Panimula

17.9K 316 54
                                    

Panimula

Malalim na ang gabi at nasa kalagitnaan na ang party dito sa bar. Walang awat ang mga tao sa pagsasayawan at dumadagundong ang masayang tugtugan.

Pero heto ako at napiling uminom na lang tulad nang dati. Para bang wala akong gana. Iniinda ko kasi ang mangyayaring kaabang-abang anumang oras.

Makikita ko ulit siya.

Sabi niya sa akin ay natatakot siya. Natatakot siyang mawala ako sa kanya. Natatakot siyang mahiwalay sa akin, na kahit pa isang araw akong hindi makita ay hindi siya mapapakali.

Siya ang nagturo sa'kin kung paano harapin ang totoong buhay. Buhay kung saan hindi ko pasan ang lahat ng problema sa mundo. Siya ang tanging taong naglahad ng kamay sa akin para hilahin ako, buhatin, at itaas nang sobra sa kaligayahan.

Galit ako sa mundo noon. Pero dahil sa kanya, unti-unti kong natutunang kaibiganin ang buhay. Naging masaya kaming dalawa. Napakasaya. Pero ang hindi ko pala naisip noon ay ang pangamba na ang nakakatakot sa pagiging masaya ngayon, ay baka bukas hindi na.

"Filan!" Narinig ko na ang tinig ng mga taong tumawag sa kanya.

Welcome party niya ito kaya naman lahat ay excited siyang makita. After how many years, ngayon lang ulit siya nakabalik ng Pilipinas. Tila nawala na ang malakas na tugtugan sa aking pandinig at napalitan na ito ng dagundong ng tibok ng aking puso.

Inakbayan ako ng kaibigan ko at pilit na nginitian. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon pero magpatianod na lang ako sa paghila niya sa akin para makita namin si Filan.

Abot langit ang tahip sa dibdib ko habang palapit kami nang palapit sa kumpulan ng tao dito sa bar. Nagsimula akong kabahan na parang kinukurot ang aking damdamin. Hinahalukay ang aking mga emosyon at hindi ko na malaman kung paano ito pahihintuin.

Hindi ako dapat maiyak. Hindi na ako pwedeng malungkot.

Pinasadahan ko muna siya ng tingin at pumikit ng mariin. Linakasan ko ang loob ko at tuluyan ko nang nasilayang muli ang kanyang mukha na kay tagal kong hindi nakita. Kumpara sa dating magaang pisikal na kaanyuan ay tila naging seryoso na ang kanyang katauhan. Maayos ang buhok, pormal ang itim na polong nakatupi hanggang siko, pulido ang pagkakasuot ng kanyang pantalon, at mahihiya kang lumapit sa kanyang sapatos. He looks very intimidating and dominating now. Nahihirapan akong ibuga ang pinipigil kong hinga kanina pa.

Should I be happy? Should I regret everything?

"He looks so fine and fulfilled. Iba talaga ang dulot ng States, ano?" pagkausap sa akin ng pinsan ko.

Talagang iba ang dulot ng lumipas na mga taon. Sadyang ako lang naman yata ang napag-iwanan ng panahon.

Kahit ayokong magsalita ay napilitan akong tumango, "Yes, and I'm so glad he finally made it this far."

Pinanood ko lang sa malayo ang kumustahan. Napapangiti ako tuwing makikita ko siyang ngumiti at tumawa sa mga sinasabi sa kanya ng mga tao. Hindi naman siguro masama kung sasabihin kong namiss ko ang mga simpleng bagay sa kanya tulad ng kanyang ngiti na parating kumakalabit sa puso ko.

Nagbunyi pa sila ng ilang saglit hanggang sa magsalita si Filan sa mikropono at inagaw ang atensyon ng lahat na kung tutuusin ay kanina pa naman nakatutok sa kanya.

May sumulpot na isang balingkinitang babae at lumapit sa kanya. Mahaba ang buhok nito na umaalon, maputi ang kutis, at tila modelo ang tindig. Agaran siyang humawak sa kamay ni Filan at pinagsalikop iyon.

Biglang may nagbara sa lalamunan ko. Lalo na nang itaas nila pareho ang kanilang mga kamay.

Bago ko pa mapigilang mag-igib ng luha ang mga mata ko ay maligayang inanunsyo na ni Filan ang magandang balita.

Para akong tinusukan ng injection kung saan ilang segundo na lang ay lalagutan na ako ng hininga.

Desisyon ko naman ito pero bakit ako pa rin ang patuloy na nasasaktan?

Halos ikabulag ko ang nakitang paghahalikan nila. Nagbunyi ang mga kapamilya at kaibigan nilang narito. Habang ako ay nakalimot na yata kung paano kumibo.

How far can you go when it comes to love? Iyon lang naman ang tanging tanong na dapat kong sagutin. Gagawa ba ako ng paraan o hahayaan na lang?

Is it really all about finding your way back or sometimes, you just have to let go to be finally happy?

Ano nga ba ang pag-ibig na mas dakila pa sa pagpapalaya? Ang manindigan sa pagpaparaya o ang patuloy na lumaban at sumugal ng walang kapaguran?

Hirap na akong pigilan ang pagsabog ng mga emosyon kaya kinuha ko na ang purse ko at nagmadaling umalis sa lugar na iyon na itinuring kong tahanan at pinagsimulan ng maraming bagay na bumago sa buhay ko. Doon ko na pinalaya ang mga luhang kanina pa nagsusumamong kumawala.

I've fallen to the pit of love's damnation. Mag-isa, puno ng takot, at walang ibang katuwang para makaligtas. Can I even survive?

Continue or stop? Make or break? Will I find a way... or choose to completely fade away?

~*~*~*~

Find a Way or Fade Away
General Fiction, Romance

~*~*~*~

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon