Thank you Sir. Madami po akong natutunan.

Sir salamat. Sana maging close tayo.

Sir.... Wala lang kayo pa din Best ST.

At marami pa. Pero may weird na letter na nakasulat sa foil ng sigarilyo.

Mali yung pagcheck mo. 19 lang ako. Wrong spelling is wrong sabi mo eh.
- Napol(e)on Bonaparte

Nagulat ako. Sinabi ko pa lang wrong spelling wrong?

Di ko naman na yun mababago kasi wala na sa akin yung class record.

Di ko na lang pinansin.

Bibili sana ako ng makakain pero nawawala yung wallet ko.

Hinalungkat ko yung bag ko. Pero wala talaga.

Mabuti na lang talaga di ko dala pera ko lahat.

Umuwi ako agad ng bahay at dun na ako kumain. NAkakalungkot na araw pero masaya pa din.

Natapos yung third year at pumasok ang 4th year.

Buwan buwan pa din akong nakakatanggap ng sulat. Maayos naman yung sulat. Lagi nga lang may sobre.

Mula January nung third year hanggang November ng 4th year. Naka 27 akong sulat galing sa iisang tao lang.

Di ko naman alam kung sino. Lagi lang siyang may codename na National Bookstore. Ang weird. Di ko naman siguro admirer yung National Bookstore o yung may-ari nun.

Pero mas weird na lagi kong nakikita sa loob ng bag ko yung sulat pero di ko napapansin kung sino yung naglalagay.

Recollection Day.

Hindi ako maiyak kahit lahat nagiiyakan na dahil iniisip ko yung bagong sulat na dumating.

Ang gwapo mo sa bago mong gupit.

Napapalingon ako sa paligid ko kung may nakatingin ba sa akin pero wala naman.

Nagsindi ng kandila after nung Recollection. Pero parang wala talaga ako sa huwisyo. Di naman sa natatakot ako sa nagpapadala ng sulat, kaya lang mag gagraduation na. Magpakilala na lang kaya siya.

"Migz may nagpapabigay"

Sulat.

"Kanino galing"

"Secret"

"Kanino nga?"

"Di ko alam. Pinaabot lang din sa akin ni Jasper. Pero tinanong ko na si Jasper. Pinaabot lang din daw sa kanya. Mga 143 na tao pa siguro yung pinagabutan niyan bago umabot sayo"

Binuksan ko sa harapan niya.

"Ano daw sabi"

"Si National Bookstore na naman. Mahigit isang taon na tong consistent. Di ko naman kilala"

"Pre. Baka..."

Tumingin siya sa akin ng nakakagulat.

"Tumigil ka nga"

Kinuha niya yubg sulat. Tsaka binasa.

Napangiti siya.

"Ang sweet"

Anong sweet diyan.

"Gusto ka niya mameet sa personal"

"Ha?"

"Ayan oh. 31312-NB-SMF-7"

"Di ko nga alam yan eh laging lahsmat ng sulat niya parang may Bar Code"

One Shot of VodkaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon