[16] Witness

5 0 0
                                    

Ano bang pwede suotin sa isang basketball game? Yan ang napakalaking tanong sa isipan ko ngayon habang naghahanap ng susuotin ko mamaya. Hindi ako mapakali, sa totoo lang. I've never watched a live basketball game, not interested. And besides, wala namang nag-iinvite sa akin. Wala pa nga akong tulog dahil siguro excited ako, kinakabahan, hindi ko alam.

Bigla kong namiss si Aina. Siguro kung okay kami ay kasama ko siya ngayon dito at nagwawala sa mangyayari mamaya. Kaso wala eh, sinira niya yung tiwala at pagkakaibigan namin. She should've said other things like me being btchy sometimes pero yun yung pinili niyang ipamukha sakin.

Sa pagmuni muni ko ay sa wakas nakapili na rin ako ng maisusuot ko. Isang black skater dress at hinding hindi mawawala ang white converse ko. Hmm, should I put my hair up or just let it down?

Itatali ko na sana ang buhok ko nang magtext na si Adam.

Adam 💕 :
Hi Ky, Andito na ako sa labas ng bahay niyo. :)

Sht. He's here. Bigla na lang pinawisan ng sobra yung mga kamay ko. Nanginginig din bigla yung panga ko. Adam, what are you doing to me?

Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko kaagad ang isang itim na sasakyan. Di ko alam kung anong modelo yun dahil hindi naman ako mahilig mga-usisa sa mga sasakyan.

Habang papalapit ako ay parang naguunahan sa pag tibok ang puso ko. I shook my head. Hindi pwede, hindi ko 'to dapat maramdaman. Dapat kay Brent ko lang nararamdaman ang ganito.

"You look beautiful, as always." Napatingin ako sa kanya na puno ng gulat.

Pero agad din naman akong ngumiti. "Thanks."

"Wala yun. Ano, tara na?" Tumango na lang ako at pinagbuksan niya ako ng pinto para pumasok. Samantalang si Brent hindi man lang nagawa sakin ang mga ganitong bagay sa loob ng mahigit tatlong taon. Fck. Am I starting to compare them? No, please.

Nang makapasok kami sa loob ay agad akong napatingin sa mukha niya. Gwapo siya, malinis tignan, yung mga mata niyang natural na mapungay, yung matangos niyang ilong at yung mga labi niya na parang nang-aakit para halikan.

Natigil ang pagpapantasya ko nang napatingin siya sa akin. "Pupunta pala sila Baeron. Kung gusto mo sumama ka sakanila para may kasama ka habang nanunuod." Nilingon niya ako at saka ngumiti habang nagd-drive.

"Kaya ko na ang sarili ko. Don't worry about me." Sa totoo lang ay ayokong sumama kila Baeron dahil baka nandun pa si Evan at maging awkward lang.

Dumating kami sa JMR Colliseum, 30 minutes bago ang game nila kaya medyo maingay na rin at nahahati ang venue sa dalawang kulay. Blue para sa Ateneo at White naman para sa Mariners.

"Hindi mo sinabing may color coding pala." Sabi ko sakanya habang pilit binabasa ang mga nakasulat sa banners.

"Di na yun kailangan dahil sa tingin ko kilala ka ng karamihan. Peymus." Pinalo ko siya ng marahan dahil sa pang-aasar niya.

"Yuck. Ang jeje mo." Napagitla ako nang hilahin niya ang kamay ko at napapasunod na lang ako kung saan man siya papunta.

Napansin kong kaunti na lang ang tao kung saan man kami. Sht. Ano kayang tumatakbo sa isip nitong si Adam? Sabihin niya lang kung may balak siyang i-rape ako, papayag naman ako agad.

"Uy Adam! Kanina ka pa hinahanap ni coach." Bakit ang hihilig mambigla ng mga tao ngayon?

"Oo, papunta na rin ako dun."

"Hi Kyla! Remember me? Duane?" Pinanliitan ko siya ng mata habang tinatandaan ko kung saan siya nakilala.

"Ah, yung--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila ulit ako ni Adam. Di nagtagal ay pumasok kami sa isang kwarto na walang katao-tao pero sobrang kalat. Eto siguro yung kwarto ng team nila.

"Sorry ha? Baka kasi pagalitan ako ni coach." Sabi niya habang nakahawak sa magkabilang braso ko. "Upo ka na muna dyan. Magpapalit muna ako, mabilis lang 'to." And he kissed me in the forehead.

Totoo ba yon? Tngna. Kasi kung oo, kinikilig ako! Unti unti akong napaupo at natulala dahil sa nangyari. Gusto ko pa sanang ulit ulitin sa utak ko ang nangyari kanina nang biglang may pumasok sa kwarto.

Agad niya akong sinalubong ng mga matatalim niyang titig na agad din naman niyang binawi. Ewan ko ba pero nawala ang kilig ko at pinalitan ng kaba. Dumiretso agad siya sa lugar kung san nagkumpulan ang napakadaming bag.

Umayos na lang ako ng upo at kinuha ang phone ko, kunwari ay wala lang siya dito.

Okay na sana nang bigla siyang nagsalita. "Nakita mo ba yung bracelet ko?" Ani ng monster, este Paul, na abala pa din sa paghalughog sa bag niya at sa paligid.

"Hindi. Ka-ka-k-ka.. I mean, kakarating ko lang din." Why am I stuttering?! Napapapindot na lang ako ng malakas sa screen ng phone ko dahil sa pagkainis sa sarili.

Bigla niyang binalik ang bag at pumunta sa inuupuan kong sofa kung saan sunod siyang naghanap. Habang paunti ng paunti ang distansya namin ay naaamoy ko ang pabango niya. Napapapikit na lang ako, does he really have to smell like Brent? He's using Axe Chocolate scent, siguradong sigurado ako.

Nagulat ako nang nasa magkabilang hita ko na ang mga kamay niyang nakapatong sa sofa. Napaangat ako ng tingin at nagkasalubong ang mga mata namin. Walang hiya, ang gwapo pala ng monster na 'to. Well, alam kong gwapo  talaga siya, unang kita ko pa lang sakanya sa bar.

"Kyla?" Napatingin ako kay Adam at halata ang gulat at pagtataka sa mga mata niya. Itutulak ko na sana si Paul nang marahan siyang tumayo at inangat ang bracelet na hinahanap niya.

"Found it." Ani ni Paul na tila ba parang walang nangyare. "Adam, bilisan mo malapit na magsimula." Sambit nito at saka siya umalis.

Tumayo naman agad ako at inayos ang damit ko. Hinawakan bigla ni Adam ang kamay ko at saka namin iniwan ang kwartong 'yon patungo sa basketball court. Galit ba siya? Gusto ko siyang tanungin pero baka ma badtrip lang siya. Tinignan ko siya ng mabilis at napansin kong okay naman siya.

Kumpara kanina ay mas madami ang tao ngayon at mas maingay ang paligid. Bago pa man kami makita ng maraming tao ay gagawin ko na ang dapat kong gawin.

"Wait lang." Tumigil ako sa paglalakad kaya naman napasunod din siya sa ginawa ko.

"May problema ba?" Tanong niya at saka hinawakan ang dalawa kong kamay at pinisil pisil ito.

I shook my head. "Wala." At saka ko siya nginitian at hinalikan sa pisngi. "Goodluck. Sige na pumunta ka na sakanila. Text ko na lang si Baeron."

Napansin ko ang pamumula ni Adam, magsasalita na sana siya ng may biglang sumingit. "Adam, galit na si coach."

Nahuli ko nanaman ang matatalim na titig ng monster. Kumpara kanina ay parang gustong magwala ng monster na nasa harap ko. Nakakatakot. Biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan.

Pero kabaliktaran naman ang inasta ni Adam dahil bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan niya ako sa noo, for the second time. Ptngina. Sa harap pa talaga ni Paul! This moment could've been perfect kung wala lang siya dito.

"Wait for me later, okay?" Nakatingin pa din siya sakin pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil grabe kung makatitig sa amin o sa akin si Paul.

Tumango na lang ako bilang sagot at nginitian siya. Halata ang saya na nararamdaman ni Adam dahil hindi mawala wala ang ngiti at kinang sa mga mata niya.

Maya maya pa ay nagmamadali na ding umalis si Adam mukhang nawala yata sa isip niyang may kasama siya kaya naiwan namang nakatingin si Paul sa akin. Kakaiba talaga ang mga titig niyang iyon.

Aalis na sana ako papunta kila Baeron nang bigla siyang nagsalita.

"Wala kang pinagkaiba sa boyfriend mo." Napatigil ako at napalingon sakanya ngunit huli na dahil tumatakbo na siyang umalis.

Di ko napigilang mapaisip sa mga sinabi niya. Bakit? Anong walang pinagkaiba sa amin ni Brent?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now