi"

Tiningnan ko syang maigi. Mula mata hanggang paa. Di ko talaga siya matandaan.

"Errol nga pala"

"Eunice"

"Eunice?"

Takang taka siya sa pangalan ko.

"Okay I see. "

"You see what?"

"You're the girl from last last night. The one who's been targeted by Mr. Elizalde. And the girl who's the reason why I've been sleepless for almost 2 nights already"

What?

"Ahh wala naman"

Tumingin alang ako sa kaniya ng weird.

"Sya nga pala bilang pakonswelo sa ginawa ko kanina, na hindi ko talaga sinasadya" Nakadikit yung dalawang palad niya at seryosong mukha na para bang nakagawa ng sobrang kasalanan.

"Ano?"

"Kain tayo? Anong oras ba klase mo?"

"Mr. Errol kakakilala lang natin sa Platform ng Recto Station. Wala pang sampung minuto ang lumilipas" Nang mga oras na yun napadaan kami sa KFC.

"Isa pa, may klase ako ng..."

Di ko na naituloy dahil hinila niya ako papasok derederetso sa counter ng fast food.

"Anong gusto mo"

"Hindi ako nagugutom"

"Ano nga. Ako na pipili"

Nagulat ako sa pinagpipili niya. Napakadami.

"Hoy Errol"

"Yes?"

"Andami mo namang inorder."

"Ganito ako makipagkilala sa mga bagong kaibigan nililibre ko talaga"

Pumwesto na kami habang inaantay yung order.

"Di ka na inaantok?"

"Inaantok pa din, kailangan ko lang kumain para mawala yung antok"

"Masyado kang madaming inorder"

"Ano ka ba ayos lang yun. Alam mo ba yung halaga nung binili ko ngayon ay isang putahe lang dun sa kinakainan naming magbabarkada. Kaya ayos lang gumastos, kesa naman sa gamot lang mapunta"

"Gamot? May sakit ka?"

"Yeah may sleeping disorder ako. So kailangan ko ng Sleeping pills halos gabi gabi para lang makatulog. Ambata ko pa diba 18 pa lang may ganyan nang sakit"

Makwento talaga syang tao. Kaya nakakagaan din naman kasama.

Dumating na yung inorder niya.

"Kain ka na. Yung bibimbap lang yung akin"

"Ipapakain mo sa akin to lahat"

Tumawa siya.

"Oo, kaya kainin mo yan magagalit ako. Matutulog ako dito sige ka, magagalit sila saýo"

Para syang isip bata na ewan. Pero ang cute niya sa ganun.

At bibimbap lang talaga yung kinain niya. Pero may extra rice naman sya.

Kumain na din ako.

"Sorry nga pala ulit nung isang gabi ahh. Alam mo kasi nainis ako sayo"

Nagulat ako sa sinabi niya

"Eh kasi natutulog ako sa bahay nun. Di pa ako actually kumakain nung gabing yun. Di ako ginigising sa bahay kapag natutulog ako kasi kailangan ko yun. Nagising lang ako dahil tumatawag si Drew, yung kapatid ni Dylan magkita daw sa Dimasalang. Inis na inis ako nun kasi di ko alam kung bakit kailangan pang magkita kita."

Nakikinig lang ako sa kinekwento niya

"And yun nga. Yun pala kasi may pinagtitripan si Ice, which happened to be you. Yan si Dylan at Ice matagal ng magkakumpetensya yan. Kahit nung leader pa namin si Ice. Nung umalis siya. Si Dylan ang pumalit ayun, bawat gawin ni Ice nakikigulo si Dylan. At tuwang tuwa sya sa ganun"

Kaya pala.

"And sorry kasi sayo ako nainis. Dahil ikaw dahilan bakit ako ginising ng disoras ng gabi. Kaya sorry. Kaya kumain ka ng madami"

Natawa lang ako.

"Naiintindihan ko haha"

"Grabe 'to tinatawanan lang ako"

Parang matagal na kaming magkakilala. Nakakatawa naman.

"You know what"

"What?"

"I like you"

Parang mabubulunan ako sa kinakain ko. Siya lang yata yung taong napakavocal sa nararamdaman lalo na at second meeting pa lang naman namin to. Yung unang pagkikita di pa maganda.

Nagblush din siya sa sinabi niya.

"I mean I like you.. The way you.. You talk, you smile. It's beautiful"

Napatanga na lang ako sa sinabi niya.

"May ano..."

Bigla niyang nilapit yung kamay niya sa pisngi ko saka winipe ng thumb niya yung labi ko.

"Ahh. Sorry. May kanin"

Yumuko lang siya saka kumain ulit.

"I hope to see you more often"

Kumakain pa din siya.

Di ko tuloy alam kung maawkwardan na ba ako sa siwasyon namin. This meeting is too much for strangers.

"Wag mong isipin na pinopormahan kita ha"

Okay di ko iniisip yun.

"It's just that... I never thought na yung pinagaagawan ni Ice at Dylan eh nasa harap ko ngayon kasabay kong kumain"

Tumigin lang ako sa kanya.

"I only have 2 question" sabi niya.

"Sige"

"Can we be friends"

"Siguro.. Pwede..pwede naman. Wala naman sigurong masam"

"Okay Thank You.... Can I court you?"

Ha?

----

One Shot of VodkaWhere stories live. Discover now