Nate

784 27 1

Ericka's POV

"Sorry talaga..."

"Sabi ng okay lang 'yun eh. At least nailigtas pa kita di 'ba?"

Napangiti siya at hinalikan ang noo 'ko.

"Nagpapasalanat ako at naging kaibigan kita, Ericka." Sabi niya habang nakangiti.

Maya - maya ay bumalik na kami sa aming dorm. Hinatid 'ko muna si Zeke, saka ako umalis.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong 'ko si Nate na nakapamulsa.

'Nang makita niya ako ay bigla siyang huminto pero kung titingnan mo wala kang makikitang kahit na anumang reaksiyon.

"Nate," Bati 'ko. Nabigla ako nang higitin niya ako at niyakap. Hindi pa 'din ako makapaniwala. Ang Nate na matagal 'ko nang iniibig ay biglaan akong niyakap!

Inilapit niya sa tenga 'ko ang mukha niya at bumulong. "Akin ka lang Ericka. Tandaan mo 'yan."

Sakanya lang daw ako? Eh ni hindi niya nga mahalata ang presence 'ko dahil sa kamanhidan niya.

Hindi ako nakasagot at nag pumiglas sa yakap niya.

"Nakita 'ko kayo ni Zeke na magkasama. At nagawa ka pa niyang kagatin na ako dapat ang gumawa." Tinanggal niya ang band aid ng hindi 'ko man lang namamalayan.

Tinakpan 'ko naman agad 'yun gamit ang kamay 'ko. Pero bigla niya itong inalis.

"Ang dugo ng isang katulad mo ay kakaiba, Ericka."

Nalilito ako sa sinasabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong 'ko.

"Malalaman mo 'rin sa tinakdang panahon. Kung saan magigising ang isa mo pang katauhan." Huling sabi niya bago umalis.

Anong isang katauhan? Hindi 'ko talaga alam ang ibig niyang sabihin.

Pero sabi niya sa tinakdang panahon daw gigising 'yon.

Bahala na nga. Wag 'ko munang isipin 'yun. Naiistress lang ako. At saka isa pa marami pa akong aasikasuhin dahil isa ako sa tagapag bantay ng bahay bakasyunan naminng lahat.

Naawa ako sa kalagayan ni Zeke ngayon. Kailangan araw - araw akong nakasubaybay sakanya kasi baka makaramdam siya ng uhaw.

Hanggang ngayon hindi pa 'din mawala sa isip 'ko ang mga sinasabi ni Nate sa akin. Parang confused pa 'din ako hanggang ngayon.

Alien ba 'ko para magpalit anyo? Tsk, siguro binibiro lang ako ni Nate kasi gusto niyang makaganti? Sama talaga ng ugali 'nun.

"Lalabas daw ang isa Kong katauhan. Tsk, hindi ako naniniwala diyan."

"Ericka..."

Aray. Parang may kung ano akong narinig.

Napahawak ako ng ulo sa sobrang sakit.

Ano bang nangyayari sa akin? Ba't ako nagkakaganito?

"AHHHH!" Malakas na sigaw 'ko.

"Ericka!" Si Nate.

"Nate... ang sakit ng ulo 'ko."

"Mukhang ito na ang oras ng pagkagising mo Ericka," Sabi niya at ipinatong ang kamay niya sa ulo 'ko dahilan para mapapikit ako.

Nate's POV

Ito na ang araw na pagkagising ni Ericka. Binuhat 'ko siya at balak ng umalis ng may pumigil sa akin.

"Nate! San mo siya dadalhin?" Tanong ni Zeke.

"Wala ka ng pakielam." Sagot 'ko at umalis.

Ericka's POV

'Nung dumilat ako ay nakita 'ko ang madilim na kaulapan. May tumulong snow at bumaba ito sa kamay 'ko.

"Snow," Sabi 'ko.

Nilagay 'ko ang kamay 'ko sa dibdib 'ko.

"Ericka," Si Nate.

Long lost Vampire QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!