Vampire

927 36 0

Zeke’s POV

Pagpasok ‘ko sa kwarto ‘ko ay agad ‘ko itong nilock at umupo sa kama.

*Tug, Dug, Tug*

Hinawakan ‘ko ang leeg ‘ko at naging pula ang mata ‘ko.

{Flashback}

‘Nung nasa labas kami ni Ericka ay may bigla akong naramdaman na kung ano sa loob ‘ko. Nasa likod niya ako kaya kita ‘ko ang makinis nitong leeg, nakaramdam ako ng uhaw.

Hindi ‘ko ipinahalata sakanya ang nararamadaman ‘ko at hinalikan na ang pisngi niya at agad umalis.

{End of flashback}

Kinapa ‘ko ang uniform ‘ko at kinuha ang isang tableta na iniinom ng bampira para wala ang uhaw nila sa dugo kahit konti.

Kumuha ako ng tubig at nilagay ang tableta ‘dun. Naging pula ang tubig.

Kinuha ‘ko na ‘yon at mabilis na ininom. Bakit kaya bigla akong nauhaw sa dugo?

Ano kayang meron kay Ericka?

Nawala na ang pagka - uhaw ‘ko sa dugo pagkatapos kong inumin ang tableta.

Humiga ako at pinatong ang braso ‘ko sa noo ‘ko at pumikit.

Nilagay ‘ko ang daliri ‘ko sa loob ng bibig ‘ko at hinawakan ang pangil ‘ko. Nangyari ang trahedyang ‘yun dahil sa babaeng ‘yun.

Siya any dahilan kung bakit ako naging ganito.

Hindi alam ni Ericka na bampira ako. Walang nagsa - sabi sakanya. Kasi ayaw kong malaman niya ang mala demonyo kong anyo kapag naging bampira ako.

Ericka’s POV

Tumayo ako at tumingin sa bintana. Mag - gagabi na ‘rin pala. Parang ang bilis ‘ata ng oras, tanghali lang naman ‘nung dumating kami dito.

Ano na kayang ginagawa niya?

Tok! Tok!

Sino naman kaya ‘yun? Bumukas ‘yun at bumungad sa akin ay si Ma'am. “Baba ka na at kakain na ‘rin.” Napatingin siya sa kama ni Nate.

“Nasaan si Nate?”

“May pinuntahan lang po.” Sabi ‘ko habang nakangiti. “Ganun ba. Bumaba ka na ha.”

“Opo,” Sinarado na ni Ma’am ‘yung pinto. Nagbihis muna ako bago bumaba.

Pagkababa ‘ko ay pumunta na ako sa room kung saan kami kakain. Kumaway sa akin si Zeke. Napangiti ako at lumapit sakanya, umupo ako sa tabi niya.

Prente akong umupo sa tabi niya.

Maya - maya dumating na ‘rin ang pagkain namin. Madami ‘yun at puro masasarap kung titingnan. At lahat ay takam na takam, bumod sa amin ni Zeke.

Si Nate nakaupo at may kasama na namang ibang babae, lagi naman eh. Walang araw na wala siyang kasamang kung anu - anong babae.

Nakakainis naman siya. Talagang pinapakita pa niya sa akin. Gusto niya talaga akong masaktan ‘no?

Ano bang nagawa ‘ko Lara ganyanin niya? Ano bang masama kong ginawa?

Di’ba wala naman?

Yumuko na lang ako at tiningnan ang pagkain. “Anong problema Ericka?” Tanong ni Zeke. Ngumiti na lang ako at kumain.

“Ito oh, gusto mo?”

“Salamat.”

Ngumiti ako at binalik ang tingin sa pagkain. Ang bait talaga ni Zeke.

Maya - maya pagkatapos naming kumain ay nagsi - tayuan na making lahat. “Pwede na kayong bumalik sa mga kwarto niyo.”

“Opo, Ma’am.” Sagot namin.

Hindi na muna kami bumalik ni Zeke dahil babantayin muna namin ang mga estudyante at ichecheck kung lahat sila at nakapasok na sa kwarto nila.

Ako sa isang building, sa night class. Si Zeke sa day class naman.

Tinitigan ‘ko ang lahat ng kwarto at wala ng tao sa labas. Kaya tapos na ang pagba - bantay ‘ko. Tumungo na ako sa kabilang building kung nasaan si Zeke.

“Zeke, tapos ka na?” Tanong ‘ko. “Oo, tara na.” Hinatak na niya ako at hinatid sa room ‘ko.

“Salamat talaga.” Pumasok na agad ako sa loob at nakita ‘ko na naman na wala si Nate. San na namang lupalop pumunta ‘yang si Nate? Hay, bahala na.

Umupo ako sa kama. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa banyo. Sino ‘yun. Nilabas ‘ko ang sandatang ginagamit ‘ko sa mga bampira.

Unti - unti akong lumapit sa loob ng banyo. Pero pagkatapos kong makita ay tila nagulat ako sa nakita ‘ko.

Si Nate...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nakatuwalya lang at kita ang maganda nitong six pack abs.

Namula ako sa nakikita ‘ko. Ang ganda ng katawan niya, mala - adonis. Nakakainlove. Magkakandarapa lahat ng babae kapag nakita nila ‘yan.

Hindi ‘ko napansin na tinitingnan pala niya ako. Iniwas ‘ko na lang ang tingin ‘ko. Baka may mangyari. Ayoko munang maging blank.

Hindi ‘ko na siya tinitingnan hanggang sa tapos ng pagbihis niya. Saka ‘ko na siya tiningnan ‘nung naglakad siya papuntang sa bintana.

Tumayo ako at balak siyang lapitan, kaya nga lang hindi na natuloy dahil ‘nung napatingin ako sa mata niya ay naging pula na ang kulay.

Umatras ako ng kaunti sakanya. Kinapa ‘ko ang higaan ‘ko at kinuha ang sandata ‘ko at tinago ‘yun sa likod ‘ko ng hindi niya napapansin.

Lalong humigpit ang hawak kong panlaban sa mga bampira ng lumapit sa akin si Nate habang ang mata pa ‘rin niya ay kulay pula. Napatingin siya sa leeg ‘ko, agad ‘ko namang tinakpan ‘yon.

“Nate...”

Tumalikod siya at humiga na sa kama niya. Humiga na ‘rin ako at tumalikod ng higa dahil ayoko muna siyang kaharap, naiilang kasi ako. At saka pa hindi ‘ko kayang makipag - titigan sakanya, baka maging jelly na lang ako dito.

Naalala ‘ko pang si Nate ang nag - ligtas sa akin 10 years ago, pero hindi ‘ko alam kung bakit nag - iba ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Nakakapagtaka talaga.

Pero kahit ganun mahal ‘ko pa rin siya.

Long lost Vampire QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!