Chapter 46

618K 18.4K 7.7K
                                    

Chapter 46

BAKIT ba hindi agad sumagi iyon sa isip ko? Na posibleng anak ko si Kia Montenegro? Pero imposible iyon kasi namatay ang anak ko. Alam ko iyon dahil naroon ako mismo sa araw ng libing nito!

Sinubukan kong sampalin si Kyo pero nasangga niya lang ang kamay ko. Naglalaro sa kanyang mga labi ang kakaibang ngisi na lalong nagpapalakas sa kaba ko.

"Sino ang ina ni Kia, Kyo? Sino?!" Hindi na ako ngayon matatahimik, kailangan ko ng kasagutan!

Humigpit ang pagkakasakal nya sa aking pulso.

Gusto ko na siya ang anak ko! Gusto ko!

Sa kung ano mang dahilan ay nasa akin ang matinding pagnanais na sana nga ay ako ang ina ng bata kahit na ba nakapa-imposible.

"S-si Ruby ba?" Tinabig ko ang kanyang kamay. "S-si Ruby ba ang ina ni Kia? Sumagot ka! Sumagot ka, tangina! Sumagot ka kundi ipapa-salvage kita!!!"

Ngunit nagblabgko lang ang asul na mga mata ni Kyo. Parang balewalang binitiwan niya ako at saka basta na lang tinalikuran.

Samantalang ako ay naiwang tulala. Napa-upo ako, tuluyan ng naglandas ang aking mga luha. Nahihibang na ba ako para isiping anak ko nga ang anak nya? Nababaliw na ba ako para isiping ina ako ni Kia?

Nasasaktan pa rin ako at nangungulila sa anak ko. Sa anak namin.

...

DUMADAGUNDONG ang buong arena. Kabado pa rin ako hanggang ngayon. Ngunit naglalaho ang lahat ng kaba ko 'pag nakikita ko na ang mga libo-libong fans. Nalulunod sa tuwa ang puso ko dahil tinanggap nila ako bilang bagong member ng BOS.

Dagat na mga katao ang naghihiyawan at isinisigaw ang pangalan ko. Pero mas marami ang sumisigaw sa pangalan ni Kyo.

Ang ilan ay may kanya-kanyang banner at nagmumura ang pangalan doon ng kanilang iniidolo. Nagkalat ang Team Misteryus at banner na 'Harder Kyo Montenegro!' saan mang sulok ng arena.
Mayroon ding 'Team Santi-Sungit' at 'Macoy's Team-ASA'. At hindi nawawala ang Team ULAP lalo ang nakakapangilabot na banner na may nakasulat na "Cloud Team the Fucker".

Seriously?!

"Mabuhay Cebu!!!" sigaw ni Santi mula sa hawak nyang microphone.

Lalong nagtilian ang mga tao. May mga tila nasiraan ng bait at ang iba naman ay hinihimatay pa. Subalit sa gitna ng karamihan ay may pumukaw sa akin ng pansin. Sa dami ng mga manunuod ay may nakita ako na saglit na nakapagpahinto sa aking paghinga.

Oh God... sila Amang at Mama! Narito sila, narito ang pamilya ko!

Nasa VIP line sila kaya kitang-kita mula sa kinatatayuan ko.

Si ate Rosenda ay nakangiti habang hawak ang isang colorful banner na may nakalagay na: Team Jumbo pa rin!  At sa tabi niya ay ang kanyang pamilya, syempre kasama si Terrence Montemayor-Saavedra na ngayon ay nakaakbay sa kanya.

Gusto kong maglupasay at magii-iyak. Gusto ko silang lapitan at yakapin.

Tumunog ang drums ni Cloud kasabay ng gitara ni Santi. Pero ako ay nakapako pa rin ang paningin sa aking pamilya. Hindi malaman kung paano pipigilan ang aking mga luha. Mis na mis ko na talaga kasi sila... mahal na mahal ko sila...

Isa-isang nawala ang ingay. Naghihintay ng aking tinig. Ngunit ilang intro na ang nagawa ng apat ay wala pa rin ang aking boses.

"Come up to meet you. Tell you I'm sorry, you don't know how lovely you are..."

Napalingon ako sa tinig ng kumakanta.

Si Kyo! It looks like he save my ass again.

"I had to find you, tell you I need you... Tell you, I set you apart... Tell me your secrets and ask me your questions... Oh, let's go back to the start."

Love Me HarderWhere stories live. Discover now