Chapter 28

660K 17.3K 2.6K
                                    

Chapter 28

SPG

"MAMA..."

"R-Ruby, anong ibig sabihin nito?"

Nasa palad ni Mama ang ilang pakete ng droga at may mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang mga labi na sa hitsura niya'y para bang may napatay akong tao at hindi niya malaman ang gagawin. Kung pagtatakpan niya ba ako o isusuplong sa mga awtoridad. Kung kakampihan niya ba ako o itatakwil sa aking kasalanan.



Sa tabi niya ay naroon ang bag na itim na ibinigay sa akin ni Breeze. Kinuha niya iyon at binulatlat sa harapan ako. "P-paano mo ito nagawa sa amin?"


Paanong nabuksan ni Mama ang kwarto ko gayung pinalitan ko na ang lock nito? At paano niya nadiskubre na nasa ilalim ng kama ko itinago ang bag na galing kay Breeze? Marahan akong umiling habang ang aking mga luha ay nag-uunahan na sa pag-agos. No, hindi pwede. Hindi sila pwedeng madamay sa gulong ito. Hindi ako papayag.


"Bakit mo ito ginagawa?!" sigaw niya.



Mabilis akong lumapit sa kanya at hinablot ang bag. Nang makuha ito ay lumayo ako sa kanya. "K-kumplikado ang lahat, Ma..."



"Ruby, anong pinagagagawa mo?!" nanginginig na sigaw niya.

"Ma, sorry... P-pero may dahilan po kung bakit kailangan ko itong gawin—"

Marahas na umiling si Mama. "Ruby, anak, ang buong akala ko, nagbago ka na! Na hindi ka na mukhang pera at tanggap mo nang mahirap lang tayo. Ang buong akala ko, matured ka, na responsible ka ng tao, pero mali pala ang lahat ng inakala ko!" Habul-habol niya ang kanyang paghinga habang nagsasalita. "Hindi ka pa rin pala nagbabago, Ruby! Sarili mo pa rin ang iniisip mo! Hindi mo ba alam na sa ginawa mong ito, hindi lang sarili mo ang inilalagay mo sa kapahamakan! Kundi pati ang buong pamilya natin! Hindi mo nga yata kami mahal! Sarili mo lang ang mahal mo! Makasarili ka!"



Wala akong maitugon sa kanya kundi ang aking mga luha. Gustuhin ko mang ipaliwanag sa kanya ang lahat subalit ayaw ko namang madamay siya, sila na pamilya ko. Sila lang naman ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito.



"P-pwede kang makulong..." nagpatuloy siya pero sa mababa ng tono. "Tiyak kong parehong madudurog ang amang at Ate Rosenda mo kapag nalaman nila itong pinasok mo. Masasaktan sila nang sobra at—"



"Wag mong ipapaalam sa kanila!" Hindi ko na siya pinatapos.

Hindi ang galit o ang pagsama ng loob nina Amang at Ate Rosenda ang pangunahin kong ikinakatakot, kundi ang kaalamang hindi papayag ang mga iyon na hindi lalapit sa pulis. At hindi ko hahayaang mangyari iyon. Hindi ko hahayaang mapahamak sila dahil sa katangahan ko sa buhay. Ako lang ang dapat mapahamak at hindi ang kahit sino sa pamilya ko.

"Ma, please..." Halos lumuhod ako sa harapan ni Mama. "Maawa ka sa akin, wag mong sasabihin sa kanila ang tungkol dito!" Alam ko na hindi ako matitiis ni Mama. Sa maraming beses na nagkamali ako sa pamilyang ito, never akong tinalikuran ni Mama. At umaasa ako na sana hanggang ngayon ay ganoon pa rin.



"Kaya nga, Ruby! Tigilan mo na yan habang hindi pa nila nalalaman..." pagmamakaawa ni Mama. Paunti-unti ay lumalapit siya sa akin. "I-itapon natin ang mga bagay na iyan... Magsimula ka muli, anak..."



Ang mga sinabi ni Mama ay parang musika sa pandinig ko. Mahal na mahal ako ni Mama. Katulad nang dati, kukunsintihin niya pa rin ako. Pagtatakpan niya pa rin ako. Handa pa rin siyang tanggapin ako at kalimutan ang lahat ng ito basta magbago lang ako.

Sana nga, madaling magbago. Sana madali lang tumakas... pero hindi. Humakbang ako paatras sanhi para matigilan siya.



Inaabot niya ako mula sa kanyang pwesto gamit ang kanyang palad. "H-hindi pa huli ang lahat..."

Niyakap ko ang bag sa gitna ng aking pagluha.

I know it's just a second pero pakiramdam ko ay matagal iyon. May pag-aagam-agam sa puso ko ngunit sinupil ko ito. "Hayaan niyo nalang ako..." pagkasabi ko'y pumihit ako patalikod sa kanya.

Hayaan niyo akong protektahan kayo...

Love Me HarderWhere stories live. Discover now