Gotta Have Her (84)

732 16 0
                                    

Heather's 18th Birthday

Maaga palang binulabog na ko ni Heather sa bahay. Sya gumising sakin at sya rin ang tagasira ng maganda kong panaginip. Ngayon? nandito kaming lahat sa kwarto nya nila Chloe para tulungan sya magayos para mamaya sa party. Mamaya pa namang gabi yung party pero itong mga babaeng to kanina pa nagsusukatan ng mga isusuot nila mamaya. Ako? nandito sa kama nya at itutuloy yung panaginip ko kanina.

"Kimberly! Ano isusuot mo mamaya?" Si Tonette.

"Nako gisingin nyo yan natutulog na naman yan." Si Trixy.

"Huy Kim! Ano gusto mo red or black?" Si Chloe.

"SANCHEZ! BITCH, GET UP!" Sino pa ba edi si Aragon.

Lumingon ako sakanila pero nakahiga parin ako.

"Ayoko magred."

"Anong kulay gusto mo?" Tanong ni Trixy.

"Black." Sabay subsob ko ulit sa unan.

Makakatulog na sana ako ulit ng maramdaman kong may humila sa mga paa ko at bumagsak ako sa sahig. Ang mga bruha nagtatawanan habang iniinda ko yung sakit ng likod ko.

"Panira kayo alam nyo yun?!"

"Bangon na kasi Kim. Birthday ko to, moment ko to. Now, move!"

No choice. Bumangon ako at nakisali na sakanila sa pamimili ng damit. Si Heather na pumili ng susuotin ko, black gown at fit na fit sakin then mask. Buti nalang talaga nakamask para may confidence ako.

--

8pm. Start na ng party at marami naring tao sa labas. Ginanap yung party sa garden ng mga Aragon, naging maaliwalas dun pagpatak ng 9pm at may nagannounce ng pangalan ng debutant. Lumabas kaming lima kasabay ni Heather sa may malaking hagdan nila at lahat kaming apat nakamask maliban kay Heather. Para kaming naghahatid ng reyna pababa sa hagdan dahil ganito ang gusto nyang entrance.

Nagsimula na yung mga happenings , games at iba pa kasama narin yung 18th roses na sinayaw ang debutant. Nauna yung Papa nya as 1st rose then mga kuya nya, infairness ang gwapo ng mga kuya nya. Pinagaagawan na nga nila Chloe, Tonette at Trixy yung mga kuya dahil mga mukhang may lahi katulad nya. Syempre 18th roses nya si Jiro na may ginawa pang surprise para sakanya, binigyan sya ng malaking box at ng buksan nya ito bumulaga sakanya yung sobrang puting aso na may suot pang necktie at tumalon to sakanya. Naiyak sya sa sobrang tuwa at niyakap ng mahigpit yung aso. Pinangalanan pa nga nyang Jireh pronounce as JAY-REH yung aso, after nun sinayaw na sya ni Jiro na naging hudyat para magsayawan na yung mga tao. Nasa buffet lang ako at iniisa isa yung mga handa, sarap na sarap ako dun sa crab cake. Mala-italian yung mga pagkain kaya hindi mo malaman kung may pagkain ba talagang ganun. Punong puno na yung plato ko ng kung ano anong pagkain ng may nagsalita sa likod ko.

"Ang takaw mo kaya ka tumataba." Paglingon ko binatukan ko sya. Di porket may asawa na sya hindi ko na sya pwedeng saktan.

"Epal to, handaan to kaya dapat matikman mo lahat. Nasaan ngapala si Violet?" Nagiisa lang kasi sya.

"Nasa table namin."

"Ah."

Tatalikod na sana ako para pumunta sa table namin nila Chloe ng bigla nya kong hilahin papasok sa madilim na part ng garden.

"Huy! Bitaw nga!"

Pagkabitaw nya sakin bigla nya kong niyakap ng mahipit. Itanggi ko man o hindi namiss ko yung yakap na yun, pero mali parin yung ginagawa namin kaya bumitiw ako sa lakas nya hindi parin ako nakakalas sa yakap nya ng bigla naman nya kong halikan ng buong pwersa. Namiss ko yung mga labi nya oo, namiss ko syang halikan oo pero maling mali ang makipaghalikan sa taong kasal na. Tinulak ko sya sa abot ng  makakaya ko at napalayo sya sakin.

"Anong ginagawa mo Josh?! May asawa kana! Itigil mo na to!"

"Do you love me Kim?"

"Ano?"

"If you do, would you runaway with me?"

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon