Chapter 56

686K 19.7K 9.2K
                                    

Chapter 56

HE tilted my chin with his fingers. "She's our daughter..."

Anong biro ito?

Ngumiti si Kyo. "Buhay ang baby natin. Narinig mo ba, Ruby? Buhay ang baby natin. At gusto kong bigyan siya ng buong pamilya."

Totoo ba ang sinasabi nya? Buhay ang anak ko? Pero paano nangyari yun? Kitang-kita ng dalawa kong mata nang ilibing ang sanggol ko!

Sunud-sunod akong umiling. "S-sinungaling..."

"I'm not," sinubukan nya akong hawakan pero umiwas ako.

"Pati ba naman si Kia ay idadamay mo sa mga kasinungalingan–"

"I'm telling the truth!" marahas nyang ikinulong ang aking mukha gamit ang kanyang mga palad.

Napatanga ako sa kanya.


"Listen to me, Ruby..." habol niya ang kanyang hininga. "Pinalitan ni Ybarra ng ibang bangkay ang anak natin. Pinalabas niya na namatay ang sanggol nang isilang mo... do you understand me?"


"H-ha?"


"Kinuha ni Ybarra ang anak natin at pinalaki niya sa mansyon. And she was named Kia. Buhay ang anak natin, Ruby. Si Kia ang anak natin..."


Dahan-dahan akong napaatras. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay mabubuwal ako sa pagkakatayo. "B-bakit niya ginawa iyon?" sinugod ko si Kyo at pinaghahampas sa dibdib. "Bakit niya inilayo sa akin ang anak ko!"


Nasalo naman ni Kyo ang magkabilang pulso ko. "Dahil nasa panganib si Kia nang mga panahong iyon."


"A-ano?" Napahinto ako sa paghampas sa kanya.


"Because Rom had planned to kill our daughter. Mabuti na lang at naunahan sya ni Ybarra at pinalabas na ganoon."

So, Rom played me all along. Ito pala talaga ang may kasalanan ng lahat.

"Galit din ako kay Ybarra dahil sa ginawa nya. Ang akala ko rin ay ginawa nya iyon dahil tutol sya sa atin but I was wrong. He had so many ways to save Kia but he ran out of time. Huli na rin pati nyang nalaman na buntis ka. And that's why he came to that plan because it's the only way."

"Oh God..."

"Ruby, I'm sorry. It had to be that way..."

Marami pa syang sinasabi pero echo na lang ito sa pandinig ko. Namalayan ko na lang na nanakbo na pala ako papalayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas. Basta ang gusto ko lang ay makita ko si Kia. Makita ko ang anak ko!


Wala ako sa sariling binuksan ko ang pinto. Sinalubong ako ni Mama at nasa mukha nito ang pag-aalala. May sinabi rin sya pero hindi ko na naintindihan. Dumeretso ako sa kusina at nadatnan kong naroon si Kia kasalo sa hapag sina Amang at Danica. Lahat sila ay napabaling sa akin.

Tumayo si Amang. "Ruby, ayos ka lang?"

Hindi ako sumagot. Nanatili ang aking mga mata kay Kia na nakataas ang isang kilay sa akin.

Sumulpot si Mama sa aking likuran. "Ruby, ano bang nangyayari?"

Bakas sa tinig nila ang pag-aalala. Paano'y luhaan ako habang nakatitig kay Kia.

"Ate?" napatayo na rin si Danica.

Marahas kong pinunasan ang aking luha. "Ang baby ko..."

Nagkatinginan tuloy sina Amang at Mama. "Ano ba talagang nangyayari, Ruby?" tanong ni Mama.

Love Me HarderWhere stories live. Discover now