Gotta Have Her (87)

768 16 0
                                    

Kinabukasan after ng party, sobrang ganda ng gising ko. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko at first time kong nakangiti sa pagmulat ng mga mata ko. Excited akong pumasok ngayong araw.

Sinundo ako ni Heather ngayong araw dahil ewan ko. Kanina pa sya nagtetext na sya daw susundo sakin kaya yun, pagkatapos ko maligo at magayos nandyan na yung sasakyan nya sa labas.

"Bye Ma!"

"Oh mukhang masaya ka an--"

"Kami na ni Stanley bye!"

"A-ano?! Kim! Halika dito at magkwento lang bata ka"

"Late na ko Ma byeee!" At tumakbo agad ako papalabas ng bahay lumabas ng gate at sumakay sa kotse ni Heather.

"Anong meron at gusto mo kong sunduin?"

"Hindi ako ang may gustong sunduin ka no."

"E sino?"

"Yung Stanley bembem mo! Ang korni, bembem talaga tawagan nyo?"

"Huh? Wala pa naman kaming tawagan ah"

"Ay ewan basta he texted me like 'Heather, sunduin mo naman ang Kimberly bembem ko pretty puhlease?' Kaloka." Natawa ko sa reaksyon ng mukha nya hahaha

"Anong bang kinaiinis mo e may lovelife ka naman na. May Jiro kana diba?"

"Yun na nga eh! Kanina pa syang umaga walang paramdam, nakakainit na ng dugo."

"Tss relax, baka may ginawa lang yun ito naman. Ang nega mo."

Inirapan nya ko at natawa nalang ako sakanya. Pagdating namin sa campus ang daming tao.

"May program ba?" Tanong ko sakanya habang bumababa kami ng sasakyan.

"I dunno." Sinarado nya yung sasakyan at naglakad na kami papasok ng campus ng may nagbigay sakin ng heart shaped na flash card.

"What the..ano t--Uy ano to!" Sinubukan kong tanungin yung lalaking nagbigay sakin pero nakaskateboard sya at hindi ako pinansin.

"WILL"

Yan yung nakasulat sa heart shaped na binigay sakin nung lalaki. What the hell is WILL?

Mayamaya may mga yumakap naman sakin na babae at may sinabit silang heart shaped ulit na flash card sa bag ko.

"You"

Ngayon 'You' naman nakasulat. Hindi ko magets.

"Sinong naguutos sainyo?!" Hindi na naman nila ako pinansin.

Napadaan naman kami ni Heather sa study area at may nalaglag kung saan sa ulo ko at heart shaped na naman.

"Be"

Be naman ngayon. Kinukutuban na ko, will you be..parang alam ko na kung anong meron.

"Bitch ito pala yung notebook na hiniram ko sayo, nandyan yung ID mo buklatin mo."

Nasa kanya pala tong notebook ko nato. Akala ko naman nawa--

May nakita na naman akong heart shaped na nakaipit sa notebook ko at paglingon ko sa gilid ko wala na si Heather.

"My"

Will You Be My...Kung hindi ako nagkakamali ang susuno--

Biglang nagtilian yung mga babae sa labas ng campus at may mga nagsitakbuhan palabas ng courts na mga basketball players na nakajersey at mga nagdidribble sila ng tag iisang bola.

Nanlaki yung mata ko nung papunta sila lahat sa direksyon ko at nakita ko mga mukha nila Jiro,Michael,Clyde,Keith at lima pang mga kateam nila na magkakasunod nila kong inikutan at nagsimula ng magdagsaan ang mga estudyante sa palibot ko kung san ako nakatayo. Sampung mga basketball players ang nakapalibot sakin ngayon at tag iisa silang may hawak na bola.

"Um...Nasaan si--"

♬Without you I feel like I'm half of a whole. Without you I've got no hand to hold. Without you, I feel torn like a sail in a storm. Without you, I'm just a sad song♬

Bigla syang sumulpot sa kung saan habang may hawak na gitara at kumakanta. Nagtilian pa lalo yung mga tao kaya nakakabingi na.

"Kimberly Sanchez, ikaw yung babaeng pinakahihintay ko sa loob ng matagal na panahon. Mahirap, madaming naging problema pero lahat ng yun kinaya ko makuha kalang. Hindi ko kayang ipangako sayo lahat pero ito lang masasabi ko pag ako naging boyfriend mo, ako yung tipo ng boyfriend na itatali yung buhok mo o kaya ititirintas. Ipagluluto kita kahit na akong gusto mo. Sasamahan ka sa lahat ng lakad mo. Kapag may dalaw ka ako bibili ng napkin mo kahit sa harap pa ng maraming tao. Kapag may sakit ka hahalikan kita para mahawa ako at pareho na tayo. Yung dadalhin ka sa harap ng mga magulang ko at ipapakilala. Yung klase ng boyfriend na hindi ka hahayaang umiyak at sasapakin ko kung sino nagpaiyak sa Snow white ko. Kapag nagseselos ka pipikit ako tapos hahawakan ang kamay mo para sabihing sayo lang ako. Yung tipo na kapag matutulog na gusto ko nakahiga ka sa dibdib ko. Habang nakahalik ako sa ulo at nakayakap sayo. Lahat ng yun magagawa ko kung papayagan mo ko. Will you be my girlfriend?"

Napailing ako, Will You Be My, lang tong nasa akin.

"Kulang tong hearts!" Sigaw ko

"Ha?"

"Will You Be My, lang to. Kulang ng word na Girl--"

Nagulat ako ng magsigalawan sila Jiro at inikot yung bolang mga hawak nila. Bawat bola may nakadikit na letters.

G..I..R..L..F..R..I..E..N..

Huh? Ba't walang D?

"Bakit walang D?"

"Ay, oy letter D nasaan kana ba?!"

May nakita akong nakikipagsiksikan sa mga estudyante at napangiti ako sa taong nakita ko.

Si Joshua, nakajersey at may hawak na bola.

"Sorry bro late ako, pinagluto ko pa yung asawa ko." Nakangiti sya sabay ikot ng bolang hawak nya at nasa kanya yung nawawalang letter 'D' Kumaway pa sya sakin habang nakingiti.

"Yan kumpleto na. Will You Be My Girlfriend?" Tanong ni Stan habang unti unting lumalapit sakin.

"Diba tayo na?" Sagot ko.

"Nope, gusto ko official."

"Ah...um...Yes?"

"Parang di ka pa sigurado pfft."

He pouted ang cute hahaha

"Yes!" Sabay takbo ko papalapit sakanya at hinalikan sya. Lalong naghiyawan at nagpalakpakan ang mga estudyante sa paligid namin. Lumabas din sila Chloe, Trixy, Tonette at Heather na may mga hawak na balloons. Nagsilapitan samin sina Jiro at pati narin si Joshua at nagapiran sila magkapatid.

"Ingatan mo yang prinsesa natin ah?" Sabi ni Joshua kay Stan na ikinatuwa ko naman dahil magkaayos na ang dalawang magkapatid.

Akala ko magiging magulo pag naging kami ni Stanley, hindi pala.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon