Zeke!

874 34 2
                                    

Ericka’s POV

Gabi na at mukhang wala ng estudyante sa kani kanilang kwarto. Ako muna ang nagbabantay at nanlilibot bago pumunta sa kwarto ‘ko.

Palakad pa lang ako ay may nakuta akong isang lalaking nakaupo malapit sa dagat at napansin ‘ko ang kulay ng buhok niya.

White. Isa lang ang alam kong ganyan ang kulay ng buhok.

“ZEKE!”

Napalingon siya sa akin. Ngiti naman akong lumapit sakanya. Umupo ako sa tabi niya.

“Oh, Ericka. Ikaw pala!” Gulat na sabi niya.

Tiningnan ‘ko siya sa mata. Agad naman siyang umiwas.

“Yung tungkol kahapon.” Nakayukong sabi niya.

“Okay lang ‘yun. Pero sana sinabi mo agar sa akin.”

“Tama ka. Pasensiya ka na.” Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Napapikit ako sa ginawa niya. Walang malisya sa akin ang ginagawa ni Zeke dahil dati pa niya ginagawa ‘to sa akin.

Maya - Maya niyakap ‘ko ‘rin siya pabalik.

Humiwalay siya at inilahad ang kamay niya sa akin. Aabutin ‘ko ba sana ng may makita akong sa kanan niya.

Ang itsura niya kapag... Hindi ‘ko alam pero nakakatakot.

“Ericka, bakit? May problema ba?” Nagaalalang tanong ni Zeke. Umiling ako at tinanggap na ang kamay niya.

Lumapit kami sa tabing dagat at tinitigan ang paglubog ng araw. Lumalandas sa akin ang liwanag ng araw.

“Di ‘ba maganda?”

“Oo nga.” Napakapit ako kay Zeke ng lumapat ang tubig sa hita ‘ko. Grabe, ang lakas naman ng alon tapos sobrang lamig pa nito.

“Ang lamig.” React ‘ko at tumalon. ‘Yan tuloy dahil sa katangahan ‘ko nabuhat ako ni Zeke ng pa bridal style.

Narinig ‘ko ang mahinang pagtawa ni Zeke pero napalitan ‘yun ng naging mapula ang kanyang mga mata. Bigla niya akong binitawan dahilan para mahulog ako.

“Aray!”

Nilapitan ‘ko si Zeke na ngayon at nakasandal sa pader na malapit sa akin habang hawak ang kanyang leeg. At halata sa mukha niya ang pagkauhaw. Mukhang wala along magagawa.

Lumapit ako sakanya at lumuhod para mapantayan siya. Inilapit ‘ko ang ulo niya sa leeg ‘ko. Mukhang nagulat siya pero wala akong magagawa kailangan niya ‘tong gawin.

“Inumin mo ang dugo ‘ko.”

“Bakit, Ericka?” Gulat na tanong niya. “Inumin mo na. Alam kong uhaw na uhaw ka na. Kaya please Zeke naman inumin mo na ayaw kitang mawala.”

Tumango siya at inalabas ang kanyang pangil. Niyakap niya ako. May binulong siya bago niya akong tuluyang kagatin ang leeg ‘ko.

“Patawarin mo ako, Ericka.”

Nakatingin lang ako sa pader sa itaas namin habang unti unti niyang sinipsip ang dugo. Uhaw na uhaw siya. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko hindi sa sakit dahil ito kay Zeke.

Lalo niyang ibinaon ang pangel niya sa leeg ‘ko. Mahigpit Kong hinawakan ang kanyang t shirt.

Maya maya ay humiwalay na siya sa akin punas punas ang bibig niya na punung puno.

May bumagsak na luha sa kanyang mga mata at bigla akong niyakap.

“Pasensiya na Ericka. Pasensiya na.” Ngumiti ako. “Wala ‘yon.”

Long lost Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon