Gotta Have Her (19)

1K 33 1
                                    


February 10. Day of judging Mr&Ms. HSU

"Do I look pale? I think I look pale." Hindi mapakali si Heather dahil judging na. Gustong gusto nya talagang manalo para makilala sya. Lagay sya ng lagay ng blush on dahil feeling nya namumutla sya sa kaba.

"Your fine Heather." Inirapan ni Heather si Kim at humarap kay Joshua.

"We are going to win this. I know we are." Tumungo lang si Joshua dahil busy sya sa kakasipsip ng lollipop na binili sakanya ni Kim.

"Kimbertot, san mo nabili to? Ang sharap."

"Masharap?"

"Yhesh." Ngumiti si Kim at inayos yung necktie nya at kwelyo.

"Hindi kaba kinakabahan?" Tanong nya kay Josh dahil wala itong ibang iniintidi kundi yung lollipop na hirap na hirap nyang kagatin.

"Nah, ang gusto ko lang matapos na ang judging nato at umalis kasama ka." Instant blush on yung pamumula ni Kim sa sinabi ni Josh.

"From Section Sapphire 4-A Mr. Joshua Perial and Ms. Heather Aragon!"

"Manalo matalo, oo na gwapo ka parin." Sabi ni Kim kay Josh bago sila lumabas sa stage. Kinindatan sya nito at nagwave.

--

"3rd runner up. Section Emerald 4-B!" Hindi mapakali si Kim sa backstage dahil ok lang sana kahit 3rd place sila Josh atleast nasa top 3.

"2nd runner up. Section Diamond 4-A" Kinakain na ni Kim yung mga kuko nya sa sobrang kaba.

"And our 1st runner up Mr&Ms. HSU Section Sapphire 4-A!" Napatalon si Kim sa backstage sa sobrang saya. Ang lakas ng hiyawan ng mga estudyante kila Josh at sobra naman kung makayakap si Heather sakanya. Lumabas ng backstage si Kim at nagthumbs up sya kay Josh. Nagulat nalang sya ng bumaba si Joshua sa stage at tumakbo papunta sakanya.

"Congra---" Nagulat nalang sya ng buhatin sya ni Joshua at nagsigawan ang mga audience sakanila at pinagbabato sila ng bulaklak. Binaba sya ni Josh at niyakap sya nito.

"Ikaw dapat ang icongratulate nila dahil ikaw nagencourage sakin sa lahat pati costume ko ikaw gumagawa." Tumawa nalang si Kim at niyakap nya din si Joshua.

Natanaw nya si Keith sa audience na nakatingin sakanila, pero hindi na nya ito pinansin dahil sa oras na yun ay masayang masaya sya sa piling ng mga yakap ni Joshua.

--

Comment and tell me all about it :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon