Tumingin siya sa akin na parang di makapaniwala.

"Lahat ng sulat? You mean buong isang taon. Lahat may ganito?"

"Oo"

"Pre ano ka ba. 31312, March 13, 2012 ngayon yan. NB National Bookstore, SMF SM Fairview, 7 siguro 7 pm to. Di naman pwedeng 7 am. Kahit siguro bata maiintindihan 'to"

"Ha?"

Medyo naguluhan ako.

Nagulat siya nung naglabas ako ng mg sulat.

Dala dala ko araw araw lahat to. Di ko din alam bakit.

Binuksan ko lahat. 1611-NB-SMF-7, 12111-NB-SMF-7, 21411-NB-SMF-7.

Parang naawa ako sa taong nagsulat sa akin. Isang taon.

Matagal niya na pala gustong makipagkita.

"Uy pre punta ka na. Para makilala mo na yan"

"Ha?"

"Di yan stalker. Try mo lang."

5 natapos yung recollection kaya dumeretso na ako ng SM. Kumain muna saka ako dumeretso ng National saktong 7. Maraming tao. Kaya di ko alam kung saan ko ba siya makikita dito.

Napatingin ako sa mga libro ni Nicholas Sparks. Kahit meron na ko neto parang gusto ko pa ding bumili ulit.

Tumingin ako sa mga notebook saka ako bumalik ulit sa mga libro ni Nicholas. Paghatak ko nung The Guardian. May nalaglag na papel.

Grabe ka. Isang taon na kong pumupunta dito ngayon ka lang nagpakita.

Nakasulat dun sa papel.

Napalingon ako sa paligid ko. Pero puro may edad na yung mga nakikita ko. Meron namang mga kumpol ng estudyante pero di naman taga school namin. Binalik ko yung sulat kasi baka naman di para sa akin.

Pero kinuha ko ulit saka ako lumabas ng National.

"Juan Miguel"

May narinig akong tumawag sa akin mula sa likod.

Di ko siya kilala pero pamilyar.

"Di mo ko kilala alam ko"

Nagsimula na akong maghinala kung siya ba yung nagpapadala ng sulat.

Nagulat ako ng bigla siyang umiyak.

"Grabe ka. Dalawang beses sa isang buwan ako bumabalik dito. Sayang pamasahe. Sayang effort."

Nakahawak siya sa tuhod niya habang nakayuko.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Tumayo ka nga diyan. Huy"

May mga estudyanteng dumadaan na nakatingin sa amin.

Kaya hinatak ko na siya palabas ng mall hanggang sa may parking lot.

"Huy. Umayos ka nga"

"Nakakainis kasi"

Naawa ako sa kanya. Totol naman. At ang tanga tanga ko para simpleng code lang di ko pa nagets.

"Bakit kasi kinocode code mo pa. Malay ko ba. Gaano ka ba kasigurado na mahuhulaan ko yung mga code mo Chemistry Wizard"

Siya nga. Siya nga yung estudyante ko dati na nag babalance ng equation sa Chemistry habang nagtuturo ako.

Siya nga si Napoleon Bonaparte na wrong spelling.

Kaya pala National Bookstore.

"Ang simple simple lang nun. Di mo pa mahulaan. Nakakapagod maghabol sayo"

Binuksan niya yung bag niya.

Saka nagabot ng wallet.

Teka.. Akin to ah.

"Matagal ko na dapat yan ibabalik. Ngayon ka lang pumunta."

"Magkatabi lang yung room natin di mo na lang sa school binigay"

"Eh ayoko eh. Nakakahiya. Maraming tao. Baka anong isipin."

"Eh ano yung kanina di ba nakakahiya?"

"Hayaan mo na last naman na yun"

Nagtaka ako.

"Bakit?"

"Wala na ako dito after graduation"

Di ko alam bakit nalulungkot ako. Kahit total stranger kami sa isa't-isa.

"Dun na ko magka college"

Sabay ngumiti siya.

Nalungkot talaga ako. Ngayon lang kami nagkita at nagkakilala tas aalis na siya. Nakakalungkot.

Di ako nakapagsalita.

"Hoy Jun Miguel"

"Babalik ka pa?"

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Hindi ko alam"

Mas lalo akong nalungkot. Ngayon ko lang naramdaman na espesyal ako sa buong buhay ko.

Binuksan niya yubg bag niya.

"Malaki ba yung bag mo?" sabi niya.

"Bakit?"

"Kasya ba tong 150 na sulat?"

Kahit naguguluhan ako parang naiiyak ako sa ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Good for 10 years yan. Isang sulat per month. Sinobrahan ko lang in case lumagpas ako ng 10 years sa pagbalik"

"Di kita kilala...."

"Pero kilala kita"

"Di kita kilala.... Pero bakit parang ang tagal na nating magkakilala"

Ngumiti lang siya.

"Wag ka muna magaasawa pagbalik ko. Congrats Salut."

Umalis na siya.

----

One Shot of VodkaWhere stories live. Discover now