The Awaken

1.2K 51 26

Ericka's POV

"Ericka,"

"Ito na ang tinakdang panahon para gumising ka. Ang aking Reina."

Ipinikit 'ko ang mga mata 'ko. Naramdaman 'ko ang hininga ni Nate sa leeg 'ko.

Hanggang sa naramdaman 'ko na ang pangil niya na kumagat sa leeg 'ko.

Napapitlag ako ng naramdaman 'ko na bumabagsak ang dugo 'ko.

"Nate wag..." Tinakpan niya ang aking bibig at ipinagpatuloy ito.

Tiningnan 'ko siya. Nakakagat sa akin ang pangil niya. Nate, ito na ba talaga ang gusto mo?

Kung 'yun nga payag ako.

Nate's POV

"Ericka, poprotektahan kita." Sabi 'ko.

Kinuha 'ko ang dugo 'ko at binigay sakanya gamit ang paghalik 'ko. Bumagsak ang dugo sakanyang mga bibig.

"Ericka, ito na ang muling pagkagising mo sa tinagal ng iyong pagtulog." Sabi 'ko at pinunasan ang luha sakanyang mga mata.

"Nate..." Napatingin ako Kay Ericka na gising na.

Hinawakan niya ang pisngi 'ko. Napapikit ako at inilapit ang noo 'ko sa noo niya.

"Nate, ang ka-." Hindi na niya naituloy ng naramdaman 'ko ang baril na nakatutok sa akin.

Si Zeke.

"Anong ginawa mo kay Ericka?" Galit na tanong niya.

Napangiti na lang ako habang nakatutok sa akin ang baril ni Zeke.

"Zeke, wag mo siyang sasaktan. Dahil ... dahil si Nate ay ang nakakatanda kong kapatid." Sabi ni Ericka bago siya nahimatay.

Nakita 'ko kung paano ang naging reaksiyon ni Zeke sa nalaman niya.

"Kapatid..."

"Oo, kapatid 'ko siya. Pero balang araw pakakasalan 'ko siya at magiging asawa. Dahil si Ericka ang totoong Kuran at hindi ako." Sabi 'ko at binuhat si Ericka saka umalis.

Ericka, ang pinakamamahal kong Ericka Kuran.

Long lost Vampire QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!