15 - I don't need you...

En başından başla
                                    

"Sam and I already broke up." at kwinento nya ang nangyari at pagkahuli nya sa pinsan nya at kay Sam. Nagulat ako, oo kilala ko si Marcus na pinsan ni Liam.

"You know what Liam. Hindi dahil nag-hiwalay kayo ni Sam papakasalan mo na ako. At wag na wag mong gagamiting dahilan ang anak ko para lang pumayag akong magpakasal sayo! I'm done loving you! Hinding hindi ako makakapayag na gawin mo akong panakip butas. Kaya kong buhayin ang anak ko kahit wala ka. Darating yung tamang panahon na may lalaki din na mamahalin ako gaya ng pamamahal ko. So please don't do this Liam." sabi ko sa kanya. Ang kapal ng mukha nya para gawin nya akong panakip butas.

"Walang ibang lalaki Paris Mikaela! Ako lang naiintindihan mo!" galit na sabi ni Liam sa akin at marahas akong hinalikan pero agad ko syang tinulak at sinampal.

"Liam... minahal kita simula pagkabata. Ikaw ang pinangarap ko, nagpakababa, nagpakabaliw, at nagpakagaga ako sayo para lang mapansin mo ako. Binigyan kita ng karapatan saktan ako, pero binabawi ko na yun, binabawi ko na yung karapatang binigay ko sayo para saktan ako... Ayoko na Liam... pagod na ako... pagod na akong mahalin ka. Kung gusto mong maging ama sa anak mo. Walang problema sa akin, pero please huwag mo na akong saktan pa. Hayaan mo na akong kalimutan ka. Ngayon pang narealize ko nang kaya ko naman palang mabuhay ng wala ka... Wag na wag mong sasabihing mahal mo ako, dahil hinding hindi ako maniniwala sayo. Dahil sayo na mismo nanggaling na hinding hindi mo ako mamahalin. So please get out Liam... I don't need you." mahaba kong sabi at tumakbo papasok sa banyo at nilock iyon. Ilang beses akong kinatok ni Liam pero narinig ko ang boses ni Kuya Jet na sinabihan si Liam na saka na ulit kami mag-usap.

Halos kalahating oras din akong nagtagal sa loob ng banyo at umiiyak. Maya-maya pa nakarinig ako ng katok doon.

"Sis... lumabas ka na wala na sila. At nagugutom na ako hindi kami makakain kasi wala ka pa, yung strawberry shortcake ko nasa baba na eh." makulit na sabi ni Shane sa labas ng pinto. Kahit mabigat ang loob napangiti ako, I'm really thankful that I have Shane. Alam nya kung kelan ako papangitiin. Agad akong lumabas at ng makalabas ako doon sinalubong nya ako ng yakap.

"I'm proud of you Best. Tama ang ginawa mo, wag mo hahayaan na saktan ka ulit nya. Kung karapatdapat nga sya then paghirapan nya. Don't worry sis everything will be okay soon. So smile for me baka pumangit ang pamangkin ko." Agad nyang sabi, napaluha naman ako at niyakap ito. Kung may tao mang mas nakakaalam ng nararamdaman ko ngayon si Shane yun. At sabay kaming bumaba at pumunta sa dining. Nang makita ko si Daddy natigilan ako. Pero agad din akong hinatak ni Shane. Umupo ako sa tabi ni Mommy habang katapat naman namin si Kuya Jet at Shane at sa gitna naman ni Kuya at Mommy si Daddy.

Masasarap ang nandoon at masayang kumakain si Shane, todo asikaso naman si Kuya dito, si Mommy naman nilalagyan ng food ang plate ko pero hindi ko gusto ang pagkain may gusto akong kainin, gusto ko ng fish fillet na may sawsawan na tinola. Kaya matamlay akong sumubo.

"Hindi... hindi mo ba gusto ang ulam? Magpapaluto ako... anong gusto mo?" Napatingin ako kay Daddy na biglang nagsalita... natigilan din si Kuya at Shane at ganon din si Mommy... Namasa ang mata ko pero pinigil kong umiyak... Ngumiti lang ako.

"May fish fillet ba tayo at... at tinola?" nahihiyang sabi ko. Agad naman tumayo si Daddy at pumasok sa kitchen natigilan naman kaming lahat. Nagalit ba sya? Agad namasa ang mga mata ko. Nagiging emotional na naman ako. Lumipas ang halos kalahating oras hindi pa din bumabalik si Daddy. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko na tila ba inaassure ako na magiging okay din ang lahat.

Ngumiti ako at yumuko ulit sa plate ko maya maya may nag-lapag ng isang platong puno ng fish fillet at isang mangkok ng tinola sa harapan ko. Nang tignan ko iyon, si Daddy.

"Natagalan maluto ang tinola, kaya natagalan akong makabalik." sabi ni Daddy sa akin agad akong tumayo at yumakap dito.

"I'm sorry Daddy for disappointing you again. I know I made a mistake I'm really sorry." umiiyak kong sabi kay Daddy. Agad naman akong niyakap ni Daddy.

"Shhh stop crying Princess... makakasama sa apo ang pag-iyak mo. And I'm the one who needs to say sorry. I'm sorry for everything. For not being a father to you for a long time. Patawarin mo ako anak, hindi pa naman huli para bumawi hindi ba?" naiiyak na sabi sa akin ni Daddy umiiyak pa din ako at ngumiti sa kanya.

"I love you Princess. And I'm so very proud of you. I know you are still managing your hotel even you are away... and I'm impressed na mas tumaas pa ang kita niyon nong hawak pa ng kuya mo ang hotel." natatawang sabi sa akin ni Daddy narinig ko naman umungol si Kuya at bumungisngis si Shane. Pinaupo na ako ni Dad at magana na kaming kumain.

I feel happy. Finally, nagiging okay kahit paano ang gusot sa buhay ko. Napaka-swerte ng anghel ko. At hinaplos ang tyan ko. 

THE END

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

the pink princess :)

When I Met You...Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin