Scared?

918 34 2

Ericka’s POV

Tok! Tok! Tok!

Sino ba ‘yun? Kay aga - aga eh, nang - aabala. Anong oras na ba?

7:00 am! God, late na ako. Tiningnan ‘ko sa kabilang higaan ang mahimbing na natutulog na si Nate, ang gwapo niya kahit tulog.

Tok! Tok! Tok!

“Ms. Ramos and Mr. Salvador, kakain na!”

“Opo, Ma’am. Susunod na po kami.” Sunod ‘nun ay wala ng kumakatok.

Hay, salamat. Dumiretso ako sa banyo para mag - hilamos ng mukha at makapag - sopilyo na ‘rin para hindi ako bad breath ngayong araw.

Pagkatapos kong mag - linis ay lumabas na ako at nilapitan si Nate.

Niyugyog ‘ko ang katawan niya para gisingin siya. “Nate, gising na. Kakain na raw sabi ni Ma‘am.” Sabi ‘ko habang niyuyugyog ang katawan niya.

“Hmmm... Wag kang maingay, mauna ka na. Susunod na lang ako, inaantok pa ako.”

“Hindi pwede. Kaya bumangon ka diyan.”

Nanlalata siyang bumangon at paikot - ikot na nagla - lakad papuntang banyo. Mukhang kulang sa tulog itong ka - room mate ‘ko ah? Ano kayang ginawa ‘nun at mukhang puyat?

Umupo muna ako sa kama niya at hinintay siyang matapos.

Tumayo na ako ‘nung nakalabas na siya ng banyo. Napanganga ako sa nakikita ‘ko ngayon.

Ba’t ba ang gwapo niya kahit bagong gising lang? ‘Yung mata niya walang dumi, ‘yung ngipin niya puti at walang kahit maliliit na tartar o tinga. Hindi ba siya nagkakaroon ‘nun buong buhay niya? Kahit tapos na siyang kumain, hindi pa ‘rin siya nagkakaroon? Wow lang.

“Tutulala ka lang ba? Sige, mauna na ako ha.” Paalam niya. Lumabas na agad siya.

“Teka lang, hintayin mo ‘ko.”

Tumakbo na ako papalapit sakanya. Hindi ako pumantay kundi ako ang nasa likod siya ang nasa harap. ‘Yun naman ang lagi kong formation eh.

‘Nung nakarating na kami sa Reef ay umupo ako sa tabi ni Zeke at siya sa babae niya.

“Late ka ‘atang gumising.” Gulat na sabi ni Zeke. Alanganing akong ngumiti. “Oo nga eh, puyat ako.” Napakamot ako sa ulo ‘ko dahil sa kahihiyan.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo. “San ka naman pupunta?” Tanong ‘ko.

“Kukuha kita ng pagkain mo.”

Tumango ako at ngumiti. Tumingin ako sa gawi ni Nate na nakikipag - tawanan sa mga babaeng foreigner na katabi niya lang sa upuan.

Sigh.

Playboy talaga ang lalakeng mahal ‘ko...

Naramdaman ‘ko ang pag - upo ni Zeke sa upuan. Ngiti niyang binigay sa akin ang pagkain. Teka, ba’t ang dami ‘ata ng pagkaing nilagay niya dito?

“Ang dami naman nito.” Nakasimangot na sabi ‘ko. Napatawa siya sa sinabi ‘ko dahilan para lalo akong sumimangot. Nang - aasar pa. “Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ‘ko?”

“Nakakatawa lang kasi mukha mo, parang papatayin mo ‘ko sa titig mo eh.”

“Kumain na nga lang tayo.” Inirapan ‘ko siya saka kumain.

Naalala ‘ko na naman ang nangyari kahapon, kung paano naging pula ang mga mata ni Nate at kung paano niya ako tinitigan ng ganun.

‘Nung time na ‘yun...

.

.

.

.

.

Nakaramdaman ako ng takot sakanya.

‘Yun ang mga matang nakita ‘ko 10 years ago, at ngayon ‘ko lang ulit nakita. Makalipas ang sampung taon.

Pero pinaka - nakakatakot ay ‘yung tinitigan niya ako, tinitigan ako ng kanyang mapupulang mga mata. Ang mga mata ng mga bampira.

Natatakot ako sa mga bampira dati, pero ‘nung time na niligtas ako ni Nate sa mga bampira ay habang tumatagal ay unti - unti ng nawawala ang takot sa dibdib ‘ko.

Tumigil ako sa pagkain ng may nagpakitang isang babae sa isip ‘ko.

Nanginig ako bigla at napahawak sa ulo ‘ko. Ba’t ang sakit? Ano ba ‘yun? At sino ‘yung babae? Ano bang kaiangan nila sa akin, ano bang meron ako?

“May problema ba, Ericka? Ba’t ayaw mong galawin ang pagkain mo?” Tanong niya. Umiling ako at ngumiti sakanya. Tiningnan ‘ko ang pagkaing nakahain sa akin ngayon.

Si Nate...

Si Nate ang naging daan ‘ko para makilala ang mundong ‘to...

Si Nate ang taong nasa tabi ‘ko...

Pero paano naman si Zeke? Hindi ‘ko ‘rin alam, kung paano si Nate.

Sino ba ang pipiliin ‘ko? Si Nate na mahal ‘ko o si Zeke na bestfriend ‘ko?

•     •     •     •     •

Hindi ‘ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Bakit nagpapa - kita sila sa akin? Ano ba talaga ang meron ako at nangyayari ang mga ganito?

Tinapat ‘ko ang kamay ‘ko sa tapat ng aking dibdib.

“Nate... Zeke...” Banggit ‘ko sa mga pangalan nila. Hindi ako makapag - isip. Medyo masakit na ang ulo ‘ko.

Tumayo ako at naglakad papuntang binatana. Marami na palang nagswi - swimming sa beach. Ako, bukas na lang siguro magswi - swimming, tinatamad ako ngayon. At walang lakas para lumangoy.

I smiled sadly.

Tumayo ako at lumabas na muna. Ayoko ng magkulong sa kwarto. ‘Di pwedeng lagi na lang ako nakakulong dito. Aakalain nilang patay ako.

Balak kong pumunta kay Zeke baka sakaling andun siya para damayan ako.

Long lost Vampire QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!