Jealous

916 43 2

Ano kayang susuotin 'ko? Itong puti o itong pula?

Namimili kasi ako ng swimsuit na susuotin 'ko sa beach, hindi 'ko alam kung alin dito sa dalawa ang maganda. Parehong maganda, pero siyempre isang lang ang pwede kong suotin.

Siguro ito na lang red. Oo nga, mukhang kulay rose ang swimsuit na 'to eh.

Hinubad 'ko na ang damit 'ko at sinuot 'yung swimsuit. Humarap ako sa salamin. Wow, ang sexy 'ko. Talaga sexy na 'ko since birth. Joke!

"Ericka." Si Zeke 'yun ah.

"Bakit?" Tanong 'ko. "Pwedeng pumasok?"

Hindi ako sumagot pero lumapit ako sa may pinto at binuksan 'yung pinto. "Pasok ka." Binuksan 'ko ng naluwang 'yung pinto para makapasok siya.

'Nung makita niya ako ay bigla siyang pinagpawisan. Nakita 'ko kasi na may tumulong isang butil ng pawis sa noo niya. Bakit kaya?

Namula ako ng tumingin siya dibdib 'ko, agad 'ko namang tinakpan 'yon. At tumingin sakanya ng masama.

"Bastos."

Mukhang hindi na siya tulala at bumalik na sa dati.

"Sorry, ang ganda mo kasi sa suot mong swimsuit." Puri niya. Lalo naman akong namula. Walanghiya 'to. Bastos pa. Pero maganda raw ako.

Utak: Nangangarap ka na naman ng gising.

Puso: Naniwala ka na naman.

Ang sasama niyo naman. Ngayon nga lang na may nagsabi sa akin na maganda ako, aasarin niyo pa 'ko. Gusto 'ko munang maging assumera.

Okay, back to the reality.

Iniwas 'ko ang tingin 'ko sakanya.

"Pogi ka 'rin sa suot mo. Pwede bang hubarin mo na ang t - shirt mo at maligo na tayo sa beach."

"Oo nga pala." Napakamot na lang siya ng ulo at hinubad ang t - shirt niya. Pagkatanggal pa lang niya ay parang lumiwanag ang paligod 'ko.

Naging ginto 'yung paligid 'ko. Ang galing naman.

Nabalik lang ako sa realidad ng tawagin ni Zeke. "Ericka, kinakausap kita."

"Anong sabi mo? Pwedeng pakiulit?"

"Ang. Sabi. 'ko. Aalis. Na. Tayo. At. Magswi - swimming. Na. Tayo. Sa. Beach." Ulit niya. Kailangan pa ba niyang diinan ang sinasabi nila?

Binatukan 'ko nga. "Aray! Bakit mo 'ko binatukan?" Tanong niya habang hinihimas 'yung parteng binatukan 'ko kanina lang.

"Eh, hindi mo naman kasi kailangan diinan 'yung sinasabi mo. Naiintindihan po kaya kita."

Napakamot na lang siya ng ulo. "Sorry naman po." Ginaya pa niya si Chichay sa got to believe. Bakla ba 'to? Waaah! Baka nga.

May bakla akong bestfriend!

"It means bakla ka!" Gulat na tanong 'ko habang tinuturo siya. Nabigla naman ako ng bigla siyang tumawa pero mas malakas 'iyon ngayon.

"Hindi ako bakla, tara na nga. Baka halikan kita diyan."

*Pout* "Sige na nga tara na." Hinatak 'ko na siya papalabas at pumunta sa dagat, pero hindi muna ako naligo dahil magsu - sunblock muna ako. Baka mangitim ako nito. At akala mo pagka - ahon 'ko mukha na kong nognog.

Tapos na! Pagkalagay 'ko ng sunblock ay tumakbo ako papunta sa dagat at lumusong.

Err... Grabe ang lamig. Nagiginaw agad ako.

Kaya umahon agad ako. Nabigla naman ako ng lahat ng mga lalakeng estudyante ay nakatingin sa akin. At tinitingnan ako hanggang ulo.

"Grabe, sexy pala ni Ericka 'no?"

"Oo nga. Akala 'ko 'nung una flat chested siya pero hindi pala."

"Siya na siguro ang pinakasexy na kaklase natin."

"Nagla - laway 'ata ako ngayon."

"Perfect body."

Mga bastos 'to ah.

Hindi na ako nagalinlangan na takpan agad ang dibdib 'ko at pumunta agad sa gawi ni Zeke. Ng may nakabunggo akong isang lalaking matangakad at mahaba ang buhok.

Si....

"Nate?!" Gulat na sabi 'ko habang hinahawakan ang ulo 'ko na ngayon ay kumikirot na ng konti dahil sa pagtama nito sa abs ni Nate, na sobrang tigas!

At ang sakit!

"Harang - harang kasi." Nabigla ako ng bigla niya akong tinulak. Inaakala kong mararamdaman kong mababagsak ako ng may biglang sumalo sa akin.

"Zeke?" Banggit 'ko pa sa isa. Nakatingin ito ngayon ng masama kay Nate.

Nakakatakot sila. 'Yung tingin nila aakalain mong may laser na tatama sakanila. Nakakakilabot at nakakatakot ang binibigay nilang tingin sa isa't isa.

Nag - aaway ba sila ng dahil sa akin? Ano ba 'yan, kung anu - ano na ang iniisip 'ko. Lagi na lang akong umaasa sa wala. Ganun naman talaga eh.

Wala na akong nagawa at ako na ang humarang sa gitna nila. Eh 'yung mga taong nakapaligid sa amin eh mukhang walang balak na pigilan ang dalawang ito.

"Pwede ba itigil niyo na nga 'yan?"

"Tsk." Sabi ni Nate at tuluyan ng umalis. Sinundan 'ko siya ng tingin.

"Ayos ka lang ba, Ericka? May masakit ba sa'yo?" Nag - aalalang tanong niya. Agad naman akong umiling at napakamot ng ulo.

"Wala 'yun. Oh, tara swimming na lang tayo." Aya 'ko.

Binigyan niya ako ng isang ngiti at hinatak ako papalapit sa dagat. Gusto 'ko munang kalimutan ang nangyari ngayon.

• • • • •

Ano ba 'yan naiinip na agad ako. Parang akala mo nag - exercise ako at nagbuhat ng mga mabibigat na bagay kaya masakit ang likod 'ko.

Pero sa pagkakaalam 'ko, wala naman.

Humiga ako saglit sa kama 'ko at pinagmasdan ang itaas ng pader.

Naglakad ako papuntang kwarto na sana ni chairman ng bigla kong nakita si Zeke na nakaupo sa sahig malapit lang sa binatana.

Paano naman siya napunta 'dun?

Ba't parang nanghihina siya?

Nilapitan 'ko siya at lumuhod para makapantay siya. Nakatitig lang siya sa akin, dahilan para mangatog ako at makaramdam ng takot.

'Yung titig niya mahirap tingnan. Nakakailang at nakakatakot.

Walang taong kayang makipagtitigan sakanya ng ganyan. Wala, maski ako.

Nabigla ako ng hatakin niya ako papalapit sakanya at inilapit ang mukha nito sa leeg 'ko.

Ramdam 'ko ang mabango niyang hininga sa leeg 'ko.

At walang sabing...

.

.

.

Kinagat 'yung ng pangil niya na kinalaki ng mata 'ko.

Isa lang ang pwedeng itawag sa mga taong sinisipsip ng dugo ng isang tao.

Isa siyang vampira?!

Long lost Vampire QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!