Gotta Have Her (55)

714 18 0
                                    


Pagdilat ng mata ko nakaramdam agad ako ng sakit ng batok at ulo ko. Sinusubukan kong tumayo pero parang matutumba naman ako.

"Oh gising kana pala iha, wag kana muna tumayo magpahinga kana muna kung nahihilo kapa."

Nurse yung nagsalita nasa tabi ko sya, ano to nasa ospital ako?

"N-nasaan po ako?"

"Nasa clinic ka iha hinatid kanang boyfriend mo dito. Masyadong napalakas yung pagtama ng bola sa batok mo kaya nahimatay ka. Dagdag mo pa yung pagkadehydrated mo pagkatapos ng laban nyo, uminom kanang maraming fluids iha masama sa katawan ang natutuyuan."

Sa dami ng sinabi ng nurse, sa isang word lang ako natigilan. Boyfriend? Si Josh? Umuwi na ang Joshie ko?

"Magpahinga kana muna dyan um..Kim right? Parating na yung boyfriend mo may ibibili lang daw sya para sayo. Fluids wag kakalimutan ha?"

"Opo." Nagnod ako at nginitian sya bago sya umalis sa tabi ko. Sinusubukan kong alalahanin yung nangyari kanina pero mga paa lang na nagsilapitan sakin yung natatandaan ko at yung kumausap sakin pero hindi ko naman naanigan yung itsura nya dahil dun na nagdilim yung paningin ko. Mayamaya may pumasok na sa pinto at may dala dalang plastic.

"Oh gising kana pala, kamusta pakiramdam mo?"

"I-ikaw yung nagdala sakin dito? Binuhat mo ko?"

"Oo, I mean dapat may bubuhat sayong iba pero inunahan ko sya baka ilaglag kalang nya mapatay ko pa."

Seryoso yung mukha nya habang may kinukuha sa loob ng plastic sabay abot sakin ng gatorade.

"Oh inumin mo to. Sabi ng nurse kailangan mo ng maraming fluids dahil dehydrated ka daw. Ikaw manlalaro kaba talaga? Lahat ng manlalaro alam ang kahalagahan ng tubig sa katawan bago sila sumabak sa laban, ikaw hindi. Kaya ka nahimatay kanina, ang hina hina mo kumain ka nga ng marami! Tsaka kumain kaba bago ka lumaban? Rinig na rinig ko yang tyan mo nung buhat buhat kita. Tapos ang gaan gaan mo pa. Mas mabigat pa ata sayo yung mga 3years old eh!"

Aba't. Hahampasin ko sana sya pero nahawakan nya yung kamay ko.

"Tingnan mo ang hina hina mo, inumin mo nato tapos matulog ka ulit wag ka magalala babantayan kita dito."

Umayos ako ng upo at kinuha yung gatorade sa kamay nya.

"Umalis kana hindi ko kailangan ng bantay no."

"Anong hindi? Kanina nung tulog ka ni isang segundo hindi ako umalis sa tabi mo. Umalis lang ako saglit para bilhan ka ng inumin pero pinabantayan kita sa nurse. Ano nalang pwedeng magyari sa Snow White ko kung hindi ako nandito para maging Prince Charming mo?"

Papaluin ko sana sya ulit pero nahuli na naman nya yung kamay ko, this time hindi na nya binitawan at minasahe yung mga daliri ko.

"Diba sinabi ko na sayo na wag mo kong tatawaging Snow White ko? Nasa rules natin yan Stan."

"Alam ko. But didn't you know that rules are meant to be broken?"

Inalis ko yung kamay ko at binato sya ng unan, this time tumama na sa mukha nya.

"Basta wag mo kong tawaging Snow White ko, may boyfriend ako remember?"

"Oh e nasaan yang boyfriend mo nung nahimatay ka kanina? Kim bumagsak ka sa sahig, nawalan kanang malay, nasaan yang boyfriend mo para saluhin ka? Diba wala? Ako yung nandun sa sitwasyon na dapat ang boyfriend mo ang gumagawa para sayo. Walang kwenta yang boyfriend mo, may boyfriend kaba talaga? Kung meron bakit hindi ko sya nakikita? Siguro sinasabi mo lang na may boyfriend ka para layuan kita no?"

Nakakuha ako ng butas para masikmuraan sya at yun. Swak na swak yung pagkakasuntok ko sakanya. Namimilipit sya sa pagkakasuntok ko habang tumatayo na ako sa higaan.

"Oy san ka pupunta?"

"Uuwi san pa ba?"

"Hatid na kita."

"Ayoko."

"Hatid na kita."

"Ayoko."

"Hatid na kita."

"Sinabi ng ayoko diba?"

"Sino ba kasi may sabing hinihingi ko permiso mo? Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo."

Kinuha nya yung bagpack ko sa lapag at sya ang nagbuhat nun habang nakaalalay naman sya sa likod ko na baka tumumba ako ulit. Sa lahat ng lines na pwedeng gamitin nya, yun pa talagang "Hinihingi ko ba permiso mo?" Naalala ko bigla si Josh, yun yung sinabi nya sakin nung nakikipagtalo ako sakanya noon wag na nya akong ihatid. Hay kambal nga kayo.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon