[14] Apology Needed

1 0 0
                                    

Dito kami nagdesisyon na kumain sa Gilligan's dahil unli rice daw ang trip ng boys. Nag merge na din sila samin pero di ko alam kung pabor ba sakin dahil kasama si Adam o hindi, dahil kasama ang ape na to na sa ngayon ay nakaupo sa tapat ko at busy nakikipagusap sa iba.

"Gusto mong tikman tong in-order ko?" Alok sakin ni Adam na nasa tabi ko at pangiti ngiti pa sakin.

"Hindi na, okay lang ako." I smiled back at him. Ugh. Kung wala lang ang Ape na to edi sana bwelong bwelo ako. Agad ko namang napansin ang pag-iling niya sa tapat ko. Now what?

Nginitian ko naman siya dahil mukhang masyado niya na yata akong na underestimate. I need a revenge.

Agad kong pinadaan ang mga paa ko sa gitna ng mga binti niya at pataas. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata nya habang nakangiti at iniinom ang iced tea sa baso. Napatingin siya sa baba at ngumiti, nang umangat siya ng tingin ay napansin kong medyo pumungay din ang mga mata niya na nakatitig sa akin. I told you, boys will be boys.

Pero nagulat ako nang biglang nagsalita ng malakas ang katapat ko, "Trying to seduce me Romualdez?"

Napatingin sakanya sila Baeron at ako naman ay napatingin sakanila. "Eww. Asa ka pa. Seriously Bae? Paano naging part 'tong ape na to sa circle of friends mo?" Sabi ko kay Baeron ng nakasimangot.

Agad namang nagsalita si Arvin na tumatawa. "Alam mo Kyla, mabait naman yang si Paul eh. Sa katunayan, yan ang pinakamabait sa amin pati sa buong basketball team. Mysterious type nga lang." At agad sumubo ng pagkain si Arvin.

So Paul pala. "I don't think so." Sabay irap ko sa monster na nasa tapat ko.

Nang matapos kaming kumain ay naglibot libot pa kami sandali nang mapagdesisyunan nila Adam, Arvin at Paul na umuwi na.

Napatingin muna sa akin si Adam at sinenyasan akong gusto niyang makipagusap. "Bakit?" Sabi ko nang medyo nakalayo layo na kami sa iba.

"Namiss kita ng sobra. Wala bang ibang way para makapag communicate tayo?" Sabi niya sakin kasabay ng pagtingin niya sakin ng nagmamakaawa. Hindi yun nakikita ng mga kasama namin dahil nakatalikod siya sa kanila at ako ang nakaharap sa kanila.

"Give me your number. Hintayin mo na lang text ko sayo." Agad kong nakita ang pagliwanag ng mata niya. Inabot ko sakanya ang phone ko para ilagay ang number niya dun. Nang binalik niya na ay pinangalanan ko siyang 'Apple'.

Bumalik na agad kami sa grupo dahil nagmamadali na daw etong si Arvin. "Uy sige, una na kami. May practice pa eh."

Agad kong nasalubong ang mga matatalim na titig ng Paul na 'to at unti unti rin siyang tumingin sa phone ko bago sila umalis. Kinikilabutan ako sa ginagawa niya, he's so weird.

Umupo muna kami sa foodcourt habang nagpapalipas oras nang biglang mabanggit ni Jacob ang tungkol kay Adam, "Someone's obviously hitting on you Kyla."

I know and di ko matatanggi na gusto ko yung ginagawa niya. But I have a boyfriend and I don't want him doing the same thing with me. Pero bakit ko nga ba ginagawa hanggang ngayon? I don't really know. Thrill, maybe?

"Whatever Jacob. Para namang may bago pa dun. Uh, wait. May extra phone ka bang hindi ginagamit?"

Tinignan naman ako ni Baeron at Jacob ng malaman. Si Evan din ay napatingin pero alam niyo yung walang emosyon? Hay, kanina pa yan tahimik.

