Chapter 53: Sunset

19.5K 540 40
                                    

FALLON'S POV


Perfect.

It's the best way to describe the place. White sand. Huge tent. Elegant and classy details. Red carpet laying on the sand. Yellow flowers everywhere.

Even on my wildest dream, I never imagined that I can have a wedding this grand.

Tumigil ang barko sa daungan at inalalayan na kami pababa. Kami ni Eric ang nauna.

Coron Palawan. My dream paradise.

Who would have thought that my dream place will be my wedding reception. I am so lucky.

Nanlaki ang mga mata ko at napangisi ako nang tumugtog ang 'Sexy Back' ni Justin Timberlake.

Ginagap ni Eric ang kamay ko at humalakhak. Nag-simula na s'yang umindak. 

"Dito mo ko unang naakit" kumindat pa s'ya at hinila na ako papunta sa tent. 

Napahalakhak din ako. Ito ang sinasayaw ko n'ong naglilinis ako sa kwarto n'ya at bigla s'yang dumating. Naaalala ko pa noon na gusto ko nang lumubog sa lupa sa sobrang pagkapahiya ko. At s'ya naman, ligayang-ligaya sa tuwing napapahiya ako sa harap n'ya. Those days. Mapapangiti nalang talaga ako kapag binabalikan ko.

Natatawang tinaas ko ang mga kamay ko at sinimulang umindak habang naglalakad kami.

Lahat ng nasa likod namin na mga guests ay pasayaw din habang papunta kami sa tent.

Kahit naka-heels, hindi mahirap lumakad dahil may makapal na red carpet naman.

Aliw na aliw ako hanggang sa makarating kami sa table namin. Puro pang-sayaw ang mga kanta kaya hindi kami umupo agad at hinila ko s'ya sa mini stage at sumayaw kami doon. Parang naging party dahil lahat ay ganado sumayaw. Maging si Lola ay nag-he-head bang.

"Mr and Mrs Jacobs!" masiglang pakilala ng emcee.

Natatawang nagyakap kami ni Eric at malawak ang pagkakangiti na kumaway sa mga bisita. 

"Mala Ironman ka pala sumayaw" biro ko sa kanya.

Humalakhak lang s'ya at mabilis na humalik sa labi ko.

Napakagat-labi nalang ako nang may magsipulan.

Nagbigay lang ng speech si Lola at Tita Daria bilang simula. Nag-kwento sila ng pagkabata namin. 

Hindi ko maiwasang maluha nang magsalita si Lola.

Si Tita Daria naman, puro kalokohan ni Eric ang ni-kwento kaya tawa kami nang tawa.

Nagtulakan pa sila Troy, Trent at Neil kung sino ang mauuna. Dahil si Troy ang best man, s'ya ang nauna.

"Fallon, alam mo ba na nagpakasal ka sa gago?" natatawang tanong n'ya.

Natawa ako. "Alam na alam ko" tumango pa ako.

"Umayos ka, Amante" babala ni Eric

Tumawa din si Troy. "Pero gago lang 'ya. Mahal ka naman n'yan" tumikhim si Troy. "Seriously. The first time I saw him worried as hell was when it's about you. Maybe we, his brothers, realized that he loves you before he do. Eric is a great man but he can be stupid at times. Even before he realized that he's in love with you, he's doing things for you that he never did to any other girl. Abnormal s'ya pero kapag nag mahal, mahal talaga. Kaya alagaan mo 'yan. Kasi ang mga taong kulang-kulang sa isip, mas kailangan ng pagmamahal" nang-aasar na sabi n'ya.

Binato s'ya ni Eric ng nilukot na tissue paper. 

Humalakhak lang si Troy. "Ikaw naman, bro. Wala akong masabi e. Alam ko naman na mahal mo si Fallon at aalagaan mo s'ya. Hmm... siguro, galingan mo nalang sa honeymoon" kumindat pa si Troy at pinasa na kay Trent ang mic

Impish HeartsWhere stories live. Discover now