"Just LMH."

Napanguso ako. "Anong LMH?"

"Love Me Harder..." he lifted my chin. "Wag mo na akong ipagtatabuyan..." pagkatapos ay sinakop nya muli ang aking mga labi.

Nasa kalagitnaan na kami ng moment nang may humintong sasakyan sa tabi ko. Dumungaw doon si Ybarra at may iniabot sa aking singsing. "Sorry, I forgot."

Hindi na ako nakapagsalita dahil mabilis din nitong pinasibad paalis ang sasakyan.

Ngunit isa pang sasakyan ang huminto sa harapan namin. Isang brandnew black SUV iyon na may heavy tinted na salamin.

Bumaba mula sa kabilang pinto ng sasakyan ang isang binatilyo na nakasuot ng puting poloshirts at slightly fitted khaki shorts at white converse. Seryoso ang mukha nito nang ipagbukas at alalayang makababa sa passenger side ang kasama nito sa SUV.

Isang batang babaeng naka maiksing shorts na kulay black at itim ding blouse. Naka-heels siya na kulay itim at headband na kulay itim din.

"Kia?!" gulat akong napatitig sa nakangiting mukha ng anak namin. She was grinning from ear to ear.

"Hi, parents!" Nagulat ako ng hilahin niya ang kasamang binatilyo. "We're just on time, aren't we?"

"Good day, Sir, Madam." Magalang na bati naman sa amin ng binatilyo. "I'm Leonardo Saavedra."

The second son of Leo and Cynthia Saavedra!

"Oh!" Napasinghap ako. Kamag-anak ito ng napangasawa ni Ate Rosenda! 

"Mom, he's handsome isn't he?"

"Ha?!"

Ngunit mas nagulat ako nang maramdaman ang mabigat na titig ni Kyo dito.

"Kiana Louise! Why are you with him?!"

"Oh c'mon, Dad! Sinamahan niya lang ako na sunduin ka, I also want you to meet Leon."

"May communication kayo?!" Nagpalipat-lipat ang paningin ko sa mag-ama ko. So all along ay alam ni Kia kung nasaan si Kyo pero ni hindi man lang sinasabi sa akin?! Bakit?!

"So you can have your space, Mom." Kia supplied. "Now you also learned the hard way. Siguradong di mo na papakawalan si Dad ngayon, right?"

Naisahan ako! Pinagkaisahan ako!

"I love you, bitch. I want you to be happy. And I know Dad is the only man that can make you happy. Tigilan niyo na ang pag-iinarte, let's be a happy family this time."

"Yes we will be a happy family. But I don't want to see that guy beside you. You're only eight years old, Kiana!" Nangangalit ang mga ngipin ni Kyo. 

So isa pala siyang istriktong ama? Cuteness!

Oh well, sa ganitong sitwasyon ay magsasanib puwersa kami ni Kyo. Wala pang sampung taon ang anak namin at mukhang gusto ng kumerengkeng!

Tiningnan ko ang binatilyo. "Ah, Leonardo, you may go home now. Magba-bonding lang kami."

"But, Mom!" Himutok ni Kia.

"Shut up!" Saway ni Kyo rito.

"Okay," sagot ng binatilyo. "I don't like your daughter anyway." Anito sabay talikod.

"Aba't!" Nanlaki ang mga mata ko. At mabuti na lang ay nahawakan ko sa pulso si Kyo.

"That asshole, I will break his neck."

"Dad!" Tili ni Kia. "Don't you dare! He's the man I want to marry when I grow up!"

Lalong nagdilim ang mukha ni Kyo. "But he said that he doesn't like you."

"Yeah, I know, that's why I like him." Umirap ang anak namin at saka nauna nang maglakad.

Nagkatinginan kami ni Kyo.

"Kanino nagmana ang anak mo?" Tanong niya.

"Anak ko lang?!" Singhal ko sa kanya. "Sa ganda malamang sa akin, sa kaabnormalan, malamang sa'yo!"

"What?" Sumimangot siya.

Muling humarap sa amin si Kia. "Bilisan niyo naghihintay na ang mga bisita sa venue ng kasal niyo."

Napatulala ako. "As in talaga?"

"Yeah," Kyo answered, proudly. "Nakahanda na ang lahat, tayo na lang ang kulang."

Bumalong muli ang mga luha ko sa mata. "Shet. Truth yon?!"

"Sa tingin mo gagawin kong biro iyon?" Balik-tanong ni Kyo sa akin.

"Bakit di mo man lang ako ininform? Bakit ba ganyan ka? Napaka-abnormal mo nga... ang hilig mo sa mabilisang biglaan na hindi na ako makakatakas?"

"Dahil wala akong balak patakasin ka. Sapat na ang space na hiningi mo. Hanggang don na lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Hindi na matatapos ang araw na ito na hindi ka natatali sa akin bilang asawa ko."

Suminghot ako sabay punas ng luha. "Abnormal ka nga... ngayon ko lang napatunayan. The way you love me is not normal, Kyo." Nginisihan ko siya. "It was extra-ordinary... and I love you just the way you are."

Napangisi na rin siya. Inabot niya ang baba ko at pinisil iyon. "Because I am a Kyo Montenegro, I have my own style."

"At ang style ng pagmamahal mo ay nakamamatay... sa sarap."

Hinila niya ang braso ko at muli ay siniil ng halik na sanhi para matigilan ang mga tao sa paligid. Even Kia. Natigil ito sa paglalakad.

"Oh, my God!" Sigaw ng anak namin. "Get a room, parents!"

I smiled against Kyo's lips. Wala na kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin, kahit sa anak namin na ipinaglihi ko nga yata talaga sa sama ng loob.

Kumapit ako sa balikat ni Kyo hanggang sa tuluyan kong ipulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg while returning his deep and hot kiss.

Ah, wala na akong ibang lalaking hahalikan maliban sa kanya. Wala na akong ibang lalaking mamahalin pa maliban sa kanya. At oo ngayon mismo, papakasalan ko siya. Kahit saang simbahan at lugar pa.

At mula sa araw na ito... babawi kami, hindi na magkakahiwa-hiwalay ang pamilya ko.

Ako, si Kia at si Kyo.

And very soon, hindi na ako ang dating Ruby. Dahil sa paghihiwalay ng mga labi namin ni Kyo kaunting oras na lang ay magiging ako na si Ruby Castillo - Montenegro.

***

Lander Montenegro & Aviona Camille Montemayor story is now available for reading. It's entitled: "His Indecent Proposal"

Love Me HarderWhere stories live. Discover now