"What's with the looks?" At tinaasan ko sila ng kilay. Minsan talaga hindi ko sila maintindihan.

"I know what happened Kyla kaya 'wag mo na i-deny. Nakita ko kung pano mo binigay ang phone mo kay Adam at alam kong number niya ang tinype niya. Paano na si Brent?" Sabi ni Baeron habang pataas taas siya ng kilay.

Napakunot naman ang noo ko ngayon. Sa totoo lang masyadong expressive ang mga kilay ko kaya ganito na lang kung maka react. "It's not that I'm cheating. Bored lang ako and interested lang ako sa kanya."

Pumalakpak nang malakas si Jacob, "There! You're interested, sinabi mo na. Hindi namin tinotolerate yang ganyan Kyla. Kahit naman hindi talaga kami boto dyan sa Brent kid na yan dapat maging fair ka sa relationship nyo."

Napa nganga ako sa sinabi niya. "Coming from the playboy? Ewan ko sayo Jacob. Bago ko sundin yang sinasabi mo, you should change your self first. And excuse me, kung maka react naman kayo parang hindi ko 'to ginagawa dati."

Nagulat ako nung nagsalita si Evan, sa wakas. "Hindi mo naman talaga yan ginagawa dati." Naghihintay pa ako ng kasunod niyang sasabihin pero mukhang wala na siyang balak sundan pa.

"Alam mo Evan, will you get straight to the point. Tutal umimik ka na din ituloy tuloy mo na." I'm not mad. Gusto ko lang ng pina pranka ako. Ayoko ng plastikan.

"Before pag nakuha mo na ang atensyon sayo ng lalaki you'll stop. Pero ngayon parang gustong gusto mo pa yung paghahabol sayo ni Adam kaya pinapatulan mo ang pambobola niya sayo." Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

Napatayo ako sa mga sinasabi niya at si Baeron na nasa tabi ko ay pinipigilan ako dahil gumagawa na daw kami ng eksena. "Bitiwan mo nga ako Baeron! Eto kasing si Evan eh." Sabay turo ko sakanya, "Alam mo kanina ka pa. Nagtitimpi lang ako kasi akala ko may problema ka lang pero napapansin ko kanina ka pa kontra ng kontra sakin. Ngayon tatanungin kita, ano bang problema mo sakin?"

Nakatayo pa din ako at nakatingin sakanya. Hindi ko na kasi mapigilan talaga ang sarili ko. Him acting like this? It's bothering the hell out of me.

Si Jacob at Baeron naman ay naririnig kong humihingi ng pasensya sa paligid habang si Evan ay halata ang pag igting ng panga. "Kung wala kang pakialam sa sarili mo isipin mo naman sana yung iba. Napaka selfish mo." At padabog niya kaming iniwan.

Di ko namalayan na nakatingin pa din ako sa pwestong inuupuan ni Evan at unti unting napa upo. Bumalik na lang ako sa wisyo nang nahalata kong tahimik ang paligid. Sht. I know I made a scene but not like this.

Tinignan ko silang lahat habang nakataas ang kilay ko. Unti unti rin namang bumalik ang ingay pero pansin pa din ang mga nakaw na tingin sa table namin.

"Tsk tsk tsk. Kailangan mo ng tulong namin ni Jacob?" Sabi ni Baeron na nakatingin sakin na para bang namatayan ako.

"Why the fck would I need your help?"

"Mukhang marami kang pagdadaanan bago ka mapatawad ni Evan eh." Di na napigilan ni Jacob ang matawa. "But seriously, what you did awhile ago was rude and basta di ko ma explain! Hayaan mo andito lang kami ni Bae incase you'll need our help" Sabay tawa ulit at tapik sa braso ko.

"Shut up, I don't need your sympathy. The Tent tayo. I want to chill." Pagyayaya ko sakanila.

"This early?! Kyla naman--" Naputol ang pagsasalita ni Jacob nang tinignan ko siya ng masama.

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now