11. Epilogue I

88 14 14
                                    

Note: unedited

+++++

Ella's POV

Hindi ako mapakali sa upuan ko nang magsimula ang meeting. Halos pumasok lang at lumabas sa magkabilang tainga ko ang sinabi ni Lira. Si Lira na fiance ni Ken. Maybe they both agree with their ancestral fixed marriage. Matapos ang meeting aakma na sana akong aalis nang sinabihan ako ni Lira na need niya ng xerox copy ng details about our company. Tinignan ko si Ken bago lumabas. Para bang wala siya sa sarili, malayo ang tingin at malalim ang iniisip. Bago ko pa isara ang pinto narinig ko pa si Lira na tinawag si Ken sa kanilang endearment.

"Am I too late?" tumulo ang luha ko bago sumakay ng elevator.

I am inside the elevator going back to the conference room, holding some folders and papers. Narinig ko ang pagtunog ng elevator. Nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaking nasa harap ko. Nagmadali siyang iharang ang dalawa niyang kamay sa pinto ng elevator. Ang posisyon niya nasa gitna siya at pinipigil ang pagsara nito. Hindi ako makagalaw nanlabo ang mga mata ko dahil sa luhang gustong dumaloy.

We stayed looking for each others eyes for how many minutes. Suddenly, I feel the tears fell from my cheeks. All the papers I was holding fell on the floor. I wipe my tears and run towards him and hugged him. I know he feel my hertbeats fast. And maybe he knows already that my heart still beats for him. He hugged me back and kissed my forehead.

Tumingala ako at tinitigan siya habang hindi inaalis ang yakap ko sa baywang niya.

Hinawakan ko siya sa kamay niya at hinila papunta sa rooftop ng building. Nang makarating kami roon ay tinanggal ko ang pagkakaalis nang hawak ko sa kamay niya. I take a deep breathe before I started.

"Ken, I miss you so much. I'm so sorry, I left you and go away. After I left you, my life was totaly a messed. Hindi ko alam pero nagsisi ako sa desisyon ko. Pero iyon ang ang tanging paraan para maghilom ang sugat sa puso ko. It takes one year bago ko natanggap sa sarili kong sinaktan mo ako. I realize that I'm also wrong when I left you. I realize that what you did wayback years ago is to make your brother happy."

"You did it to make Jay happy, para may masayang alaala siyang babaunin bago man niya lisanin ang mundo. Ang mali ko lang ay ang ipinagtabuyan kita at ang sarili ko sa'yo. Kasi kung talagang mahal kita dapat tinanggap kita ulit. Dapat nagpatawad ako."

"I should love and accept your best and worse. Pero hindi ko nagawa. I try to go back home, nagdalawang isip pa ako. Baka kasi may mahal ka ng iba. Hindi ko kakayanin kapag nalaman kong may iba na sa puso mo. Pero ito na iyon, e. Kailangan kong tanggapin na naka-move on ka na. The truth that you already love someone else. I still love you, Ken. Masakit, pero kailangan tanggapin. Pakshet kasi ako, e! Pinakawalan pa kita. I shouldn't tell you all of this. Para saan pa 'diba?, e, may mahal ka ng iba."

Pinunasan ko ang nakakainis na mga luhang kanina pa dumadaloy sa mata ko. Ayaw nilang magsitigil sa pagluha.

Shocks! Ako ang nag-inarte noon na lumayo. Ngayon, umaarte pa rin ako. Para ano? Shunga ka talaga, Ella! Nakakahiya ka, kasama niya yung fiance niya. Tapos gumaganyan ka sa harap niya.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. Since, wala naman siyang naging reaksyon sa lahat ng sinabi ko. Maybe, its too late for me. I will accept the fact, na hindi na magiging kami ulit.

Ang tanga mo kasi!

Nawala ang bigat sa dibdib ko nang maramdaman ko ang mainit na yakap ni Ken mula sa likod ko.

"Who told you to walk away again? May sinabi ba akong umalis ka sa harapan ko? Wala naman 'diba? If you want me, then proved it, kiss me!" bulong niya sa tabi ng tainga ko.

Humarap ako sa kaniya hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. At hinalikan ko siya ng buong pagmamahal.

-----

Ken's Pov

She's kissing me passionately. A kiss that I can tell that she's longing for me, big time. Our kiss getting deeper and deeper. Halos malagutan na nga kami ng hininga sa sobrang tagal ng paghahalikan namin.

"You're still madly in love with me, ha? Ms. Ella Lhaine Guevarra. Aren't you?" Pinagdikit ko ang noo namin. Ngumiti ako habang nakatuon lang ang atensyon ko sa kaniya.

Bahagya niya akong hinampas sa braso. Umiwas siya ng tingin at kinagat ang ilalim ng labi niya.

"Ella, look straight in my eyes." Nag-alangan pa siyang tumingin. Nang komportable na siya sa mga titig ko agad akong nagsalita.

"I love you, Ella! I didn't love anyone else, but only you. Hindi ka nawala sa puso't isip ko. And about me and Lira, kung 'yan ang iniisip at inaalala mo. Don't worry, we are not lovers. And it will never be. Because Lira and I are related to each other. She is my cousin."

"Pero tinawag ka niyang--" Inilagay ko ang index finger ko sa tapat ng bibig niya.

"Ano nga ulit 'yung sinasabi mo kanina? Paki-ulit?" May halong pang-aasar na tanong ko.

"I--I lo--love you!" sabi niya na medyo nahihiya pa.

"Ano 'yun?" tanong ko pa ulit. Habang hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

"I love you!" Medyo malakas na ang pagkakasabi niya.

Pero dahil gusto ko pang marinig ulit. Tinanong ko ulit siya.

"Pakilakasan, hindi ko kasi marinig?" sabi ko.

"Ken Natividad, I LOVE YOU!!" sigaw niya.

"Kapag hindi mo pa 'yan narinig bahala ka sa buhay mo!" Mabilis ko siyang niyakap.

Sobrang saya ko. Dahil kami na at kasama ko na siya ulit. Mahal namin ang isa't isa.

"I already gave you the time you need. So, ngayon ako naman ang hihiling at hihingi ng oras mo." Kinuha ko mula sa bulsa ko ang singsing na nasa maliit na kulay itim na box. Lagi kong dala ang singsing na ito. Ibibigay ko sana sa kaniya ito noon nang huli ko siyang nakasama nung birthday ko.

Inihanda ko na ang sarili ko sa oras na ito. Sinabi ko sa sarili ko na kapag nagkita kami ulit. Hinding hindi ko na siya papakawalan.

Lumuhod ako sa harap niya at binuksan ang maliit na box sa harap niya.

"Ella Lhaine Guevarra, be my forever!"

*****

End of Epilogue I

A/N: Don't missed the Epilogue part two. May bonggang twist na magaganap doon.

Thank you sa pagbabasa. Salamat at nakaabot ka hanggang dito.

~ate mayAng~

Starting over again [Under Major Editting]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon