Our Fieldtrip {1}

998 36 3

"Ready ka na, Zeke?" Tanong 'ko.

Tumango siya at bumaba na ng hagdan. Naglakad kami patungo sa kotse at umalis. Nakatingin lang ako sa side mirror. Tulala lang ako.

"Nathan..." Nilagay 'ko ang kamay 'ko sa tapat ng dibdib 'ko.

"Ayos ka lang ba, Ericka?" Tanong niya at napatingin sa akin. Ngumiti lang ako sakanya. "Oo naman." Tumango ako at binalik ang tingin sa labas.

Pagkababa namin ay kinuha na niya ang mga gamit namin sa likod at pumasok sa loob. Yumuko ako at tiningnan ang dalawang kamay 'ko.

May nakita making bus, siguro 'yun na 'yun. Pumunta kami patungo 'dun.

"Ito na po ba 'yung bus?"

"Oo kaya, pumasok na kayo at malapit na 'rin tayong umalis."

Tumango ako at pumasok na 'rin sa loob. Marami na 'ring palang estudyante dito sa loob. At nakita kong may nakaupo ng babae sa tabi ni Nate.

Siyempre babae lang ang pwedeng katabi niyan. Playboy nga eh.

"Dun na lang tayo umupo." Turo ni Zeke sa pinakalikod, sakto namang walang nakaupo 'dun kaya 'dun na lang kami umupo. Inilapag na ni Zeke ang mga gamit namin sa katabi naming upuan.

Tumingin ako sa gawi ni Nate na nakikipag - tawanan sa katabi nitong babae.

Ito na naman tayo...

Nabigla ako ng hinatak ako ni Zeke dahilan para mapasandal ako sakanya. "Bakit, Zeke?" Tanong 'ko.

"Ang landi talaga ng babaeng 'to. Pati ba naman si Zeke loves pinapatulan niya."

"Kapal lang ng face."

"Masasabunutan 'ko ang babaeng 'yan kapag hindi ako nakapag - pigil."

Inilayo 'ko ang sarili 'ko sakanya pero pinigilan niya ako. Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Hayaan mo sila." Sabi niya. Tumango na lang ako.

"Matulog ka na lang diyan at mahaba pa ang biyahe."

Pinikit 'ko ang dalawa kong mata at natulog.

{Ericka's dream}

10 years ago...

Naglalakad ang isang batang nasa sampung taong gulang lang sa isang malamig na kagubatan. Gabi na at nakakatakot maglakad sa kagubatang 'yun.

Vampire...

"Vampire..."

Kakainin ka nila at sisipsipin ang dugo mo.

"Sisipsipin?" Takang tanong 'nung bata.

May lumapit sakanya isang lalaking pula ang mata at may mga pangil.

"Sisipsipin 'ko ang dugo mo." Takot siyang umatras habang lalong lumalapit sakanya ang bampira.

Long lost Vampire QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!