Gotta Have Her (24)

1K 30 0
                                    


Reviewing with her is a total disaster.

Malapit na ang darating na exam ng mga 4th year highschool kung kaya't puspusan na lahat ng estudyante sa pagrereview.

"Basahin mo to lahat at itatak mo sa kokote mo lahat ng formulas." Nasa library sila ngayon at tinutulungan ni Kim si Joshua magreview. Binagsak nya sa table lahat ng librong kailangang pagaralan ni Joshua para sa darating na exam.

"Hindi pa nga ko tapos sa isang libro nato eh. Bukas na yang mga yan please gutom na gutom na ko kain muna tayo." Pagmamakaawa ni Josh.

"Kakakain lang natin! Now, memorize all of all this kung gusto mong makabawi this last grading period." Binuklat ni Josh yung libro at nahilo sya sa dami ng formula na bumulaga sakanya.

"Ayoko na! Tsaka bakit ako lang yung nagrereview tapos naglalaro kalang ng sudoku dyan?" Sita ni Josh kay Kim.

"Maayos ang grades ko last grading at name-maintain ko yung posisyon ko sa top. Alam kong masasagutan ko yung mga test sa exam kahit the day before nalang ako magreview, atleast dun papasok pa sa utak ko yung mga minemorize ko."

"E bat di nalang din ganun gawin ko? Oo nga puro ako review ngayon pero pagdating ng test wala akong maaalala sa mga nireview ko. The day before our exam nalang ako magrereview." At laking ngiti ni Josh na sinarado yung libro at tumayo.

"Bumalik ka sa upuan mo."

"Ayaw."

"Kailangan mo magreview."

"Pano kung ayaw ko?"

"Ipopost ko sa facebook at instagram yung picture mo nung pinagbra kita." Nanlaki ang mata ni Josh at bumalik sa upuan nya.

"Burahin mo yun! Grabe blackmail." Sinasamaan nya ng tingin si Kim pero relax lang si Kim at naglalaro ng sudoku.

"Review." Sabay turo ng hawak na lapis ni Kim ang libro at pinabubuksan nya kay Josh.

"Oh no, you didn't."

"Oh yes, I did." Pangangasar pa ni Kim.

"Burahin mo muna, pag di mo binura hindi ako magrerreview." Sinarado ulit ni Josh yung libro at nagcrossed arms.

Nilabas ni Kim yung phone at pinakita nya kay Josh na binura nya.

"There It's deleted. Magreview kana!"

"Hahaha ayoko nga." At dinilaan sya nito at tumayo sa kinauupuan.

"Sige wag ka magreview, marami akong copy ng picture na yun at meron din nun sa laptop ko sa bahay. Ipopost ko o magrereview ka?" Sumimangot si Josh at bumalik sa upuan.

"Blackmailer." Bulong ni Josh.

"Iloveyoutoo. Now, shut up and review." Nagpout si Josh at maluha luhang binuksan yung libro at nagkabisa.

--

Comment and tell me all about it :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon