Chapter 5: Juice

0 23 35
                                    


Ella.

We're just arrived at Natividad's residence. Yes, this is my ex-boyfriend house because its Ken's birthday today and I'm with Jay. I simply wear my floral spaghetti stapped red dress, one inch longer below my knees.

Nakasukbit ang mga kamay ko sa braso ni Jay habang papasok sa bahay nila Ken. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya. Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguradong marami sa kanilang bisita ang magugulat dahil dati-rati kasi ay sa braso ni Ken nakasukbit ang kamay ko pero ngayon ay sa iba na at worst, sa best friend pa niya.

"You're trembling my binibini. Relax ka lang. Kung ayaw mo nang tumuloy, pwede pa tayong mag-back-out," sabi niya sabay hawi ng buhok na nakaharang sa mga mata ko.

"No, I'm okay. May naalala lang ako. Don't mind me. Patutunayan kong kaya ko na siyang harapin." Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang tipid.

Hinawakan niya ang mga kamay ko bago kami pumasok sa loob. Bumungad sa amin ang maraming bisitang nagtatawanan at may kanya-kanyang usapan. Halos karamihan sa kanila ay family friends.

"Ate Lalay, you're here!" Patakbong lumapit sa akin ang maliit na batang lalaki. Ito ang nakababatang kapatid ni Ken. Nasa limang taong gulang na ito ngayon and he gave me that "Lalay" nickname.

"Hello, Kyle! I miss you." I kissed him on his forehead.

"I miss you too, ate Lalay. Akala ko hindi ka na darating, e. Kanina pa sad si kuya Ken, e. Make him happy ate." Ginulo ko ang buhok niya gamit ang kanang kamay ko at nginitian lang siya, wala siyang kamuwang-muwang na hindi ko na magagawa pa iyon para sa kuya niya. May iba na kasing gagawa no'n para sa kanya at hindi na ako 'yun. Si Lira na.

"Kyle! Huwag mong guluhin ang mga bisita ko. Roon ka na sa mga kalaro mo," sabi ni Ken.

Lumapit naman si Kyle sa kuya niya. May ibinulong si Ken sa kaniya at kumunot naman ang noo ni Kyle. At ilang saglit pa ay bumulong din si Kyle sa kuya niya at nakita ko ang malawak na pag-ngiti nito sa kapatid.

Tahimik ko lang silang pinagmamasdan nang may tumapik sa braso ko.

"Iisipin kong sa mga titig mo na 'yan ay mas mahal mo pa rin siya kaysa sa akin." Nakita ko naman ang lungkot sa mukha ni Jay.

"Natuwa lang ako kay Kyle. Ang laki na niya. Parang kailan lang, pinapalitan ko pa siya ng diaper." Gumuhit ang ngiti sa aking labi sa alalahaning iyon.

"I know, saksi ako roon. May oras pa nga na naihian ka niya sa mukha." Tumawa siya na para bang wala ng bukas. Maging ako ay napatawa na rin. Hindi namin namalayan ang paglapit sa amin ni Ken.

"Mukhang masayang masaya kayo, 'a," puna niya at parang may kakaiba sa tono ng kanyang pananalita.

"May naalala lang kaming nakakatawa. Happy birthday nga pala," bati ni Jay sa kanya sabay yakap at tapik niya sa likod ni Ken.

"Happy birthday! Sorry wala akong regalo. Bigla lang akong niyaya nitong si Jay, e. Hindi ko alam na rito pala kami pupunta," sabi ko.

Sige magsinungaling ka pa Ella. Parang kahapon lang nagmamadali kang umalis ng apartment mo nang tumawag si Jay sa 'yo at sabihing pupunta kayo ngayon sa birthday niya. Hindi ka nga magkamayaw sa paghahanap ng regalo para sa kanya. Tapos kaninang paalis ka na, nagdadalawang isip ka kung ibibigay mo ba ang regalo mo para sa kanya o hindi pero sa huli, nagpasiya kang hindi nalamang iyon ibigay sa kanya. Para saan pa 'di ba?

"Hey, Ella! Are you with me?" tanong ni Jay sa akin na nakapagpabalik sa katinuan ko.

"Ye-yeah! Ano nga uli 'yon?" tanong ko na medyo naguguluhan.

"Sabi ko, baka gusto mo nang kumain. Tara at sasamahan kitang kumuha ng pagkain mo. Iiwan kasi kita saglit dahil may kakausapin lang akong kaibigan," paliwanag niyang muli sa akin.

"Ako na lang, kaya ko naman ang sarili ko. Sige na, umalis ka na. Maghihintay na lang ako rito," sabi ko.

Abala ako sa pagkain nang biglang dumating si Kyle at umupo sa tabi ko.

"Hi ate Lalay. Are you alone? Can I sit here beside you?" sabi niya habang may hawak-hawak na chicken joy sa magkabilang kamay.

"Where's your date ate? Iniwan ka ba ni kuya Jay? Sasapakin ko 'yon kapag sinaktan ka niya. So don't hesitate to tell me, a', ate. Kasi susumbong ko siya kay kuya Ken," sabi niya sabay kagat ulit sa chicken joy na hawak niya.

Kumuha ako ng tissue at ipinunas sa mukha ng batang makulit.

"Ang dungis mo pa rin kumain. Big boy ka na, you should eat properly like a man... like your kuya." Binigyan ko siya nang magandang ngiti.

"A, ate, wait po, 'a. Kuha kita ng drinks," sabi ng batang makulit at nagsimula nang magtatakbo palayo mula sa aming lamesa. At maya-maya lang ay bumalik na siya kasama ang isang crew at may bitbit na orange juice.

"Ate Lalay iyan na ang favorite orange juice mo. Delivered by Kyle with love." Natawa pa ako dahil pinagdikit niya ang mga kamay niya at gumawa ng hugis puso at idinikit iyon sa tapat ng puso niya sabay kindat.

"Parehong-pareho talaga kayo ng kuya mo," sabi ko at kinurot ko ang kanyang mauumbok na pisngi. Napakakulit talaga nitong batang ito at sweet. Manang mana sa kuya niya.

"Really ate?" sabi niya na may kasama pang pakurap-kurap ng mata.

Ang sarap talaga kurutin ng pisngi niya. Matapos kong maubos ang pagkain na kinuha ko ay ininom ko naman ang juice na binigay sa akin ni Kyle kanina na ayon sa kanya ay may kasamang pagmamahal pa ang juice na ito. May kung ano akong nalasahan sa inumin ko pero pinagsa- walang bahala ko na lang iyon dahil galing naman ito kay Kyle. Matapos kong inumin ito ay nakaramdam ako ng pagkahilo at medyo nanlabo ang paningin ko.

"Kyle restroom lang si Ate 'a," Nanghina ang mga tuhod ko matapos kong tumayo. May kakaiba talaga akong naramdaman matapos kong inumin ang juice na ibinigay sa 'kin ni Kyle. Inaasahan kong maramdaman ang matigas na lupa mula sa pagkakatumba ko pero wala akong naramdaman. Ang naramdaman ko lang ay isang mainit na yakap.

"Sorry, kailangan ko lang gawin 'to." Rinig kong bulong niya sa akin sabay halik sa ibabaw ng buhok ko. At iyon nalang ang naalala ko dahil tuluyan nang nandilim ang paningin ko.

*****


End of Chapter 5

Thanks for reading.

Ate mayAng :)

~edited~

Starting over again [Under Major Editting]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin