Ericka

2.8K 55 1

Ericka’s POV

Maaga akong gumising para hindi ako malate sa pagpasok at ayokong mahuli baka pagalitan ako ni Maam. At saka isa pa hindi ‘ko pa nararanasan ang mahuli dahil araw - araw akong gumigising ng maaga.

Hindi ako katulad ng mga taong tamad pumasok.

Kasi... Gusto kong makapag - tapos ng pag - aaral at maipag - malaki ang sarili ‘ko sa mga tao.

Hindi nila alam na sobrang naghi - hirap ang mga magulang natin para mapag - aral lang tayo at makapag - tapos ng pag - aaral, kaya pinagbu - butihan ‘ko ang lahat ng subjects ‘ko.

Oo nga pala, hindi pa ako nagpapa - kilala sa inyo. Ang pangalan ‘ko pala ay Ericka Mae Ramos. You may call me Ericka or Mae if you like. Nerd ako at manang ‘din kung manamit pero tanggap ‘ko ‘rin lahat ng panlalait nila sa akin.

‘Nung umpisa hindi pa ako sanay sa pang - aasar nila kasi transfer lang ako ‘nun, pero lumipas ang taon ay unti - unti ‘rin ako nasasanay sakanila.

Wala naman masamang maging nerd di’ba? I love reading books.

May nagugustuhan akong lalake, matagal ‘ko ng gusto ‘yun. Pero ang problema, ayaw niya sa akin. Ayaw niya sa isang katulad ‘ko.

Pero kahit ganun, hindi pa ‘rin mawala ang nararamdaman ‘ko sakanya.

Kasi nga I love him, so much...

Wala akong pag - asa sa isang katulad niyang. Gwapo, campus heartthrob, at siyempre habulin ng mga babae. Cassanova ‘rin siya.

Kasi araw - araw ‘ko siyang nakikitang may kasamang babae.

At masakit ‘yun sa para sa akin.

Lagi lang akong nakatingin sa malayo para lang makita siya. Sikreto ‘ko ‘rin siyang sinusundan kung saan siya pumupunta.

Tawagin niyo na akong ‘stalker’ wala akong pakielam. ‘Yan ang nagagawa ng ‘pagmamahal’.

Gagawin mo lahat para lang sa taong mahal mo.

“BESTY!” Tawag ni Daisy sa akin. Kumaway ako sakanya para malaman na andito ako. Hinihingal naman siyang pumunta rito.

“San ka ba pumunta?”

“Dito lang ako, tinitingnan sa malayo si Nathan.”

Sumimangot siya ‘nung binanggit ‘ko ang pangalan ni Nate. Ayaw niya kasi ‘dun, playboy daw kasi at walang modo, pinagla - laruan daw ang mga babae.

Umupo siya sa tabi ‘ko. “Sumuko ka na sakanya. Alam mo namang sa dulo, masasaktan ka lang.” Sabi niya at sinandal ang ulo niya sa balikat ‘ko.

“Alam mo namang mahal ‘ko siya di’ba, kaya hindi ‘ko ‘yun magagawa.”

Ngumiti na lang ako ng mapait. Totoo naman kasi ‘yun, halos araw - araw ng sinasabi sa akin ‘yun ni Daisy pero lagi na lang akong tumatanggi.

Mahal ‘ko ‘yung tao eh.

Nagla - laro ngayon si Nate ng basketball ‘dun sa court. At nakaupo kami ni Daisy sa isa sa bench na malapit keyla Nate. Ayaw kong malayo sakanya.

Namula ako ng tumingin sa gawi ‘ko si Nate. Napangiti ako dahil ‘dun.

Tiningnan niya ako!

“Tiningnan niya ako Daisy!” Masayang sabi ‘ko na halos magta - talon ako sa tuwa. “Huminahon ka nga diyan. Para ‘yun lang eh.”

“Para sa’yo wala lang, pero para sa akin big deal ‘yun.”

Sigh.

Narinig ‘ko ang pag - buntong hininga niya. Ano na naman bang problema?

“Tingnan mo ‘yun.” Turo niya sa gawi ni Nate.

Nagulat naman ako sa nakita ‘ko. Si Nate may kahalikang babae. ‘Yun ba ‘yung sinasabi ni Daisy? ‘Yung pangyayaring nakikita ‘ko ngayon?

Ang sakit pala...

Para kang tinutusok ng libo - libong karayom sa puso mo.

Iniwas ‘ko ang tingin ‘ko ‘dun at hinatak si Daisy.

“Sabi ‘ko naman sa’yo eh...” Pinikit ‘ko ang mga mata ‘to habang nagla - lakad at pinipigilan ang pag - landas ng luha ‘ko. At puso kong nasasaktan ngayon.

‘Nung makarating na kami sa banyo ay saktong nagsi - tuluan ang luha na kanina ‘ko pa pinigilan.

Nararamdaman ‘ko ang kamay ni Daisy sa likod ’ko at patuloy na hinahagod ‘yun.

“Ang sakit pala...”

“Shhh... Tahan na, besty.”

To be continued...



Long lost Vampire QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!