Chapter 13: Limutin ang Lahat

19.4K 540 27
                                    

Note: Ito 'yong bago pumunta si Eric sa bahay ni Fallon


ERIC'S POV


I took a deep breath, closed my eyes and massage my temple as I ended the call.

Simula nang mawala si Maine, hindi na nakatulong si Troy sa trabaho. At ngayon na pati siya ay wala na, mas bumigat pa ang trabaho. Hindi din nakatulong ang paghabol ni Neil kay Cleo.

Dahil wala sila Troy at Neil, lahat ng trabaho ay nahahati na lamang sa amin ni Trent. 

Trent is a good businessman but he can't do all the job. I have no choice but to help him. 

Ayoko ng office works, pero marunong naman ako. Mabuti at mapagkakatiwalaan ko sila Derek at Francine sa mga bars ko. Mabuti din at tumutulong sa akin ang kapatid ko at ang asawa niya.

Sumisigaw na ng pagod ang buong katawan ko. Ilang araw na akong halos walang tulog dahil sa dami ng mga trabaho namin. Ilang araw ko na din hindi nabibisita ang anak ko.

"Sir, uuwi na po ba tayo?" magalang na tanong ni Mang Berting.

Palagi na din akong nagdadala ng driver para makatulog ako sa byahe. Inatasan kasi ako ni Trent mag-visit sa mga site namin. Ako na din ang kumakausap sa mga investors. Halos nakatali na kasi siya sa opisina niya. 

"Hindi. Susunduin natin 'yong anak ko" sagot ko sa pagod na boses 

Excited na akong makita si Avy. Feeling ko ay mare-recharge ako kapag nakita ko siya.

At sa isipin na may sisimangot na naman sa mga hirit ko, ligayang-ligaya na ako. Nami-miss ko na sila.

Napabuntong-hininga pa ulit ako.

Habang nasa byahe papunta sa bahay ni Fallon, nakatulog na naman ako. Sanay ako sa puyatan pero hindi ako sanay na walang tulog. Pakiramdam ko ay, isang linggo pa magkakasakit na ako.

Nang huminto ang sasakyan ay nagising ako. Nag-inat lamang ako ng kaonti at agad nang lumabas. 

Pagkakita ko pa lamang sa kanila ay binalot na agad ng tuwa ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay nakalaklak ako ng isang drum ng kape. I feel recharged by the mere sight of them.

I immediately hug my daughter. How I miss her. 

And to complete my day, inasar-asar ko si Fallon Therese. 

Wala talagang papantay sa mukha niyang lukot kapag pikon na pikon na siya sa akin. At alam ko na mas napipikon siya kapag medyo perv na ang mga banat ko.

Hindi ko intensyon na bastusin siya, inaasar ko lang siya. 

Nang makarating kami sa bahay ng parents ko ay agad na nagpaalam ako na magbibihis. Maliligo lang kasi ako tapos may appointment pa ako sa isang supplier namin. Inuna ko lang talaga na madala sila dito sa bahay ng personal para 'pag uwi ko mamaya, andito na sila.

Kakapasok ko lamang sa kwarto ko ay may tumawag na naman. 

Promise, 'pag balik ni Matthew Neil Vergara, magbabakasyon en grande ako!

Ilang minuto din ang ginugol ko sa kausap ko. Kinailangan ko pang buksan ang laptop ko para i-check ang mga mails. 

Sa tingin ko ay lagpas isang oras akong nakipag-usap at sumagot sa mga mails.

I am amazed by myself. I never knew that I can be this productive. I didn't know that I can do multi-tasking. 

Everything will be for my Avery. I will do anything for her welfare. 

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon