You are a Vampire?

800 31 0

Ericka's POV

Nanlaki lang ang dalawang mata 'ko at hindi pa 'rin makapaniwala sa mga nangyayari.

Napahawak ako sa leeg kong kakagat niya lang. At siya naman abala sa pagpu - punas ng bibig niya punong - puno ng dugo na nanggaling mismo sa leeg 'ko.

Hindi ako makapaniwala na isa siyang bampira.

Ba't niya inilihim 'yun sa akin? Bakit?

Nate's POV

"Paano si Ericka?" Tanong 'ko.

Kaharap 'ko ang chairman ng school at tinatanong ang tungkol kay Zeke..

Alam kong hanggang ngayon hindi pa 'rin alam ni Ericka ang totoong nangyari. Hindi niya alam na si Zeke na kaibigan niya ay isa palang bampira.

"Sa tamang panahon, malalaman 'din ni Ericka ang totoo."

Tumango ako.

May naamoy akong pamilyar na dugo. Kay Ericka 'yun ah. Tumingin ako kay chairman pero wala akong nakikitang kahit na anumang reaksiyon.

Pero kita 'ko sa mata niya ay napakaseryoso.

Agad kong pinuntahan si Ericka na ngayon ay tulala lang. Nilapitan 'ko siya. Pero bago 'yun nakita kong nahimatay siya kaya sinalo 'ko siya. At tumingin kay Zeke.

"Nate..." Sabi ni Ericka bago siya mawalan ng malay.

Ericka's POV

Bigla akong nanghina kaya nabagsak ako pero may naramdaman akong kamay sa likod 'ko.

Tiningnan 'ko kung sino ang sumalo sa akin.

"Nate..."

Then everything went black.

Nagising ako sa isang sofa. Teka, nasaan ba 'ko.

'Nung dumilat ako ay laking gulat 'ko na nasa tabi 'ko kaagad si Nate. Dahil sa gulat at mabilis ako napabalikwas ng bangon at napaupo sa sofa.

"Buti at gising ka na." Sabi niya sabay irap. Ngumiti na lang ako at napakamot ng ulo.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Hinawakan 'ko ang leeg 'ko at may naramdaman na band - aid na nakadikit 'dun.

Naalala 'ko kung paano ako kinagat ni Zeke. Kani - kanina lang 'yun.

"Nate, nasaan si Zeke?"

"Magpahinga ka muna. Wag mo na siyang alalahanin nasa kwarto na siya."

"Ganun ba..."

Sigh.

Ba't nila tinago ang totoo sa akin? Bakit hindi nila sinabi na bampira si Zeke? Pero kahit ganun kaibigan 'ko pa 'rin si Zeke. Siguro kailangan 'ko munang iwasan si Zeke.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya. Tumango kahit totoo hindi.

"Alam kong hindi ka okay." Sagot niya at hinawakan ang leeg kong may band aid. Umiwas ako at tumayo.

'Nung tumayo ako nakaramdam ako ng hilo kaya napabagsak ako. But I na lang nasalo ako ni Nate.

"Sabi 'ko naman sa 'yo mamahinga ka muna eh. Ang kulit mo 'rin 'no? Hindi ka pa 'din nagbabago." Sabi niya sabay iwas ng tingin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa 'din daw ako nagbabago hanggang ngayon? Ibig sabihin naalala pa 'din niya ang nangyari date.

Hinawakan niya ang baba 'ko at nilapit sa mukha niya. Namula ako ng malapit ng lumapat ang mga labi naman. Napapikit na lang ako hanggang sa naglapat na ang aming mga labi.

Hanggang sa bumitaw na siya. "Ayan ayos ka na ba?"

"Medyo okay na." Hindi ako makatingin sakanya ng maayos hindi ako makapaniwala na hahalikan niya pala ako.



Long lost Vampire QueenBasahin ang storyang ito ng LIBRE!