Kaya ganito na lang ngayon ang sasal ng dibdib ko. Para na akong aatakihin sa kaba, wala pa naman akong dalang nebulizer ngayon.

Nakakagulat lang kasi na kung kailan concert namin ay saka siya lilitaw. Sa lahat ng puwedeng araw na maaari siyang bumalik ay ngayon pa talaga. Ni walang pasabi!

Inihinto ni Ybarra ang minamanehong kotse. He was staring at me on the rearview mirror.

Doon ko lang napagtanto na nasa airpot na pala kami. Bumalik ang isip ko sa kasalukuyan.

"You know what? You're ugly when you cry." Inabutan nya ako ng panyo.

Umiiyak ako?

Nagtatakang kinapa ko ang aking pisngi para lang mapatotohanan ang sinasabi ni Ybarra.

Kinuha ko ang panyo sa kanya saka ko ipinunas sa luha ko at pagkatapos ay siningahan. "Namatay kasi ang aso ko."

Totoo. Isa pa iyon sa iniisip ko kanina bago magsimula ang concert.

Kagabi ko lang nalaman na patay na si Bayug. Sabagay, matanda na ito, panahon na para mamahinga. Pero dinamdam ko rin talaga, napamahal at bahagi na kasi sa aming pamilya ang asong iyon. Kulang na nga lang ikabit na namin sa kanya ang aming apelyido.

Bayug Castillo.

"A dog? You're crying because of a dog's death?" He smirked. Halatang di naniniwala.

Umismid ako. Wala akong pakialam kahit di siya maniwala. Gusto ko na lang makalabas ng sasakyan niya para puntahan si Kyo.

Mababaliw na ako sa excitement kaya kailangan ko na siyang makita. Sasabihin ko rin kasi kay Kyo na patay na iyong aso namin. Kailangan ko ng karamay. At higit sa lahat, kailangan ko siya sa aking buhay.

I was about to get out of the car when Ybarra spoke. "I'm sorry. My condolences."

Natigilan ako at marahang nilingon ang matanda. "Weh... di nga?"

Kung may kilay lang sya ay umangat na sana iyon. "Bumaba ka na nga at baka mabaril pa kita."

Namayani ang katahimikan panadalian. "K-kumusta pala si Rom?"

Matapos kasing gulpihin ni Kyo ay ipinakulong ko na ito sa kasong kidnapping. Iyon lang ang kaso dahil halos malumpo naman na ito ni Kyo, isa pa, nakiusap din si Ybarra na patawarin na ang Rom na iyon.

Napangisi sya. "You must be mad at him."

Hindi ako sumagot.

Hindi naman ako masamang tao para hindi magpatawad. Saka may kalungkutan naman pala talaga sa buhay si Rom, kung tutuusin ay biktima lang ito ng buhay na kinalakihan.

Kagaya ni Kyo na buong akala ay tunay siyang anak ni Ybarra ngunit ampon lang din pala.

Mga wala silang tunay na identity at burado ang lahat ng kanilang pinagmulan, at utang na loob pa rin nila kay Ybarra ang mga buhay nila, maging ang pagiging parte nila ng prestihiyosang angkan ng mga Montenegro.

Ngunit kaiba sa ibang Montenegro ay sila ang pinaka-makapangyarihan at pinakamayan. Base sa lumabas na bagong update ay ang mga Montenegro na ngayon ang pinakamayaman sa buong asya, pumapangalawa na lang ang mga Montemayor na dati ay nangunguna.

Ikaw ba naman na may illegal business ay hindi yayaman? Dagdag pang walang puso ang pagpapatakbo ng mga negosyo. Napailing na lamang ako.

Tumikhim si Ybarra. "Actually, Lander Montenegro is the real deal. Pinaikot nya si Rom at maging ako. He was the brain of all these."

Alam ko na iyon, nachika na ni Kyo noon sakin. Isa pa ang Lander na iyon. Maski si Kyo ay hindi makapaniwalang tunay niyang kapatid si Lander Montenegro.

Lander's a gifted child, genius ito kaya halos sambahin ni Ybarra. Ito ang mas higit na nagpayaman sa kanya. Magaling kasing magpaikot ng tao ang batang iyon. Kagaya ng galing nito sa pag-tuklas at pagtitimpla ng iba't-ibang klaseng droga. Sa batang edad ay napakarumi na ng mga kamay nito.

Kung hindi lang din sa pakiusap ni Kia ay baka binalatan na ng buhay ni Kyo ang Lander na iyon.

Ito pala kasi ang dahilan ng lahat. Ginawa lamang nitong tuta si Rom. Hindi ko akalaing makakagawa ng ganoon ang isang binatilyo.

Totoo ngang dapat katakutan ang Lander na iyon. Wala itong puso. Mantak mo ba namang ang napili niyang laruin ay ang mga buhay namin? At dahil lang sa simpleng dahilan na 'bored' daw ito?!

'Tangina lang! Hindi ako takot kahit pa close sila ni Satanas! Sinira nito ang buhay ko. Pinaiyak ako ng balde-balde sa pagpapaniwalang patay na ang baby ko!

Wag ko lang makita ang Lander na iyon at matutuli ko talaga ito!

Pero sa ngayon ay si Kyo at si Kia ang dapat kong pagtuunan ng pansin kesa ang galit ko.

Tiningnan ko si Ybarra. "Salamat."

Kinunutan niya ako ng noo. "I don't like drama. Go get up your ass now and find him. Malawak ang airport, hija. Kahit ako ay hindi ko alam kung nasaan sya."

"Sinlawak po ba ng noo nyo?"

Nagkasa sya ng baril.

Umibis na ako pababa.

Patakbo kong tinungo ang departure area pero napakaraming tao, hindi ko siya makita. Pinuntahan ko ang receiving area subalit wala rin sya doon.

Nasaan ba ang lalaking iyon?

Kahit saan ako tumingin ay walang bakas niya.

Para na akong tangang paikot-ikot at palingon-lingon sa paligid.

Nakakainis! Papupuntahin nya ako dito pero paghahanapin nya ako. Masyadong pabebe!

Nagbakasakali akong magtanung-tanong sa information desk kung nakita nila si Kyo pero pinagkaguluhan lang ako. Nariyan iyong may magpa-autograph sa akin at ang iba naman ay nagpa-picture. Maige na nga lang at hindi nanlalamutak ang mga fans dito. Kung hindi ay baka masira ang make-up ko. Nagpaganda pa naman ako para kay Kyo.

Hanggang sa tatlong oras na akong pabalik-balik sa kung saan-saan. Sinu-subukan ko namang tawagan iyong unknown number na tumawag sa akin kanina pero hindi ko naman ma-contact. Para tuloy gusto ko ng sumuko.

Baka kako guni-guni ko lang iyong tumawag sa akin kanina. Ngunit kung magkaganon man ay bakit naman ako susunduin ni Ybarra? O baka naman pinagti-tripan ako nong mag-ama?

Grrrr! Lagot talaga sa akin itong si Kyo kapag nagkita kami. Nanlalata akong napaupo sa isang bench sa parking lot ng airport. Suko na ako! Burado na ang make up ko.

Ayoko na!

Iiyak na sana akong nang may nagsalita sa aking harapan.

"Can I have an autograph?"

Literal na huminto ang aking paghinga nang marinig ko ang boses na iyon. Sunud-sunod akong napalunok bago ko itinaas ang aking mga mata.

Una kong nakita ang kanyang itim na leather shoes. Pataas sa kanyang denim pants at kulay brown na coat na nakataas ang kwelyo. May nakasukbit sa kanyang balikat na sports bag.

"K-Kyo..." garalgal na sambit ko.

Bumalik na nga siya. Bumalik na ang ama ng anak ko, ang lalaking pinakamamahal ko sa buong mundo.

JAMILLEFUMAH

jfstories

Love Me HarderWhere stories live. Discover now