"Ahh!!" Napatayo agad kami ni Stan ng may marinig akong sumisigaw sa labas. Boses ni Xander yun kung hindi ako nagkakamali.

Paglabas namin ni Stan, nakahinga kami ng maayos ng makita naming buhat buhat ni Jiro si Xander at hinahagis hagis nya to sa ere.

"Hi Bi--Kim!" Lumapit agad si Heather sakin para yakapin ako. Hindi na nya ko matawag na 'bitch' dahil may mga bata ng makakarinig.

"Napadalaw kayo? Sandali magpapaluto ako kila Manang Odelle." Remember Manang Odelle? Yep dito sa bahay ni Stan sa bulacan kami tumira pagkatapos naming makasal. Tuwang tuwa nun si Manang Odelle na tinupad ni Joshua yung pangako nya na iuuwi nya ko dito bilang asawa.

"Hi Sammy!" Nagtatago sa likod ko si Sammy at nagdadalawang isip na lumapit kay Heather.

"Sabi naman kasi sayo bawas bawasan mo yang kilay mo, tinatakot mo na naman si Sammy ayaw tuloy lumapit sayo." Binuhat ko si Sammy ay kinarga papalapit kay Heather pero nagsimula syang umiyak at yumakap sakin ng mahigpit.

Nagtawanan naman kami nila Stan at Jiro habang nakapout at crossed arms naman si Heather.

"I'm home!"

"Daddy!!" Sigaw ng dalawang kambal at agad silang tumakbo para salubungin ang Daddy nila. Nakakatuwa silang tingnan ng ibaba ni Josh yung mga dala nya para yakapin ang mga anak namin. Binuhat nya yung dalawa habang sya ng mga to.

"Bakit parang umiyak ang prinsesa ko?" Tanong ni Josh kay Sammy at agad naman na tinuro nya si Heather.

"Why me?! I'm not scaring you baby Sammy! Come here to Tita dali!" Lumapit si Heather sakanya habang nakaopen arms sya pero nagsimula ulit umiyak si Sammy.

"Hahaha! Paguwi natin sa bahay ishashave na natin yang kilay mo hon." Agad namang siniko ni Heather si Jiro.

"Haha nandito pala kayo, hindi kayo nagsabi para inagahan ko umuwi." Binaba ni Josh ang dalawang bata at nagapiran sila nila Jiro at Stan.

Lumapit naman sya sakin at niyakap ako mula sa likudan at minasahe yung balikat ko.

"You look tired, pinagod kaba ng mga bata?"

"Nako sanay na ko sakanila, si Xander lang talaga makulit paminsan minsan nakadalawang ligo na yan." Tumawa naman sya sa sinabi ko at tinawag nya si Xander.

"Xander, come here." Lumapit naman agad si Xander sa Daddy nya at lumuhod naman si Joshua para kausapin yung anak nyang pasaway.

"Pinapagod mo na naman si Mommy, diba sabi ko pag wala si Daddy magbebehave ka kay Mommy?"

"I'm sorry Daddy, It won't happen again." Nagpout si Xander na namana naman nya sa Daddy nya.

"Aww, ang cute cute naman nyan patawarin mo na Josh!" Sabat ni Heather.

"Good boy. Hug na si Daddy." Nagopen arms si Josh at niyakap naman sya ni Xander.

Natutuwa ako tuwing naguusap yang mag ama ko, kay Josh lang kasi talaga sumusunod si Xander. Tumakbo na sya matapos syang kausapin ng Daddy nya.

"Oh guys tara lunch muna tayo." Hinawakan ni Joshua yung kamay ko at sabay sabay kaming lahat na pumunta sa dining table.

Nagsasalo salo na kami ng may kumatok sa pinto. Tatayo sana ako para tingnan kung sino yun pero pinaupo na ko ni Josh at sya na raw titingin. Hinalikan pa nya ko sa noo bago sya umalis.

Mayamaya nauna si Josh na bumalik ng lamesa.

"Sino yun Josh?" Tanong ko at nasupresa ako ng makita ko yung mga sumunod sakanya.

"SURPRISE!" Si Chloe, Trixy, Tonette, Clyde, Michael and Keith.

Lahat sila nandito kasama ang mga anak nila. Tagiisa palang sila ng mga anak maliban lang kila Clyde at Chloe dahil nakatatlo na agad sila at puro lalaki pa.

"Bro!" Nagaapiran yung mga boys samantalang nagyakapan naman kaming mga babae.

"Clyde, ang sipag a nakatatlo ka agad hahaha!" Pangangasar ni Jiro at siniko na naman sya ni Heather.

"Oo bro, gusto ko nga lima para may basketball team na kami." Sya naman siniko ni Chloe.

Nagtatawanan kaming lahat sa lamesa at salo salong naglunch. Kwentuhan nung mga college palang kami, at mga paplano namin na mag outing ng magkakasama.

*BLAG!*

"What that?!" Sabay sabay na tanong nila Heather kaya napatayo agad kami ni Josh kung anong nagyari at baka napano sila Xander at Sammy.

Paglabas naman namin, nakita namin si Xander at Sammy na naglalaro sa putikan.

"Xander, Sammy kaliligo nyo lang e." Napafacepalm naman ako habang si Joshua nakikipaglaro pa sa mga anak nya.

"Josh wag kana makipaglaro dyan, madudumihan kadin!"

"Halika na Mommy nageenjoy sila e hahaha! Halika na!"

"Mommy, let's play!" Nagtatalon ang dalawang kambal habang putikan narin si Joshua.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa kusina ng buhatin ako ni Joshua papunta sa putikan at pinagpupunasan naman ako nila Xander at Sammy sa damit ng mga putik.

"Nooo, nako Josh ikaw talaga magpapaligo sakanila mamaya."

"Opo mahal hahaha, dumihan nyo pa si Mommy dali dali" Utos pa ni Josh sa kambal at ayun na nga puro putikan na kaming apat.

Nakisali pa samin yung mga anak nila Clyde kaya nagsilbi kaming mga babysitter ni Josh para bantayan yung mga bata.

---
Kinagabihan napatulog ko na yung dalawang bata. Hihiga na sana ako ng makita kong nakatambay pa sa bubong si Josh, umakyat din ako at tinabihan ko sya.

"Tulog na mga bata?"

"Opo. Ikaw nakatatlong ligo tuloy yung anak mo ngayong araw, pasimuno kadin e." Pinisil ko yung ilong nya habang nakahiga na ako sa dibdib nya.

Tambayan talaga namin dito sa bubong dahil kitang kita namin yung bituin mula dito.

"Kim, kung may powers ka at pwede kang bumalik sa nakaraan, ano yung gusto mong baguhin?"

Seryoso yung tanong nya habang nakatingin sya sa mga bituin.

"Nah, I won't change a single thing." He looks at me and kissed me deeply.

"I love you Kim."

"I love y--"

Naputol yung sasabihin ko ng marinig kong tumili si Sammy.

"Nanaginip na naman siguro sya ng masama."

"Mommy's coming Sammy!"

"No I want Daddy!"

Tumayo naman agad si Josh para puntahan si Sammy pero hinalikan nya muna ko ulit bago sya bumaba.

"Daddy!!"

Bumitiw agad si Josh at nagmadaling bumaba.

"Daddy's coming baby!"

Napatawa nalang ako at tumingin sa mga bituin.

Yep, I won't change a single thing.

---

End.

Gotta Have HerWhere stories live. Discover now